PARA PATUNAYAN ni Noelle sa sarili niya na nalito lang ang puso niya at si Psymon pa rin ang gusto niya ay niyaya niya si Psymon na kumain sa labas, isang sabado ng hapon. Tuwang-tuwa rin ang kaibigan niya nang yayain niya itong lumabas dahil bored na bored na daw ito sa bahay at hindi naman daw nito mayaya si Belle para mamasyal dahil abala ang babae.
Sa isang Chinese resto sila kumain at pagkatapos nila doon ay niyaya din siya ng binata na mag-dessert sa isang cake shop na malapit lang din doon. Alas-tres na no'n ng hapon kaya medyo maraming mga customers sa loob ng shop pero nakahanap pa rin sila ng bakanteng puwesto na mauupuan.
Ililibre daw uli siya ng binata kahit nag-insist siya ang manlilibre, hindi siya palagastos o pala-gala na tao kaya marami siyang naiipon mula sa allowance na ibinibigay sa kanya ng mama niya dagdag pa ang online job niya na kada-linggo ay may sahod siya, hindi gano'n kalaki pero sapat na para makapag-ipon siya.
"Hindi ka pala puwede ng kape, kaya ano gusto mo fruit shake or juice?" tanong sa kanya ni Psymon.
"Juice na lang tapos strawberry cake." Aniya. Tumayo na si Pysmon para mag-order nang kakainin nila.
Pagkatapos makapag-order ng kaibigan ay bumalik din ito sa mesa nila para hintaying i-deliver ang pagkain sa kanila. Pansin niyang nakatitig ito sa kanya at ngiting-ngiti kaya hindi niya maiwasang magtaka.
"May pinagdadaanan ka ba, Psymon?" hindi niya napigilang tanong.
Narinig niya itong natawa sa sinabi niya. "Grabe ka," natatawa at naiiling na sabi nito. "Por que ba nakatitig at nakangiti ako sa 'yo, may pinagdadaanan na agad ako?"
"Eh, malay ko ba kung may gusto kang sabihin o may problema ka." aniya.
Umiling ito at ngumiti sa kanya. Ang weird dahil kahit titig na titig si Psymon sa kanya ay wala man lang kakaibang reaction ang puso niya. 'Di ba gusto niya ang lalaking ito? 'Di ba in love siya dito? O baka dahil na-immuned na ang puso niya dito?
"Natutuwa lang akong magkasama tayo ngayon," nakangiting sabi nito. "Saka pansin ko hindi ka yata naka-ponytail ngayon at may pinahid kang manipis na make up sa mukha mo." Nakangiting dagdag pa nito.
Nahihiya tuloy siyang napangiti. Naisip kasi niyang lagyan ng variation at flavor ang hitsura niya, kaya naglagay siya nang manipis na blush on at lip gloss saka rin siya naglugay ng lagpas balikat niyang wavy at itim na buhok. Pati ang tita niya ay medyo nanibago sa ayos niya dahil ang cute-cute daw niyang tignan at nakakahawig na daw niya ang PBB teen na si Loisa Andalio.
"Naisipan ko lang mag-iba ng looks." Aniya.
Tumango-tango at ngumiti naman ito. Kapagdaka'y dumating na rin ang orders nila saka na sila nagsimulang kumain. Muli na naman niyang pinakiramdaman ang puso niya katulad no'ng nasa Chinese resto sila pero wala naman kakaibang inire-react ang puso niya tulad ng mga sinabi ni Athena. Pero inaamin niyang masaya siyang kasama si Psymon at walang dull moment.
Napatigil siya sa pagnguya ng strawberry cake niya nang dumukwang ang lalaki saka nito pinunasan ang gilid ng labi niya dahil sa icing na kumalat doon. Napatigil siya para damhin muli ang puso niya pero walang electrifying na reaction. Ngumiti siya sa kaibigan at nagpasalamat.
"Gusto ko si Belle," mayamaya ay simula nito. "Pero sa tingin ko may isang babaeng mas nakakaagaw na ng puso ko nang hindi ko namamalayan." anito.
Nagpatuloy siya sa pagkain niya. "Sino?" tanong niya. Ibig bang sabihin ay hindi na nito gusto si Belle dahil may gusto na itong iba?
"Hindi ko pa kayang sabihin kung sino pero kilalang-kilala mo na siya, Noelle." Nakangiting sabi nito.
Napatigil siya sa pagsubo para bumaling sa kaibigan. "Kilala ko?" nagtatakang tanong niya.
Tumango ito sa kanya. "At close kayo." Dagdag pa nito na mas lalo pang nakapagpagulo sa isipan niya. Wala naman kasi siyang close friend na babae.
"Wala akong kilalang close friend kong puwede mong magustuhan." Aniya.
"Secret." Nakangiting sabi nito. Saka ito nag-slice sa caramel cake nito para ipatikim sa kanya na mabilis din niyang tinanggap. Pagkatapos nilang mag-dessert sa cake shop ay magsi-sine pa dapat sila nang may biglang tumawag sa phone ni Psymon, it was his mom pinapatawag na ito sa bahay dahil may bisita daw ito.
Ihahatid pa sana siya ng kaibigan niya pauwi pero nagkusa na lamang siyang umuwi mag-isa saka may bibilhin pa kasi siya sa national bookstore sa Mall, it's a Cassandra Clare book, one of her favorite authors.
PAGKALABAS ni Noelle mula sa bookstore para bumili ng gusto niyang book ay naglakad-lakad na muna siya, tutal alas-kuwatro pa lang naman ng hapon at bihira lang naman siyang mag-mall kaya lulubusin na niya. At habang naglalakad siya ay iniisip niya uli ang mga sinabi ni Athena sa kanya last time.
Napailing-iling siya at nasapo ang kanyang noo, paano ba siya napasubo sa sitwasyon na 'yon? Simpleng buhay lang ang meron siya no'n hanggang sa bigla na lang naging ganito kakumplikado.
Napatigil siya sa paglalakad nang may mabangga siya sa kanyang harapan, na isang matigas na bagay kaya mabilis siyang nag-angat ng tingin at gano'n na lang ang kabog ng puso niya nang mapag-sino niya ang taong nasa harapan niya.
"J-Jace!" kinakabahang sabi niya. Teka, inaatake ba siya sa sakit niya sa puso? Hindi siya makahinga dahil sa mabilis na tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay nanginig ang buong kalamnan niya, hindi na nga niya napansin na nahulog na pala ang librong hawak niya na mabilis na pinulot ng binata.
BINABASA MO ANG
In Love with Mr. Arrogant! (Completed)
Teen FictionSi Jace Wagner na siguro ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Eralc sa buong buhay niya, transferee student ito; matalino, campus heartthrob at galing sa isang mayamang pamilya ngunit isa lang ang kinaiinis niya dito-masyado itong mayabang at aroga...