Christmas is in the air and everyone seems to be in high spirits lalong lalo na ang chorale members. We’ve been practicing for weeks and our piece is almost perfect. Ilang araw na lang ay chorale competition na and our school will host it.
“Grabe lalong nanonoxic si Sir Felix sa practice natin ha.” reklamo ni Monica sa akin after approaching me inside the classroom.
Kakatapos pa lang ng first class namin ngayong araw. I was busily memorizing the notes of my solo piece.
“Sobrang aral mo na dyan sa piyesa mo ha. Breaktime naman kahit sandali lang.” sinabi sa akin ni Monica sabay agaw sa hawak ko na piyesa.
“Monica hindi ko pa perfect yung piyesa ko kaya ibigay mo na sa akin yan.” Usal ko.
“Gusto mong i-perfect para kay Iñaki noh?” bulong nya sa akin.
Sa totoo lang yun naman talaga ang dahilan ko. Everyone in school is going to watch the competition kaya dapat galingan ko lalo na at manunuod si Iñaki.
“Sya naman ang dahilan kung bakit gusto ko ng solo part diba? Sabi ko kay Monica.
“May Elizabeth na yun kaya kalimutan mo na si Iñaki.”
I’ve been trying hard to forget him pero it was really hard lalo na if apat na taon na din akong may nararamdaman para sa kanya. I finally decided na kakalimutan ko na lang sya kung magiging sila na ni Elizabeth. I see them from time to time. Minsan magkasabay umuwi. Minsan naman hinahatid nya si Elizabeth sa practice. The only good thing ay hindi pa silang dalawa according to Elizabeth herself na wala ng ginawa kundi ipagyabang na lagi silang magkasama ni Iñaki.
“Kakalimutan ko naman sya kapag naging sila na ni Elizabeth.” I told Monica.
“Pero ang weird girl ha. Patay na patay si Elizabeth kay Iñaki pero bakit hindi pa nagiging sila? Nanliligaw ba talaga yung si Joaquin?” tanong ni Elizabeth.
Malaking palaisipan din sa akin iyon pero iniisip ko baka hindi pa nagtatapat si Iñaki kaya hindi pa sinasagot ni Elizabeth.
“Lyka na-miss kita!” I heard Terrence shouting at our classroom door.
Tumakbo sya papunta sa amin ni Monica. It’s been weeks since I last saw Terrence. There are times na iniiwasan ko talaga sya. Naaalala ko kasi yung nangyari sa amin sa haunted house.
“Hindi mo ba ako na-miss?” tanong nya sa akin.
“Hindi.”
“Whew Ice Cold.” Terrence said sabay umarte pa na nilalamig sya.
“Saan ka ba nanggaling kasi Terrence? Ilang araw kang di nagpakita.” tanong ni Monica.
“Baskteball practice. Malapit na kasi competition namin sa kabilang probinsya pa naman gaganapin yung competition. Manuod kayo ha.”
Bukod sa chorale competition may interschool basketball competition din na gaganapin this December. Excited na akong mapanuod si Iñaki. I hope manalo din sila this year. Umupo sa tabi ko si Terrence.
“Lyka okay lang ba if hintayin kita mamayang uwian?” tanong nya sa akin.
“Ha? Bakit?” tanong ko kay Terrence.
“May gusto kasi akong sabihin.”
“Bakit hindi mo pa sabihin ngayon? Mamaya pang gabi tapos ng practice namin.”
“Basta.” sinabi ni Terrence and then he went out of our room.
Bigla akong kinurot sa tagiliran ni Monica.
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart
RomanceThis is Malaika Escalante signing on... Hindi daw natin alam kung kelan tayo mapapansin ni Mr. Kupido. Magugulat ka na lang isang araw at in love ka na. I was still in First Year High nung napagdiskitahan ni Mr. Kupido na patamaan ng flaming arrow n...