Episode 20

892 20 0
                                    

Lisa's POV
Nagising ako sa isang itim na kwarto kung saan ako natulog. Teka— bakit ako nandito? Bakit para iba yung kwarto na tinulugan ko?

"Jennie? Jisoo unnie?" Sigaw ko pero mukhang ako lang ang tao. "T*ngina naman oh! Wag nga kayo magbiro!" Pasigaw kong sabi.

"Lisa!" Nakarinig ako ng isang sigaw mula sa di kalayuan. Sino yun? Tsaka, bakit parang kaboses niya si Jennie. "Sinong tao dyan?" Sabi ko habang sinusundan ang boses.

At dun ko nakita si Jennie, nakatali, sugatan. "Oh my gosh." Napanga-nga nalang ako.

Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na makita ang mahal ko na nasasaktan. "Lisa, tulong.." Oo, tutulungan kita.

"Try escaping with her, Lisa." May nakita akong tao na may hawak na kutsilyo. "Please, kung sino ka man, wag mo siyang sasaktan please." Sabi ko at nag-mamakaawa.

"Why would I grant your wish? Eh diba iniwan mo nga ako?" Sabi naman niya. Tinignan ko si Jennie sa mga mata niya at parang nagsasabi na tulungan ko siya.

Gusto ko man, pero hindi ko alam kung paano.

"Please.." sabi ko habang umiiyak. "Hindi mo ako mauuto.. I need now to kill this girl para mapasaakin ka na." Sabi niya at unti-unting nilapit ang kutsilyo sa leeg ni Jennie.

Hanggang sa..

"WAG!" Nagising ako at tinignan ang paligid. Iba. Ibang iba. Hingal na hingal ako.

"Lisa? Okay ka lang?" Sabi ni Jennie na nag-aalala na. "Panaginip lang yun okay? Shh.." hindi ko alam na umiiyak na pala ako kaya binigyan niya ako ng tubig.

Hindi nagtagal, niyakap ko siya at nagpatuloy na umiyak. "Wag mo akong iwan please?" Sabi ko sa kanya. "Bakit naman kita iiwan? Tsaka hinding hindi kita iiwan okay? Don't worry." Sabi niya at hinahagod ang likod ko.

Bumaba na kami at hindi parin ako maka-get over sa napanaginipan ko. Lutang parin ako.

"Earth to Lisa.." sabi ni Jisoo na winawagayway ang kamay niya. "Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" Tanong ni Jisoo unnie. "W-wala." Ngumiti ako para hindi sila mag-alala.

May natanggap akong message mula sa unknown number.

From 0977******:
So, nasa Daegu kayo ngayon. Well, sulitin mo na yan dahil yan na ang huli na makakasama at makakausap mo sila.

Yan na naman. Kinikilabutan na naman ako. "Guys patayin niyo yung GPS Tracker niyo." Sabi ko habang tinitignan ang message. "Bakit—" pinutol ko ang tanong niya at di inaasahang mapasigaw.

"Patayin niyo na sabi!" Ngayon lang nila ako nakita na ganito dahil yung Lisa na nakilala nila, masiyahin, mukhang walang pinoproblema.

"O-okay." Sabi nila at pinatay ang GPS Tracker nila.

Ayokong idamay sila sa problema ko.

Miss Bipolar // JenLisa ff [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon