Episode 10

1.1K 25 1
                                    

Lisa's POV
"Halika sa kitchen," sabi ko at lumabas ng kwarto niya.

Mag-aalas-siyete na ng gabi at naisipan kong mag-luto ng hapunan para sa kanila.

"Mag-luluto ka ba?" Tanong naman niya na nakasunod sa akin. "Hulaan mo." Sabi ko.

Pero siyempre para maimpress ko siya, tinanong ko ang mga kaibigan niya kanina.

FLASHBACK
Tulog na si Jennie, kaya agad kong kinuha ang phone niya at dahan dahang binuksan iyon. Wala naman kasing password ang phone niya kaya mabilis kong nacopy ang numbers ng kaibigan niya.

Agad kong tinawagan si Somi, ang kaibigan ko rin.

"Anong meron unnie?" Tanong naman niya. "Somi, si Lisa to, may itatanong lang sana ako." Sabi ko. "OMG! Kayo na ba ni Jennie unnie? OMG!" Unti-unti kong nilayo ang telepono ko sa tenga ko dahil narinig ko ang pag-sigaw niya.

"Hindi pa kami, nililigawan ko palang si Jennie. May tanong ako. Ano ba usually paborito niyang pagkain?" Tanong ko ng pabulong.

"Hindi ko alam eh, pero siguro ramyeon at dumplings." Sagot naman niya. "Ah, sige. Salamat sa time." Sabi ko at inend ang call.
END OF FLASHBACK

"Umupo ka nalang diyan, let me cook for you." Sabi ko. Hindi naman ako masyadong marunong magluto pero tinuruan ako ni Joohyun unnie.

"Mukhang magaling ka na magluto ah? Ang bango ng amoy eh." Sabi niya. "Sinong nagluluto?" Tinignan namin kung sinong nagsalita.

Si Yerim lang pala. "Umupo nalang kayo diyan, matatapos na rin ako." Sabi ko pagkatapos kong maluto ang Ramyeon.

Ang susunod kong niluto ang dumplings.

"Eto na oh," sabi ko at inilagay ang dumplings at ramyeon sa hapag-kainan.

Pinagmasdan ko lang silang kapatid. Ang ganda ni Yerim. Manang-mana siguro sila sa Nanay nila. "Matanong ko lang," sabi ko at inalis ang apron. "Nasaan pala yung nanay niyo?" Bigla kong tanong pero bakas sa mga mukha nila ang lungkot.

Dapat pala hindi ko nalang natanong. "Sorry, natanong ko pa." Sabi ko. "Hindi, okay lang unnie." sabi ni Yerim.

"Ang tagal mo yatang nawala ah," nakita ko si Jisoo unnie na nakaupo sa sofa. "May pinuntahan ako." Matipid kong sabi at pumasok sa kwarto ko.

Sa ngayon, hindi kami okay ni Jisoo unnie. Hindi ko alam kung bakit.

AISH!

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon