Episode 4

1.7K 46 10
                                    

Lisa's POV
"Sino daw kalaban natin?" Tanong ko kay Seulgi unnie na nagpupunas ng pawis niya. "Boys versus Girls daw. Pero dahil ikaw ang captain, for sure tayo ang panalo." Sabi naman ni Seulgi unnie kaya napatawa kami.

"Punatahan kaya natin sila Chaeyoung? Break time naman natin." Sabi ko. "Sige." Sabi ni Seulgi unnie at naglakad papunta sa kabilang court.

Marami kaming court dito sa school, marami din kasing ganap ang school na ito.

Joohyun's POV
"Nice one, Jennie Kim." Sabi ni coach sa kanya. "Thank you po." Matipid naman niyang sagot. "Hindi naman siya bipolar eh." Bulong ko. "Anong hindi unnie? Bipolar nga yan kapag ako kausap eh. Pakitaan ko kayo." Sabi ni Lisa at pumunta sa kanya.

Lisa's POV
"Ms. Bipolar!" Sigaw ko kaya siguro kung kaharap ko si Jennie, masama na naman ang tingin niya sa akin.

"Akala ko ba may practice kayo?" Sabi niya pero inaayos parin ang headband niya. "Dumaan lang kami. Babalik din kami." Sabi ko at binigyan siya ng Tubig.

Tatayo na sana siya pero natumba ulit siya. "Okay ka lang?" Tinulungan ko siyang umupo. "Sh*t, namamaga yung paa mo." Sabi ko habang sinusuri ang paa ko. "Omg! Jennie okay ka lang?" Tanong naman ni Joohyun unnie. "Didiinan ko, sumigaw ka lang kung masakit." Sabi ko at diniinan.

"Ahh!" Napangiwi kami ng sumigaw talaga siya. "Kailangan ka naming dalhin sa infirmary." Sabi ko nilagay ang isang braso niya sa balikat ko. "A-anong ginagawa mo?" Tanong niya. "Wag ka na maarte." Sabi ko at inalalayan siya.

Nagtinginan kami at unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit ganun?

"Okay naman siya, pero hindi siya pwede makasali sa Sport Fest dahil sa injury." Sabi ng doktor. "Doc, kailan po siya pwedeng pumasok?" Tanong ko naman bigla.

"Maybe next week," sabi naman ng doctor. "Sige po, salamat." Sabi ko.

"Ihahatid na kita sa inyo," napatingin sila sa akin. "Anong binabalak mo Lalisa?" Nanlaki ang mata ni Joohyun unnie. "Anong pinagsasabi niyo? Ihahatid ko si Jennie sa bahay kasi hindi pa siya makakalakad. Kumuha na rin ako ng permit para makalabas tayong dalawa. Ibigay mo na rin sa akin yung susi ng bahay unnie." Sabi ko. "Oo na, basta bilin ko lang, walang gagawing iba." Sabi ni Joohyun unnie. Kung makapagsalita parang nanay ko siya.

Jennie's POV
Bilib talaga ako kay Lisa. Napagttiyagaan niya ako kahit bipolar ako. Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang yung napagttiyagaan ako. "Sigurado ka ba?" Mahinhin kong sabi. "Oo. At saka tungkol sa atin, magkaibigan na tayo ha." Sabi niya at ngumiti. "Sige." Sabi ko. Ayoko munang maging masungit. Siguro dapat magbago na ako.

"Dahan-dahan lang ha." Sabi niya habang papasok sa kotse. "Salamat." Sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at kinuha ang earphones ko.

Lisa's POV
"Jennie, nandito na tayo." Nakatulog na siya sa balikat niya. Mas maganda siya kapag natutulog. "Tara na." Mahinhin na sabi niya.

"Dahan-dahan lang." sabi ko habang inaalalayan siya.

"Ang laki naman ng bahay niyo," sabi ko habang tinitignan ang bahay ni Jennie. Paano kaya nalilinis ang ganito kalaki na bahay. "Tama lang yan sa aming dalawa ng kapatid ko." Sabi niya at umupo sa sofa nila na mukhang malambot.

Jennie's POV
Ang ganda niya talaga. Lalo na pag ngumingiti—teka, ano ba tong pinagsasabi ko? Umiibig na ba ako sa kapwa ko babae? No way.

"Unnie, sino tong kasama mo?" Tanong ni Yerim na mukhang kakagising palang. "Si Lisa, kaibigan ko." Kumaway naman si Lisa kay Yerim.

"Hala! Anong nangyari sa paa mo unnie?" Hahawakan na sana ni Yerim ang paa ko kaso pinalo ko ang kamay niya. "Wag mo na hawakan. Wag mo na rin tanungin, nakikita mo na nga." Sabi ko. Sabi ko sa sarili ko na iiwasan ko ng maging bipolar pero hindi naman kasi maiiwasan.

"Ang cute mo talaga." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi ni Lisa. "A-anong sinabi mo?" Napangiti ako ng bahagya. "W-wala, sabi ko, ang cute ni Yerim." Palusot niya.

Sus, kung alam ko lang na may gusto siya sa akin.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon