Episode 8

1.2K 26 7
                                    

Jennie's POV
"Jennie, pinabigay ni Lisa sayo." Nakita ko si Jisoo unnie na may binigay na parang papel. "Babasahin ko nalang unnie."

Jennie-ah, magkita tayo sa dance room sa likod ng gym. -Lalisa 💕

Ano na naman kayang balak nitong babaeng to?

Chaeyoung's POV
"Final na ba yung desisyon ni Lisa?" Tanong ko kay Jisoo unnie. "Oo, liligawan niya si Jennie." Sabi ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sana pala umiwas nalang ako sa kanya para hindi ako nasasaktan ng ganito.

"Unnie, kailangan ba talaga akong sumama?" Tanong ko naman kay Jisoo unnie.

"Kailangan! Bestfriend ka nun kaya ikaw yung kailangan nandun." Sabi niya.

Masasaktan lang naman ako pag nandun ako.

Lisa's POV
Nandito ako sa dance room sa likod ng gym nagpa-practice ng sasayawin ko para kay Jennie. Ang sasayawin ko ay ang kanta ng BTOB na "Only One For Me". Paborito ko kasi yun. "Galingan mo ha!" Sabi ni Seulgi unnie.

Habang nagpa-practice kami, bigla namang may tumawag. Si Jisoo unnie lang pala.

"Papunta na siya." Sabi ko kaya agad naman akong nag-prepare.

Jennie's POV
"Eto na ba yun?" Tanong ko naman ng makita ko si Chaeyoung ata na may hawak na bulaklak. "Para sayo." Binigyan niya ako ng bulaklak kaya kinuha ko nalang to.

Nadaanan ko rin si Seulgi unnie na may hawak na bulaklak at kinuha ko rin yun.

Nakita ko si Lisa na sumasayaw. Hindi ko alam na may ganito palang side si Lisa. Ngayon, mas lalo ko pang nagugustuhan si Lisa.

"Jennie, alam kong hindi pa tayo ganun ka-close pero, kahit sa sandali lang ay naparamdam mo sa akin ang pagmamahal na hindi mabibigay ng kahit sino." Panimula niya. "Pero nahihiya akong sabihin yun dahil ayun nga, bipolar ka. Kaya anytime na mainis ka dahil minsan ay magiging cringy ako, pwede mo akong hiwalayan." Sabi naman niya. "Pero why not take the risk? Baka magbago ang isip mo." Dagdag niya. "Jennie Kim, maaari ba kitang ligawan?" Huling sabi niya.

Hindi naman sila magtataka kung mapapangiti ako ng abot hanggang tenga. "Oo, Lalisa Manoban. Pwedeng-pwede." Sabi ko at lumapit siya at niyakap ako. "Promise, hindi kita bibiguin." Sabi niya.

Chaeyoung's POV
Wala na. Wala na talaga akong pag-asa. Um-oo na si Jennie. Yung puso ko, parang dinurog.

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kaya agad akong tumakbo.

Jisoo's POV
Tinignan ko lang sila. Hindi alam ni Lisa na may gusto si Chaeyoung sa kanya. Pero hindi alam ni Chaeyoung na may gusto ako sa kanya.

(AN: Oops, mukhang nangangamoy love triangle ㅋㅋㅋㅋ)

Dati pa, ayoko lang sabihin dahil takot akong ma-reject. Bata palang kami nila Lisa, pinapangarap ko na si Chaeyoung. "Chaeng!" Sigaw ko habang hinahabol siya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "May problema ba?" Tanong ko. Umupo muna kami sa bench kung saan kami tumigil.

"Hindi ko na alam ang gagawin unnie. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko siya." Sabi niya at patuloy na umiiyak.

Naawa na ako sa kanya, pero hindi ko man lang siya natulungan. "May mga bagay kasi na dapat i-sikreto natin sa ibang tao. Hindi lahat ng bagay pwede nating sabihin sa iba." Sabi ko.

"Salamat unnie, palagi kang nandyan, hindi mo ko iniiwan." Sabi niya at inilagay ang ulo niya sa balikat ko. "Hinding-hindi kita iiwan." Pabulong kong sabi.

Mahal na mahal kita, Park Chaeyoung. At hindi magbabago yun.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon