I was early the following day at school. Ang totoo hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa yakap ni Iñaki. Nagulat si Monica pagpasok ko ng room.
“Himala yata bakit ang aga mo ngayon?”
“Hindi mo ba ako iko-congratulate?” nakangiting sinabi ko.
“Aminin mo! Isa kang Alien at ang tunay na Lyka ay na-abduct at kasalukuyang nasa ibang planeta ngayon.”
I sat on my chair at agad sumunod si Monica.
“Tell me. May nangyari ba? Bakit maaga ka?” pangungulit ni Monica.
“Kailangan bang may mangyari pa para lang makapasok ako ng maaga?”
“Sungit naman. Pero kahit hindi mo pa sabihin alam kong may nangyari kaya ang aga mo ngayon.”
Isa sa mga disadvantages of having a bestfriend ay wala kang maitagong lihim kahit gusto mo pang itago ito. Masyado na akong kilala ni Monica.
“I heard we are going to do Les Miserables this years competition.” Sinabi ni Monica sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil favorite ko ang play na yun.
“Talaga? Wow naman talagang desidido si Sir na Manalo this year ha.”
Every Christmas kasi ay may chorale competition ang iba’t ibang school sa lugar naming at lagi na lang mailap ang first place sa amin dahil napaka galing talaga ng defending Champion na Xavier Academy. Lagi na lang kaming second place.
“Sabihin mo kaya kay Sir Felix na bigyan ka ng solo act ngayong competition. Di hamak na ikaw ang may pinaka magandang boses sa mga soprano sa atin. I am sure we will have a chance of winning kung may piece ka.”
Sandali akong nag-isip. Bakit nga ba sa apat na taon kong miyembro ng chorale ay hindi pa ako nagkakaroon ng solo act? Bukod sa nahihiya ako lagi din naman kasing si Elizabeth ang pinipili dahil malakas sya kay Sir Felix.
“Panigurado si Elizabeth na naman ang bibigyan nun.” Sinabi ko sabay buntong hininga.
“Sus ko sawang sawa na ang judges sa boses nun noh. Dapat give chance to others naman atsaka if may solo act ka baka sakaling mapansin ka ni Iñaki diba?”
Tama si Monica. Kung kakanta ako at manunuod si Iñaki mapapansin na nya ako kahit during the performance man lang. I smiled at the thought of him watching me as I sing on stage.
“Susubukan ko pero hindi ko maipapangako ha.”
“Don’t worry akong bahala sayo.” Sinabi ni Monica sabay kindat.
During the Chorale Meeting…
“We are going to perform pieces from Les Miserables and Phantom of the Opera this coming competition so maaga pa lang let us start practicing to bring home the Championship this year.” Sir Felix told us.
“Sir!” sigaw ni Monica. “Pwede po bang bigyan nating ng solo act si Lyka this year?”
“Alam naman nating lahat na may maganda syang boses.” Dagdag pa ni Monica.
“We are here to win the Championship hindi ba parang gamble if isasabak natin ang isang baguhan sa solo act para kumanta sa competition?” pagtutol ni Elizabeth. Halatang gusto nitong sya parin ang makakuha ng solo act.
“Sigurado ako na sawa na ang judges yearly sa boses ni Elizabeth. If we want to win we better give them something new this year at yun ay ang boses ni Lyka.” Pagtatanggol sa akin ni Monica. Almost everyone nodded.
Parang dalawang pusa na magkakalmutan na sina Elizabeth at Monica.
“Ang tanong ay gusto mo ba Lyka na magka solo act?” tanong sa akin ni Sir Felix
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart
RomanceThis is Malaika Escalante signing on... Hindi daw natin alam kung kelan tayo mapapansin ni Mr. Kupido. Magugulat ka na lang isang araw at in love ka na. I was still in First Year High nung napagdiskitahan ni Mr. Kupido na patamaan ng flaming arrow n...