Episode 21

871 15 0
                                    

Lisa's POV
"Guys sorry kung nasigawan ko kayo." Sabi ko at umiwas ng tingin. "Okay lang naman yun. May problema ba?" Tanong naman ni Chaeyoung kaya umiling ako.

"Alam kong may problema ka. Sabihin mo na." Sabi ni Jennie at inakbayan ako. Ipinakita ko sa kanila ang message ng isang unknown number kaya nagtinginan kami.

"Kaya ko pinapatay ang GPS Tracker niyo, ay dahil dito. Ayokong madamay kayo. Hindi ko alam kung anong kailangan niya." Sabi ko.

"Dun na muna kayo sa amin. Pwede kayong masundan kung dun pa kayo titira sa inyo." Sabi ni Jennie.

"Salamat." Sabi ko at niyakap siya.

"Oo nga pala, kailangan kong bumili ng camera para kay Jinyoung. Jisoo, Lisa, pwede kayo nalang bumili?" Nagtinginan kami at tumango. "Lisa, umuwi kayo pagkatapos ha. Lagot kayo sa amin." Sabi ni Chaeyoung. "Oo!" Sabi namin at kumuha bike.

"Anong camera po yung bibilhin niyo?"

Ang sabi sa amin ni Joohyun unnie, ang bilhin daw namin ay yung bago dahil baka daw kailanganin pa ni Jinyoung. "Yung bago po." Sabi ni Jisoo unnie at agad namang binili iyon. "Sige salamat po." Sabi namin at kinuha iyon.

"Lisa?" Lumingon ako para tignan kung sino ang tumawag sa amin. "Heeyeon unnie?" Taka kong tanong.

Nagbago na kasi ang mukha ni unnie simula nung pumunta siya ng California para mag-aral. "Lisa!" Nakita ko siyang papalapit sa akin at agad akong niyakap. "Kamusta? Ako parin ba ang paborito mong pinsan?" Sabi niya at kinurot-kurot ang pisngi ko.

"Siyempre naman unnie!" Sabi ko. "Sorry sa abala pero kailangan na namin umuwi." Sabi ni Jisoo unnie ng makarating kami sa kung saan nakalagay ang bike namin. "Saan kayo pupunta?" Tanong ni Heeyeon unnie.

"Kila Joohyun unnie—"

"Kila Joohyun din? Eh ako rin eh!"

"Sabay-sabay nalang tayo pumunta." Sabi ni Jisoo at naunang umalis.

Anong meron kay unnie?

Jennie's POV
Anong oras na at wala pa rin sila dito. Nasaan na ba kasi yung dalawang yun?!

"Hindi ako sinasagot ni Jisoo nakakainis!" Sabi niya at padabog na ibinaba ang telepono niya.

"Speaking of Jisoo unnie," tumayo ako at agad kong nakita na may naka-akbay kay Lisa.

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. "Heeyeon unnie?" Narinig ko si Joohyun unnie na nagsalita.

"Joohyun!" Sabi nung babaeng naka-akbay kay Lisa at pumunta kay Joohyun unnie.

"Guys, si Heeyeon unnie nga pala. Pinsan ko." Pinsan niya mukha niya. Mukha ba silang magpinsan sa lagay na yan?

"Hello!" Sabi ni Heeyeon unnie at ngumiti.

"Sumabay na kayong kumain sa amin, nandun din sila Jinyoung sa taas." Sabi ni Joohyun unnie at umakyat.

Magkaharap kami ngayon sa hapag-kainan at tahimik na kumakain. "Ang dami ng pinagbago ni Lisa, iba na siya kumpara dati nung bata pa siya." Nakinig lang ako sa kanila at nagpatuloy sa pagkain.

"Ewan ko lang kung first love niya pa si Eunha." Nabulunan ako sa huling sinabi nung pinsan niya.

"Okay ka lang?" Binigyan ako ng tubig ni Lisa at hinagod ang likod ko. "Oo." Sabi ko at tumango.

Marami pa siguro siyang tinatago sa akin.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon