Claire….Claire….Claire! Alam ko narinig ko na yung pangalan na yun before eh pero di ko talaga maalala. (-_-?)
I was walking towards school kasi kanina ng biglang narinig ko na may tinatawag na Claire yung babae sa likod ko. After nun I kept on thinking where on earth did I hear that name before.
“BFF anong iniisip mo?” tanong sa akin ni Monica.
“Saan ko ba narinig yung name na Claire?” tanong ko kay Monica.
“Eh di kay Iñaki! Diba sabi mo magko-confess si Iñaki sa kanya during Valentine’s day?
Napatayo ako bigla sa chair ko. Naaalala ko na si Claire! Tama si Monica! Kay Iñaki ko nga narinig yung name na yun. Pero nasaan na sya? Nakapagtapat kaya si Iñaki? Bakit non-existent yata sya ngayon?
“Ano kaya nangyari sa kanilang dalawa?” tanong ko kay Monica.
“Aba malay ko! Nag-inarte ka after Valentine’s day kaya wala akong nasagap ng balita about Claire.”
Gusto ko sanang itanong kay Iñaki personally pero magtataka naman yung tao kasi kay Pyom lang nya sinabi yun. Paano ko kaya mai-oopen si Claire kay Iñaki?
“Uuyyyyy!!!!” narinig namin na sigaw nung mga classmates namin sa loob ng room
Napatingin ako sa may unahan and I saw Terrence holding a boquet of flowers. He was looking at me.
“Aba! Finally binigyan ka din ng bulaklak!” Monica exclaimed.
Lumapit si Terrence sa akin and then he handed me the flowers. Pagtanggap ko naghiyawan ulit yung classmates namin ni Monica.
“I like you a lot Lyka.” Terrence said.
Hindi ko maiwasang hindi mag-blush. Nothing prepared me when he said that he likes me in front of everyone again.
“Sagutin mo na kasi Lyka si Terrence!” sigaw nung isa sa classmates ko.
“Oo nga.” Sabi nung iba sa room.
“Thank you sa flowers.” Yun lang yung nasabi ko. Kinakabahan kasi ako.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napasilip sa may labas ng room namin. I saw Iñaki looking at us. Kasama nya that time si Troy. Tinapik sya ni Troy sa balikat and then they left.
Itinago ko yung flowers sa locker ko during luch break. Nakakailang kasing bitbitin sa school. As soon as I closed my locker biglang tumunog yung bell ng school signaling an announcement.
To all Senior students please proceed to the school open ground area right now. There will be a general assembly.
“General Assembly? Bakit kaya?” I asked myself.
I immediately went to the school ground. Kinawayan ako ni Monica and I hurriedly walk towards her.
“Anong meron?” tanong ko kay Monica.
“Hindi ko din alam eh baka regarding sa upcoming Prom natin.”
I almost forgot na malapit na ang JS prom ng school. I can still remember last year. Super disaster yung prom ko. Yung partner ko kasi biglang naglaho in the middle of the event tapos wala man lang nagsayaw sa akin. (YoY)
“Eh bakit wala yung juniors?” tanong ko.
“I dunno.”
Maya-maya pa ay umakyat ng tatlong students sa stage. If I can remember they call themselves as the Equinox. Lately they have been getting popularity here in our school. Paano ba namang hindi magiging popular eh bukod sa gwapo yung vocalist nila koboses pa ni Bamboo.
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart
عاطفيةThis is Malaika Escalante signing on... Hindi daw natin alam kung kelan tayo mapapansin ni Mr. Kupido. Magugulat ka na lang isang araw at in love ka na. I was still in First Year High nung napagdiskitahan ni Mr. Kupido na patamaan ng flaming arrow n...