CHAPTER TWENTY FOUR: "Iñaki's Entry No. 6: Misunderstood"

233 8 0
                                    

I don’t know if its alright to say this butI I’ll say it anyway. I only want to kiss one special girl and that girl is you…

“Malapit na yung interschool basketball competition dude. Do you think may pag-asa tayong manalo?” tanong sa akin ni Troy habang naglalakad papasok ng building ng seniors.

“Siguro naman kaya nga grabe na magpa-practice si coach nagiging dragon na naman ugali.”

          Malayo pa yung competition pero sobrang pinaghahandaan na ng team yung laban. I also wanted to win. Ilang years na din kasing hindi nagcha-champion ang school namin sa competition na yun na ginagawa lang every month of December.

“Kamusta naman kayo ni Lyka? May development na ba?” tanong ni Troy habang umaakyat kami sa stairs.

          Kamusta na nga ba kami si Lyka? Wala namang pinagbago. Ganun pa din. Hindi ko nga sya nakita nung nakaraang araw dahil sobrang busy ko sa team.

“Balita ko nung isang araw magkasama sila bago umuwi eh. Sa tingin mo ba pare nililigawan na ni Terrence si Lyka?” tanong ni Troy.

“Hindi ko alam.” Matipid kong sagot. Kapag naiisip ko kasi si Terrence sumasama ang araw ko.

“Kung ako sayo dude unahan mo na. Gusto mo bang maagaw pa ni Terrence si Lyka sayo?”

          Ayoko! Hindi pwede! Pero hanggang di ko na-oovercome itong kaduwagan ko alam kong wala akong magagawa.

“Sabihin mo nga sa akin dude. Ano bang kinakatakot mo at hindi ka makalapit kay Lyka?”

Huminto ako sa paglalakad tapos tumingin ako kay Troy.

“Naramdaman mo na ba yung feeling na kapag nasa harap mo na yung isang tao parang sasabog yung dibdib mo sa kaba? You get tongue tied tapos nagiging blanko yung isip mo?” I said to Troy.

Umiling lang sya.

“Ngayon ko lang naramdaman sa isang babae yun. Kay Lyka ko lang naramdaman yung ganung feeling. Think of me as corny pero yun talaga yung nararamdaman ko.”

“In love ka nga dude. Congrats ha!” sinabi ni Troy sabay tinapik ako sa likod.

Breaktime….

“Bakit daw kailangan pa nating mag-stay sa room?” tanong ni Troy sa akin.

“Hindi ko alam eh pero sabi ni Ma’am nakiusap daw yung Sir Felix na mag-stay ang buong class for awhile.”

          I don’t who that Sir Felix was. Parang ngayon ko lang narinig yung pangalan nun pero I am sure hindi sya professor dito sa school. Maya-maya pa ay pumasok sa room namin si Elizabeth kasama yung isang matandang lalaki na naka shades which I am guessing ay si Sir Felix. After a few seconds pumasok naman si Monica na hatak hatak si Lyka. Tumabi si Lyka kay Elizabeth sa unahan ng room.

“Anong ginagawa nila dito?” Troy whispered.

“Hindi ko din alam eh.” I look at Lyka. She was just standing infront with her head down. Mukhang nahihiya yata.

“Good afternoon Class B. Please lend us some of your time to witness a singing face off of our two chorale members. After their performances you can vote using a small paper on who was the best singer and one of  our members will collect them after the performances.” Sabi nung Sir Felix.

          Tama ba yung rinig ko? Face off? Lyka and Elizabeth are going for a battle here in our room? Bakit kaya? Umupo si Monica sa likuran ko.

“Troy itanong mo naman kung para saan yung face off na gagawin?” bulong ko.

“Excuse me.” Sinabi ni Troy kay Monica. Lumingon si Monica sa amin tapos ngumiti. “Bakit sila may face off?”

Cupid's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon