ᴇᴘɪsᴏᴅᴇ 1

6.1K 89 11
                                    

Lisa's POV
"Hoy Lalisa, hinahanap ka na nung kaibigan mo." Sabi ni Jisoo na kasalukuyang kumakain na naman.

"Si Bambam? Hayaan mo nalang siya dun, kukulitin lang ako nun." Sabi ko at kumuha ng pringles kay Seulgi. "Lalisa, ibigay mo sa akin yan." Sabi niya at sinamaan ako nga tingin.

"Sabi ko nga."

Ako nga pala si Lalisa Manoban, galing Thailand. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Seoul, South Korea at may mga mababait din akong kaibigan.

"Lisa, bakit ka nagsusulat ng Rap sa oras na to? Dapat nag-aaral ka." Sabi ni Joohyun unnie at bigla-bigla nalang kinukuha ang pringles kay Seulgi.

"Eh?" Sabi ni Seulgi. Hindi na niya sinubukang umangal pa dahil baka kung anong magawa ni Joohyun unnie kay Seulgi Unnie.

"Mag-aaral na po." Sabi ko at kumuha ng libro sa bag ko.

Nasa canteen kami ngayon, tumatambay. Mamayang 10:30 pa ang simula ng klase at hindi pa bukas ang school grounds kaya dito muna kami ngayon tumatambay.

"Hello!" Napatingin kami sa nagsalita. "Bakit nandito ka? Akala ko ba hindi tayo bati?" Tanong ko.

"Sorry na kasi, Lisa. Hindi ko naman sinasadya." Sabi niya at tumabi sa akin. "May gusto ka ba sa kanya?" Nakita ko si Jisoo na tumabi sa akin. "Buti pa at dumating ka unnie." Sabi ko.

"Bambam! Halika na nga dito! Hindi pa tayo tapos!" Nakita ko yung kaibigan niya na sumigaw. "Kung sino ka man, umalis ka na." Sabi ni Seulgi at tumayo sa kinauupuan niya. "Sinasabi ko sayo, masasapak kita." Palapit na si Seulgi at mabuti lumayo na si Bambam.

"Excuse me?" Nilingon ko yung nagsalita. Omo. Ang ganda niya.

Seulgi's POV
"Excuse me?" Napalingon kami sa babae. O-M-G. Ang ganda niya. Pero mas maganda parin si Joohyun.

Walang aangal, buhay ko to. Mas pipiliin ko si Joohyun kaysa sa kahit ano. Sadyang selosa lang siya. Hihi. "Tinitingin mo dyan?" Kinurot ako ni Joohyun sa braso. "Aray!" Pabulong kong sigaw.

"Anong kailangan mo miss?" Tanong ko. "Naghahanap sana kami ng mauupuan. Saan ba kami pwede umupo?" Tanong niya sa akin. "Hanapan kita—" nararamdaman ko na ang matatalim na titig ni Joohyun. "Subukan mo lang, Kang Seulgi. Hindi mo ako makakausap." Sabi niya at inilapag ang pringles ng malakas.

"Sorry, miss. Pero Lisa pwedeng ikaw nalang sumama sa kanya?" Sabi ni Joohyun na pinipigilan ang galit niya.

Lisa's POV
"Nag-aaway ang dalawa." Sabi ni Chaeyoung na nag-iistrum ng gitara. "Lisa, ikaw nalang sumama sa kanya." Sabi ni Joohyun.

"Sige. Baka kung anong mangyari sayo unnie kapag si Seulgi unnie ang sumama." Sabi ko at natawa.

"Anong pangalan mo?" Bigla kong tanong habang naghahanap ng mauupuan nila. "Bakit? Kilala ba kita?" Masungit niyang tanong. "Sabi ko nga." Sambit ko at tumigil ng makahanap ng upuan.

"Aalis na ako, nasa Section 8 lang ako kapag may kailangan—" pinutol niya ang sasabihin ko at nagsalita, "Okay na ako. Pwede ka ng umalis." Sabi niya. Hindi man lang siya magte-thank you? "Hindi ka man lang ba magte-thank you?" Tanong ko.

"Thank you. Okay na?" Sabi niya at tinignan ako ng masama. Paano kaya siya nakakausap ng mga kaibigan niya o ng pamilya niya kung palagi siyang parang galit?

"Alis na ako." Sabi ko pero parang wala siyang paki.

Pero siguro mas maganda siya kung masaya siya.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon