Episode 31

864 27 4
                                    

Seulgi's POV
"Mag-usap nga tayo." Seryosong sabi ni Joohyun sa akin at hinila ako.

"Bakit mo ginawa yun? Sa tingin mo ba nakakatulong ka sa kanya? Well kung ganun ang tingin mo, hindi!" Sabi niya.

"Kailangan niya lang matuto—"

"Matuto saan, Seulgi? Eh halos ayaw niya nga gawin yun dahil ayaw niya mangyari ang hindi dapat mangyari!" Sigaw niya.

Ewan ko ba kung sino ang kinakampihan nito.

"Palalagpasin ko to, Kang Seulgi. Pero sa oras na malaman kong sinaktan mo ulit siya, hiwalay na tayo."

Ganyan ba talaga siya protective kay Manoban? Eh hindi niya nga kaano-ano si Manoban eh!

"Unnie." Yan na naman siya.

"K-kanina ka pa ba dyan?" Nauutal na sabi sa akin ni Joohyun bago tumingin kay Lisa.

"Hindi naman unnie." Sabi niya at napahawak sa batok ko.

"Samahan mo nga ako." Sabi ni Joohyun at lumingon muna sa akin bago umakbay kay Lisa.

Joohyun's POV
"Saan mo gustong kumain? Treat ko." Masaya kong ani habang naka-akbay sa kanya.

Gusto ko siyang pasayahin para mawala lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Huy," sabi ko sa kanya na nakatingin sa kawalan.

"May sinasabi ka unnie?" Taka niyang tanong.

Hindi naman siya bingi o ano, ano bang problema ni Manoban?

"Sabi ko, kung gusto mo ng pagkain." Sabi ko at tumigil sa tindahan ng Tteokkbokki at bumili.

"Sa tingin mo ba unnie may karapatan pa akong kumain sa kabila ng nagawa ko kay Jennie?" Sabi niya kaya napatigil ako sa pagsubo.

"Wala namang may kasalanan—" agad niya akong pinutol.

"Hindi unnie, ako, ako yung may kasalanan. Kung hindi ko sana hiniwalayan si Jennie, sana walang nangyaring masama sa kanya ngayon. At sana masaya pa kami. Katulad ng dati." Sabi niya at may napansin akong luhang tumutulo sa mata niya.

Bilang unnie niya, nahihirapan ako para sa kanya. Oo, hindi ko alam ang pinagdadaanan niya pero tingin ko palang masakit na.

"Wag kang susuko, tabihan mo lang si Jennie kahit anong mangyari. Kahit ipaglayo man kayo ng tadhana, gagawa ka at gagawa ka ng paraan para maging kayo ulit." Sabi ko.

"Thank you, Joohyun unnie."

Lisa's POV
Agad akong bumalik sa loob ng ospital at dumiretso agad sa kwarto niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, lungkot ba o saya.

Nakatanggap na naman ako ng isang malakas na sampal galing naman kay Yerim. Galing diba? Malas ko talaga ngayon.

"Ano na sasabihin mo? Sabihin mo na, baka kulang pa yung pananakit niyo sa akin." Sabi ko at ngumiti ng mapait.

"Guys, wag dito." Kalmang sabi ni Wendy at pumagitna sa amin.

Oo nga pala, kailangan ko pang makita yung Jennie ko.

Ay oo nga pala, wala ng kami.

Agad akong pumunta sa harap ni Jennie at dun ko nakita ang maraming mga gamit na nakakabit sa kanya.

Ayoko.. ayokong nakikita siyang nahihirapan. Parang doble na rin ang sakit na nararamdaman ko.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon