2

2.5K 72 2
                                    


Simula pagkabata ay may sakit na siya sa puso; Rheumatic heart disease at dalawang beses na rin siyang inatake; isa no'ng grade school siya at isa no'ng high school siya, mahina daw kasi ang puso niya na namana niya sa father's side nila. Kaya todo ingat siya at paalala ng mama at tita niya na huwag siyang gagawa ng isang bagay na makaka-apekto sa puso niya.

Kaya bawal siya ng mga sports na sobrang nakakapagod, manood ng mga sad at horror movies, magulat at ang ma-in love—na siya lang din ang may sabi sa kanyang sarili,.

"Hindi ba ako guwapo para sa 'yo?" tanong ng lalaki na parang nagulat sa sinabi niya kanina.

Marahil ay nasanay ito sa tingin ng ibang mga tao dito palibhasa ay napakaguwapo nga nito, pero ibahin siya dahil sigurado siyang 99.9% na hindi niya ito magugustuhan dahil bukod sa ayaw niya sa mayayabang na lalaki, isa lang ang itinatangi ng puso niya at 'yon ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Psymon na lihim niyang minamahal.

"Hindi," pagkakaila niya, para mabawasan naman ang kahanginan nito sa katawan. He's so arrongant and assuming. Kalma lang puso! Aniya sa sarili, hindi rin siya maaaring magalit.

Bumaling ang lalaki sa mga babaeng nasa paligid. "Girls, hindi ba ako guwapo?" tanong nito sa mga babae.

"Guwapo!"

"You are so handsome!"

"Bulag ang babaeng 'yan!"

Narinig ni Noelle na sagot ng mga kababaihan. Bumaling agad ang lalaki sa kanya at nakita niyang halos abot-tainga ang pagkakangiti nito.

"See?" proud na sabi nito. "Kumakain ka ba ng carrots at kalabasa?" anito.

"I didn't find you attractive though." Dahil sa kayabangan nito ay nawawala ang kaguwapuhan nito. Sayang dahil kanina ay napaka-heroic nang dating nito dahil sa pagtatanggol nito kay Thea na sinasaktan ni Val—may pagka-aso't pusa talaga ang dalawang 'yon pero mukhang sumobra na din si Val. Guwapo talaga sana ito e, kung hindi lang ito magsasalita dahil puro kahanginan lang naman ang laman ng bunganga nito, nakaka-turn off!

"I'm Jonathan Christopher Wagner or Jace for short," inabot nito sa kanya ang kamay nito pero hindi niya inabot kaya isinuklay na lamang nito ang kamay sa buhok nito at ngumiti. "What's your name?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman." Aniya, saka niya nilagpasan. Bakit ba ito nakikipagkilala sa kanya? Gusto ba siya nitong maging kaibigan? Dahil kung siya ang tatangungin ay wala siyang kabalak-balak na kaibiganin ito dahil baka ito pa ang dahilan nang paglala ng sakit niya sa puso.

Tuluyan na niya itong nilagpasan para magtungo sa klase niya, saktong mag-aalas nuwebe na rin no'n at tiyak paparating na rin ang professor nila. Nagpapasalamat siya dahil hindi na siya sinundan ng lalaki, nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng classroom at naupo sa madalas na puwesto niya sa harapan, mas gusto kasi niya doon para marinig niya nang mabuti ang lesson nila at hindi maantok.

Wala pa no'n ang professor nila nang lapitan siya ni Liezel. "Noelle, nakita ka naming sinungitan mo 'yong super guwapong lalaki kanina sa hallway." Amazed na sabi nito. "Alam mo ba, kung ako siguro ang kinausap no'n ay nahimatay na ako." anito, mabilis ding nagsilapitan ang iba pa niyang mga kaklaseng babae.

"Ang taray nang dating mo kanina kay Jace Wagner, ang guwapo at astig niya pero no'ng sinungitan mo siya ay parang natulala siya sa 'yo." Nakangiting sabi ni Jopay.

"Hindi ko naman siya tinarayan, medyo nayabangan lang kasi ako sa kanya." Pagtatapat niya.

"Pero girl, aminin natin ang totoo... sobrang guwapo talaga niya! Balita ko sa mga chismosa nating kaklase ay transferee student daw siya mula sa isang sikat na University abroad, mayaman, freelance model kaya maraming followers, sports minded at balita ko pa ay napakahusay niya sa martial arts! Gosh, lalaking-lalaki! Instant admirer nga kami kahit ngayon lang namin siya nakita!" kinikilig na sabi ni Gelen.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon