Episode 6

1.4K 34 5
                                    

Lisa's POV
"Gaano na kayo katagal na magkaibigan ni Lisa?" Tinanong ni Joohyun si Jennie.

Ang nangyayari ngayon ay kumakain na kami ng hapunan. "Simula nung namaga yung paa ko." Sabi ni Jennie. "Unnie, tama na, may pupuntahan lang kami." Sabi ko at hinila si Jennie sa bakuran namin.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya. "Basta." Sabi ko naman at tumigil sa paglalakad.

"Anong gusto mo pag nakatapos ng pag-aaral?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin siya sa langit, pinagmamasdan ang mga bituin.

"Gusto ko maging lawyer balang araw." Sabi niya. "Hindi ka ba takot mangarap?" Tanong ko naman sa kanya. "Bakit naman ako matatakot? Dahil baka yung pinapangarap ko hindi matupad? Ayos lang naman kung hindi matupad eh. Tsaka, hindi naman masamang mangarap." Sabi niya. "Kaya ikaw, wag kang matakot mangarap. Gawin mo kung ano yung gusto mo." Sabi niya.

Siya na talaga. Siya na yung pinapangarap ko. Siya na yung hinahanap ng puso ko. "Bumalik na tayo." Sabi ko.

"Unnie, uuwi na po ako." Sabi ko sa kanya na tawagin niyang unnie sila Joohyun, Seulgi, Jisoo unnie. "O sige, mag-iingat kayo." Sabi ni Seulgi unnie.

"Aalis na ako, baka kung ano ng ginagawa ni Yerim dun." Sabi niya at naglagay ng seatbelt. "Sige, mag-iingat ka." Sabi ko.

Chaeyoung's POV
"Huy Chaeng! Kanina ka pa hindi nag-sasalita ah. May problema?" Tanong ni Wendy unnie. "Unnie, masakit palang malaman mo na may mahal ng iba yung mahal mo?" Sabi ko.

"Bakit?" Tanong ni Jisoo unnie. "Wala unnie. Matutulog na ako unnie." Sabi ko.

"Uy Chaeng!" Nakita ko si Lisa. "Matutulog na ako." Sabi ko at mabilisang pumunta sa kwarto ko.

Bigla-bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kaya. Sana dati ko pa sinabi ang nararamdaman ko kay Lisa para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Lisa's POV
"Joohyun unnie, alam mo ba—" tinakpan ko ang bibig ni Jisoo unnie. "Unnie, quiet ka muna." Bulong ko sa kanya.

"Ano yun?" Tanong naman ni Joohyun unnie. "Wala, sabi ko, nasarapan si Jennie sa luto mo." Sabi niya naman. "Ahh," tumango-tango naman si Unnie. "Nga pala," sabi ko at inilapag ang cellphone ko. "Anong nangyari kay Chaeyoung? Bakit niya ako iniiwasan?" Tanong ko.

"May nasabi siya sa akin." Sabi ni Wendy unnie. "Pero hindi ko masyadong narinig." Dagdag ni Wendy unnie.

Habang nanonood kami, bigla namang tumawag si Jennie.

"Nakauwi ka na?" Tanong ko. "Yeah, tsaka thanks sa dinner. Nagustuhan ko talaga." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Matulog ka na, baka magka-eyebags ka. Mahal pa naman kita." Napatakip ako ng bibig ng masabi ko ang huli. "S-sige." Sabi niya naman at nag-paalam.

"Ano yan Lalisa Manoban?" Sabi ni Seulgi unnie. "Yiee! Dalaga na siya!" Pang-aasar ni Jisoo unnie. "Unnie naman eh!" Inis kong sabi. "Wag niyo kasing ipagkalat, sa atin lang to." Sabi ko. "Yes mam!" Sabi ni Joohyun unnie kaya napatawa kami.

Ang pinoproblema ko, ay kung nalaman niya.

Paano na to?

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon