Episode 19

925 14 0
                                    

Jennie's POV
"Babe, nandito na tayo." Narinig ko si Lisa na bumulong.

Nakatulog na pala ako.

Paalis na sana ako ng may mapansin akong sugat sa braso ni Lisa. Medyo malaki. "Teka." Sabi ko at hinawakan ang braso niya.

"Okay lang ako—" pinutol ko ang sasabihin niya at sinabatan siya. "Hindi ka okay. Unnie, pwede bang humiram ng first aid kit niyo?" Tumango naman si unnie bilang sagot.

Lisa's POV
"Aray! Masakit!" Sigaw ko naman. Tinitignan ko lang si Jennie habang ginagamot ako.

Kahit anong anggulo, ang ganda parin niya. "Mag-iingat ka, ayokong nasasaktan ka." Sabi ni Jennie ng matapos gamutin ang sugat ko.

"Opo, basta ikakasaya mo." I said and cupped her face. T*ngina, ang ganda talaga niya.

Habang nagku-kwentuhan kami, bigla nalang may tumawag sa akin.

Sino na naman to?

"Sino ka?" Tanong ko ng masagot ang tawag. "So kayo na pala.." nakarinig ako ng isang malalim na boses. "Sagutin mo ang tanong ko." Sabi ko. "Sorry pero I won't answer your question. By the way, I-enjoy mo lang habang buhay pa si Jennie. Dahil hindi na siya magtatagal dito sa mundo." Kinilabutan ako sa mga sinabi niya.

Sino siya? Ano ang koneksyon niya sa akin at kay Jennie? "Love, may problema ba?" Hinawakan ni Jennie ang kamay ko kaya gumaan naman ang loob ko ng kaunti.

"W-wala." Sabi ko at hinaplos ang mukha niya.

Kinakabahan na ako. Kinakabahan na ako dahil baka mawala na naman siya sa akin.

"Dito na muna kayo magstay." Sinundan namin si Irene unnie sa isang kwarto sa bahay nila.

Okay lang naman ang kwarto, naka aircon ang kwarto at malaki naman masyado.

"Noona, sino kasama mo?" Nakarinig kami ng isang lalaking nagsalita na magulo ang buhok ko. "Guys si Jinyoung pala, kapatid ko." Sabi ni Joohyun unnie at nakipagshake hands naman si Jinyoung sa amin.

"Hello po," sabi niya at nag bow. "Noona, pupunta lang ako sa Busan bukas ng umaga." Sabi ni Jinyoung kay Joohyun unnie. "Sino na naman pupuntahan mo?" Sabi ni Joohyun unnie. "Si Daniel lang naman pupuntahan ko eh." Sabi niya.

"Bakit sa akin ka nagpapaalam? Nanay mo ba ako ha?" Nakatanggap ng kurot si Jinyoung sa braso. "Bakit hindi ba noona?" Sabi niya at ngumisi. "Aba't—" hinawakan naman siya ni Seulgi unnie.

"Para hindi tayo mag-alala, sasamahan ko siya." Sabi ni Seulgi. "Sige. Kapag ikaw talaga lumandi ha sinasabi ko sayo." Sabi ni Joohyu unnie. "Hindi mangyayare yun." Sabi niya at ngumiti.

Sana ganyan din kami.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon