If I will be given once chance to have the power to stop time. I will make time stop during this one rainy afternoon…
At the Classroom…
Nakadungaw ako sa labas ng bintana ng room. Napakalakas ng ulan ngayong araw na ito. Alam nyo ba yung mga araw na parang tamad na tamad kang pumasok and all you wanted to do is to just lazily lay on your bed? Well this is one of those days.
“Dude ang lakas ng ulan. Tuloy pa ba yung practice natin mamayang hapon?” Troy asks as he approaches me.
“Inaatake na naman ng pagiging halimaw si Coach dahil malapit na yung game natin with Evergreen kaya malamang tuloy yun.” I replied.
“Sus, ang hirap naman talunin nung school na yun eh atska ang sarap matulog sa bahay ngayon kesa magpractice.” Sinabi ni Troy habang nagkakamot ng ulo.
“Wag ka ng magreklamo. Kung di ka aattend ng practice gusto mo bang isang buwan kang pag-initan ni coach?”
“Asar. Tsk!”
I look outside again and it looks like the sky released more of its fury. I can’t help but to recall nung ganito din kalakas yung ulan tapos magkasama kami ni Lyka sa cabin.
“Bakit ka ngumingiti dyan? May naisip ka ano?” Troy teases. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
“W-wala ha.”
“Halatang si Lyka naman iniisip mo eh. Naalala mo yung buong gabi kayong magkasama dun sa isolated na cabin noh?” (^______^)
I blushed at what Troy said. Totoo kasi yung sinabi nya. Minsan nagtataka na ako dito kay Troy eh. Can he read minds?
“Kamusta naman ang panunuyo mo kay Ice Queen?” tanong nya sa akin.
“W-wala ka na dun! Bumalik ka na nga sa pwesto mo! Istorbo ka dito eh.” I exclaimed and then Troy finally went back to his seat.
Kung kailangang tunawin ko yung nagyeyelong puso ni Lyka gagawin ko yun.
After Practice…
“Ang sakit ng katawan ko. Grabe naman si Coach!”
Sobrang pagod lahat ng team after ng practice. Ang daming play ang pinagawa sa amin ngayon ni Coach at dibdiban din yung practice to improve our skills. Sobrang sakit na din ng katawan ko after everything.
After we went out the gym dumiretso na agad kami sa main building. Ang daming estudyante na nag-aabang sa pagtila ng ulan that time, siguro nga walang dalang payong.
“Dude si Lyka yun diba?” Troy said to me while pointing at Lyka who was already walking outside.
Wala si Terrence? Yes! Pwede ko ulit syang ihatid. (^___^) Grab lang ng grab ng opportunity!
“Mauna na ako pare ha.” I said to Troy as I open my umbrella ang started to walk outside. After a few steps I stopped. May nakita kasi akong mag-nobyo na kasabay kong lumabas. They are only sharing one umbrella.
Agad akong bumalik kay Troy. He looks at me with a confused face.
“Oh akala ko ba sasabayan mo si Lyka?” he asks.
“Ikaw muna magdala nito.” I said to him and then I handed him my umbrella.
“Anong gagawin ko dito? Paano ka?” he shouted as I started to run outside.
“Okay lang ako!” I shouted back and then I continued running while covering my head with my bag.
As I was running towards Lyka she suddenly turns around and saw me.
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart
RomantizmThis is Malaika Escalante signing on... Hindi daw natin alam kung kelan tayo mapapansin ni Mr. Kupido. Magugulat ka na lang isang araw at in love ka na. I was still in First Year High nung napagdiskitahan ni Mr. Kupido na patamaan ng flaming arrow n...