Episode 28

1.1K 17 1
                                    

Lisa's POV
"Love, saan mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming nasa mall at kasama din sila Seulgi unnie at ang iba pa naming ka-tropa.

"Kahit saan, basta kasama kita." Okay, so ngayon lang siya nagsalita ng ganyan.

"Uy si Captain Manoban ba yun?!"

"T*ngina ang ganda niya parin!"

"Tara lapitan nga natin!"

Nakarinig ako ng mga sigaw sa likod namin kaya agad akong lumingon.

"A-ah hello po!" Sabi nila at mabilis na yumuko.

"Kim Jinhwan imnida!" Sabi ng isang pandak at ngumiti.

Mas pandak pa siguro to kay wendy unnie.

"Kim Hanbin imnida!" Sabi ng isang nakaakbay kay Jinhwan.

"Koo Junhoe imnida!" Sabi ng isang lalaki na mababa ang boses.

"Gusto ka lang po sanang kausapin para sa thesis namin." Andami-daming tao, bakit kasi ako pa?

"Sorry, pero hindi siya available." Striktong sabi ni Jennie at hinila ako.

"Akin ka lang okay? Walang aagaw sayo." Sabi niya at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Yan ka na naman Jennie eh." Sabi ko at napatawa.

Patuloy lang kami sa paglalakad ng mapansin ko na may lalaking papalapit sa amin.

Nakasuot siya ng All black.

Napansin kong natumba si Jennie dahil hawak-hawak ko ang kamay niya.

"Yah!" Sigaw ko sa lalaki pero nagpagtuloy parin siya sa paglalakad.

"Okay ka lang?" Sabi ko at inalalayan siyang maglakad.

"Oo." Ani niya.

"Mas mabuti pang umuwi tayo." Sabi ni Yerim kaya sinunod nalang namin siya.

May masamang kutob ako dun sa lalaking yun.

Third Person's POV
"Nagawa ko na po ang pinapagawa niyo." Ani ko ng makarating sa kotse ko.

"Good. Now, I just need to make my move and mapapasaatin na ang dapat sa atin." Sabi niya.

Akin lang si Jennie.

Lisa's POV
Nandito kami sa rooftop at nakikijamming kami dito kila Jennie na kumakanta habang si Wendy at Rosé ay dala ang mga gitara nila.

"So guys sino naman next?" Sabi ni Chaeyoung na tinatalian ni Jisoo ng buhok.

"T*ngina naman Kim Jisoo, pwede pakibawasan yung kalandian? Alam ng may single dito eh." Sabi ni Wendy tsaka napairap.

"Sure ka? Single ka?" Biglang tanong ni Sooyoung na nasa may pintuan.

Ang galing talaga manggulat eh!

"Tabi na nga lang tayo." Sabi ni Sooyoung unnie na tatabi sana kay Yerim pero hinila ni Seungwan unnie si Sooyoung unnie para mapaupo si Sooyoung unnie sa tabi niya.

Oops, may naamoy ako.

"Ano yung naamoy ko?" Bigla kong tanong at kunwaring umaamoy.

"May sunog ba?" Bigla namang tanong ni Seulgi.

"T*ngina naman Kang Seulgi! Ang slow mo talaga!" Sabi ni Joohyun unnie ng matanggap ni Seulgi unnie ang batok.

"Isip-isip din unnie." Sabi ni Yerim at natawa siya.

"SINO NGA SUNOD?!" Narinig ko si Seungwan unnie na napasigaw.

"Ako nalang." Sabi ni Jennie matapos niyang uminom ng tubig.

"Alam ko na kakantahin mo." Sabi ni Chaeyoung at sinenyasan si Seungwan unnie.

Simulang nag-istrum si Chaeyoung ng Gitara.

"I'm remember the first day that we met
Your pretty eyes I can never forget
The thoughts of you
Sealed and tattooed."

Napatingin nalang ako kay Jennie habang kumakanta.

Mamimiss ko siguro yung boses niya pag nawala siya sakin.

Hindi naman siguro siya mawawala sakin diba?

"I hold your hand and feel the warmth of your touch
No I won't lie sometimes it's too much
Your innocence
I can't pretend
Oh it's break my heart to see you so blue."

(AN: Alalahanin niyo yung part dito sa book na nag-first kiss.)

Bigla nalang tumunog ang phone ko kaya lumayo muna ako para sagutin yon.

"Hello?" Tanong ko ng mahina dahil baka marinig nila at maistorbo ko pa sila.

"Hello, ex-girlfriend." Nanigas ako sa narinig ko. "N-naeun? P-paano mo nakuha ang number ko? I mean, saan?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko.

"Well, hindi ko pa sasagutin yan." Sabi niya at sa tingin ko ngayon ay nakangisi na siya.

"Wag mo na kami guluhin. Gagawin ko lahat wag mo lang guluhin si Jennie, please." Pag-mamakaawa ko.

"Talaga? Lahat?" Narinig ko siya sa kabilang line. "Oo, lahat." Sabi ko.

"I want one thing. Hiwalayan mo si Jennie at hindi ko na siya guguluhin."

Parang may sound effects sa paligid na bumasag at parang maluluha na ako.

Hindi ko yata kaya yun. Hindi ko kayang hiwalayan si Jennie.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon