5

2.1K 69 0
                                    


"STUDENTS, sa susunod na klase natin sa Anatomy ay kailangan n'yong mag-dissect ng cadaver," imporma ni Dr. Eric. Napahugot ng hininga si Noelle dahil ito na ang ikinakatakot niya! Alam naman niyang sa pinasok niyang field ay talagang makaka-encounter siya ng mga ganitong experience, nag-ready na siya para dito pero hindi pa rin pala sapat.

Hindi naman siya matatakutin e, though hindi siya nanunood ng mga thriller movies dahil bawal nga sa kanya ang magulat dahil sa sakit niya pero ibang usapan pala kapag pag-aaralan nila mismo ang katawan ng isang bangkay.

"Group yourselves into five at kayo na ang bahala kung sino ang mga kasama n'yo." Patuloy ni Dr. Eric.

"'Uy Eralc, ayos ka lang ba? Parang bigla kang namutla dyan?" narinig niyang sabi ni Jace sa tabi niya kaya mabilis siyang bumaling sa lalaki, nahuli niya itong nakangiti sa kanya. "Natatakot ka ba sa cadaver?" tukso nito.

"Hindi." Mabilis na depensa niya. Baka kung aminin niya dito ay mas lalo lang siyang asarin. Hindi pa niya ito gaanong kilala pero alam na niya ang likaw ng bituka nito dahil sa apat na araw na ring lagi itong nakakasalamuha sa klase.

"Pero iba naman ang inire-react ng mukha mo," anito. "O baka inaatake ka sa puso—"

"Hindi." Muling sabi niya para matahimik ito.

"Kung gano'n, takot ka lang pala," anito, at narinig niya itong humagikgik. Ang sarap sanang singhalan ito kaya lang ay baka mapagalitan siya ng professor nila na may sinasabi pa sa kanilang harapan. Hindi na lamang niya ito pinansin. "Wala ba kayong dissection sa Zoology and Anatomy subject sa pre-med course mo?" mamaya ay tanong nito.

"Meron."

"Oh, e, bakit natatakot ka pa rin?"

"Hindi nga ako natatakot."

"Hindi gano'n ang nababasa ko sa mga mata mo." Anito. "What was your pre-med, by the way?"

"Pharmacy."

"Oh! Ako Biology at marami kaming ganitong ginawa kaya medyo immuned na ako," anito. "Don't worry, kapag tumayo at nagising ang cadaver na maa-assign sa atin ay handa kitang ipagtanggol at protektahan."

"Hindi nga ako takot, ang kulit mo!" naiiling na sabi niya. Teka nga, eh, bakit ba kasi niya ito kinakausap? Napailing na lamang siya sa kanyang sarili. Nagsasalita pa ito ngunit hindi na lamang niya pinapansin hanggang sa mapagod din ito sa pakikipag-usap sa wala.

Nang matapos ang kanilang klase at nakaalis na si Dr. Eric ay doon sila bumuo ang klase nila ng groupings; five members each group dahil nasa thirty students sila ay may anim na grupo.

Si Jace ang bumuo sa group nito; sina Lucian, Hansel, Gretel—na mga estudyanteng nakapalagayan nito agad ng loob, at nanlaki ang mga mata niya nang marinig niyang huli nitong in-anunsyo ang pangalan niya!

"Sinabi ko bang payag akong sumama sa grupo mo?" kapagdaka'y tanong niya sa lalaki.

Nakita niya itong ngumiti. "I think you should be happy, look at them," saka nito tinignan ang grupo nina Kath na no'n ay halos magkadahaba-haba ang mga nguso sa lungkot at inggit sa kanya. "Naiinggit sila dahil gusto nilang maging part ng grupo ko pero ikaw ang pinili ko." Mayabang pang sabi nito.

"Makikipagpalit ako sa kanila," aniya, at akmang tatayo siya para magtungo sa kinaroroonan nila Kath nang mabilis siyang pinigil ng lalaki. "What?" aniya, saka binawi ang kamay dito.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon