CHAPTER FOUR: "Hallway Kiss?"

294 11 2
                                    

Kanina pa masama ang tingin ko kay Terrence. Ang sakit sakit na kasi ng paa ko kalalakad at kasalanan nya ito.

“Hindi ba mas masarap maglakad?” tanong nya sa akin.

“Masakit na ang paa ko.” Reklamo ko sa kanya.

“Gusto mo buhatin na lang kita?”

“No way!!! Stay away from me!” Sigaw ko ng magtangkang lumapit sa akin si Terrence.

Tumawa lang si Terrence. Hindi ko talaga ma-gets ang ugali ng lalaking ito. Obviously wala syang magawa sa buhay kaya ako ang pinagti-tripan nya.

“Your voice…It’s beautiful.” Bigla nyang sinabi.

“Mambobola ka pala?”

“Hindi ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. So ikaw ba ang nanalo? Binoto kita.” (^__^)v

Tumango ako sa kanya. Kahit papaano thankful ako dahil na-appreciate nya ang boses ko. Si Iñaki kaya?

“Para kanino ba yung kanta mo?” tanong ni Terrence.

Napahinto ako sa paglalakad. Huminto din si Terrence at tumingin sa akin.

“Para sa akin ba?” (^_________^)

Hinampas ko sya sa braso. Ang kapal talaga ng mukha nya!

“Aray.”

“Kapal mo hindi para sayo yun noh!” I exclaimed.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Terrence.

“Then para kanino?” tanong nya sa akin.

Para kay Joaquin. “Wala. Kailangan bang may paghandugan ako ng kanta na yun?” pagsisinungaling ko.

Hindi agad sumagot si Terrence parang nag-iisip pa ito.

“Sana para sa akin na lang. Pwede bang angkinin? Wala naman palang nag mamay-ari eh.” Nakangising sinabi nito.

“Ano ka hilo? Hindi pwede! Bahala ka na nga dyan.” Sigaw ko then I started walking again. Agad namang humabol si Terrence sa akin.

“Oh galit ka na agad sa akin. I was joking.”

Hindi ko sya kinibo. Nakakainis na kasi sya. Bakit ba kasi kailangan nya pa akong sabayan umuwi?

Biglang lumapit si Terrence sa isang ice cream vendor. I just continued walking. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na ulit sya.

“Peace offering?” Terrence said to me while handing me an ice cream.

Tinitigan ko lang ang ice cream. Tatanggapin ko ba ito o hindi? Pag tinanggap ko ba ibig sabihin close na kami or friends na kami?

“Walang lason yan.” Pamimilit ni Terrence.

In the end tinanggap ko din ang ice cream. Makakatanggi ba ako lalo na at favorite ko ang flavor? Cheese. Maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng bahay ko.

“Sabay ulit tayo bukas.” Terrence said to me habang binubuksan ko ang gate namin.

“Ayoko nga. Bye!” sabay pasok sa loob ng bahay. Bahala nga sya sa buhay nya. Nahihibang na talaga sya.

“Sino yun Ma’am Lyka? Manliligaw mo?” tanong sa akin ni Manang Noemi pagpasok ko.

“Naku Manang hindi po noh.”

“Mukhang gusto ka nung binatang yun Ma’am Lyka. Hinatid ka pa dito sa bahay.” Kinikilig na sinabi ni Manang.

Kinilabutan ako sa sinabi nya. Imposible naman yatang magustuhan ako ni Terrence eh ang gwapo gwapo nun pero mas gwapo parin si Iñaki.

Cupid's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon