“Bilisan mo nga Monica baka mawalan tayo ng magandang pwesto sa bleachers!” hatak hatak ko si Monica papunta ng gymnasium. May practice kasi ang Basketball team at wala akong pinapalagpas na pagkakataon para manuod ng practice ni My Beloved Iñaki.
“Grabe ka naman Lyka napaka daming mauupuan doon we don’t need to rush.” Nakasimangot na sinabi sa akin ni Monica.
“Alam ko pero gusto kong maupo dun sa may malapit sa bench ng players.” Syempre para mas malapit kay Iñaki hehe.
“Nagtitiyaga kang manuod ng practice nya pero di ka naman napapansin. Dinadamay mo pa ako sa obsession mo dyan kay Iñaki.”
Okay lang naman sa akin kahit hindi nya ako napapansin kahit everyday akong present sa practice at game nya. Masaya na kasi akong mapanuod sya kahit sa malayo.
“Do you think may mangyayari sa sitwasyon nyo ni Iñaki if lagi kang present sa laro nya? Hangga’t ikaw mismo ang di gumagawa ng paraan para magkausap kayo wala kayong patutunguhang dalawa.”
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Monica. Alam ko naman na totoo ang sinasabi nya pero sa ngayon hanggang dito lang talaga ang kaya kong gawin. Pagdating namin sa court medyo madami na ding estudyante na nanunuod mabuti na lng at may bakante pang space para maupuan namin. Sobrang kinikilig ako dahil nasa likod lang ako ng bench ng players at kitang kita ko pa si Iñaki. He was busily spinning the ball on his thumb when I saw him. Ang gwapo nya talaga. (=^__^=)
“Close your mouth Lyka baka tumulo laway mo. Eeew!” biro ni Monica sa akin. I just smirked at her. Lagi na lang kasi akong inaasar nito pagdating kay Iñaki.
“You two, come down here.” Sinabi bigla ng coach sa amin.
Bumaba kami ni Monica at lumapit sa kanya.
“Yes po?” tanong ko sa Coach.
“Okay lang ba if kayo muna mag serve ng tubig sa players natin? Wala kasi yung water boy ngayon eh.”
“Sure po!” sagot ko before pa makatanggi si Monica. Tinignan ako ng masama ni Monica. Panigurado lagot ako mamaya sa kanya sa ginawa ko. Hinila ko na lng sya papunta sa water jug at inabutan sya ng paper cup.
“Nasisiraan ka na ba? Bakit ka pumayag? Shet nakakahiya tayo!” Monica blurted out.
“Sige na please Monica pumayag ka na. Chance ko na ito para makalapit kay Iñaki.”
Inirapan ako ni Monica but I hug her. Alam ko yata ang weakness ni BFF. Kahit mataray si Monica basta may hilingin ako at kaya naman nyang ibigay pumapayag din sya.
“You owe me big time.” Monica said to me.
Habang nagbibigay ng tubig sa mga players ay nagnanakaw din ako ng ilang sulyap kay Iñaki. Napakagaling talaga nya. Lalo tuloy ako naiinlove.
“Ano ba naman itong si coach. Pipili lang ng water girl yung mukhang nerd pa.” narinig ko na sinabi ng isang player.
Are they talking about me? Ako? Nerd?
“Tignan mo naman itsura ang kapal kapal ng salamin tapos nakapusod pa yung buhok. Shet kakawalang gana dude!”
Tumingin ako sa dalawang nag-uusap bigla silang umiwas ng tingin.
So ako pala talaga pinag-uusapan nilang dalawa. Eh ano naman ngayon if makapal ang salamin ko at least nakakakita ako. Ayoko mag contact lens mabusisi atska minsan nakakalimutan kong tanggalin bago matulog. At ano namang problema kung nakapusod buhok ko at least hindi ako mukhang bruha diba? At anong pakialam nila sa braces ko na may goma pa? Kapag natanggal naman ito gaganda na ipin ko. Ay teka, may sinabi nga ba sila about my braces? Wala naman yata.
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart
RomanceThis is Malaika Escalante signing on... Hindi daw natin alam kung kelan tayo mapapansin ni Mr. Kupido. Magugulat ka na lang isang araw at in love ka na. I was still in First Year High nung napagdiskitahan ni Mr. Kupido na patamaan ng flaming arrow n...