16

1.5K 54 0
                                    

"Mahilig ka din ba sa mga science fiction at gothic?" tanong nito sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa lalaki na animo'y ilang taon niya itong hindi nakita saka niya ito tinanguan sa katanungan nito. "Sorry, nabangga kita." Anito, umiling-iling naman siya. Siya yata ang may kasalanan dahil hindi siya nakatingin pero hindi siya makapagsalita dahil sa mixed na nararamdaman niya; kaba, excitement at tuwa. Tumaas-baba ang tingin nito sa kanya. "You look diferrent today," puna nito sa hitsura nito saka ito tipid na ngumiti. "Still beautiful though." Anito.

Natutuwa siya dahil sa wakas makalipas ang halos isang linggo ay kinakausap na uli siya ni Jace. Ang weird pero parang gusto niyang maiyak na ewan, hindi na niya maintidihan ang nararamdaman niya. Nakita niya itong ngumiti sa kanya kaya doon lang siya nag-iwas ng tingin. Hinihintay niyang sasabihin nito ang "Ahm, masyado bang nakakatulala ang kagupuwahan ko?" tulad no'ng una silang magkita pero wala siyang narinig na sinabi nito.

Muli lang siyang bumaling sa lalaki nang iabot nito sa kanya ang pinulot nitong libro niya saka rin nito ipinakita ang Paulo Coelho book na binili din nito sa National bookstore, may mga pambata ring books ang nakita niya sa mga pinamili nito.

"Galing din ako kanina sa bookstore para bumili ng mga libro." Anito. Tumango naman siya. "It's nice to see you here, Eralc," anito. Na-miss din niya ang pagtawag sa kanya nito ng pangalan niyang 'yon dahil ito lang ang tumatawag sa kanya niyon. "Oh, sige, aalis na din ako." paalam na nito saka ito ngumiti sa kanya at nagsimula nang maglakad.

Parang biglang may bumangon sa dibdib niya para pigilan ito, ni hindi pa nga siya nakakapagsalita, kasi naman naduwag ang puso niya para kausapin ito dagdag pa na na-miss niya ito. Hindi tuloy niya namalayan na naglalakad at nakasunod na pala siya sa lalaki.

"Ano ba itong ginagawa mo? Bakit mo siya sinusundan?" tanong niya sa mga paa niya. Hindi ako ang may kasalanan! Ang puso mo ang nag-decide na sundan siya, 'no! sagot ng isang bahagi ng isipan niyang ipinalagay niyang sagot din ng mga paa niya.

Hanggang sa nakita niya itong lumabas na ng mall. Dapat ay tumigil na siya sa pagsunod sa lalaki dahil aware na siya sa ginagawa niya, e, pero hindi pa rin siya tumigil—dahil 'yon naman talaga ang gusto niya. Gusto pa niya itong makasama, makausap at makita nang matagal.

Kaso hindi niya binibilisan ang paglalakad dahil baka mapansin ni Jace na sinusundan niya ito kaya nakalayo na ito sa kanya. Nagtataka siya sa binata, mukhang hindi yata nito dala ang magarang sasakyan nito o baka mas trip lang nitong mag-adventure ride.

Napatigil siya sa paglalakad nang bigla siyang nakarinig nang sigawan at tilian sa bakanteng lote na nadaanan niya. Mabilis siyang sumilip doon at nakita niya ang limang kalalakihan doon na tangan-tangan nang mahigpit ang kamay ng mga batang lalaki at babae, kaya pilit niyang pinapakinggan ang usapan sa di-kalayuan.

"Bakit kaunti lang itong kinita n'yong pera? Gumastos ba kayo?" sabi ng isang matangkad na lalaking malaki ang katawan.

"Baka ipinang-meryenda." Segunda naman no'ng matangkad na payatot saka nagkatawanan ang tatlong pang ibang kasamahan na kapwa matatangkad din at balingkinitan ang katawan.

"H-Hindi lang po kami nakabenta nang maaayos dahil wala pong gustong bumili sa mga paninda—" napasigaw ang batang babae nang hawakan nang mahigpit ng animo'y boss ng grupo.

"Tama na po! Nasasaktan na po ang ate ko!" sabi ng isang batang lalaki.

Mabilis naman nakalapit ang batang lalaking marahil pinakamatanda sa mga bata na nasa edad dose pababa, saka mabilis na kinagat ang lalaking may hawak sa batang babae ngunit mabilis itong tinabig ng matangkad na lalaki kaya napaupo ito. Mabilis naman itong dinaluhan ng limang mga batang kasamahan nito. Walong mga bata ang naroon at may kanya-kanyang mga panindang bulaklak, basahan at kung anu-ano pa.

Naikuyom niya ang kanyang mga kamay niya. Mabilis siyang naghanap ng bato at saka inasinta ang pinaka-boss sa mga lalaking naroon na may hawak sa batang babae saka 'yon mabilis ibinato sa lalaki. Nakita niyang natamaan ito sa ulo kaya mabilis nitong nabitawan ang bata at nasapo ang ulo. Lumingon naman ang lahat sa kanya at napalunok siya nang mariin nang tingnan siya nang masama ng limang mga lalaking mukhang mga goons.

"Naku! Patay!" sabi niya sa sarili. Nakita niyang nagsimula nang maglakad palapit sa kanya ang mga lalaki, sinenyasan na niya ang mga bata na tumakas, na tinanguan naman ng mga ito saka siya nagmamadaling naglakad paalis sa lugar.

Bawal siyang mapagod pero nang mga sandaling 'yon ay mas binilisan niyang kumilos. Ramdam niyang nakasunod ang lima sa kanya. Sinigawan pa siya ng alam niyang pinaka-boss, na tumigil siya sa mabilis niyang paglalakad kaya nagulat na lang siya nang mabilis siyang hinarang ng dalawa sa mga kasamahan nito.

Pagbalikwas niya sa kanyang likuran ay naroon na rin ang tatlo pa sa mga kasama ng lalaki, nakakunot-noo na binato niya sa ulo na mukhang dumugo.

"Pakialamera kang babae ka!" sigaw ng lalaki sa kanya saka siya mabilis na hinawakan sa kanyang braso at itinaas ang kamay nito para sampalin siya kaya napapikit na lang siya.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon