"May sinasabi ka?" anito, mukhang narinig ang pagbulong niya.
Umiling-iling naman siya. "Wala." Pero naalala din tuloy niya ang kuwento ng tita Wilma niya kung paano nagkagustuhan ang parents niya. Naging pasyente daw ng mama niya ang papa niya nang ma-love at first sight ang papa niya sa mama niya.
Hindi naman niya maikakaila na nakakabighani sa ganda ang mama niya kung bakit hindi niya 'yon namana at bukod sa mabait, masipag at maganda ang mama niya ay mahusay din ito sa gawaing bahay kaya mas lalong nahulog ang papa niya. Hindi naglaon ay nagkagusto na din ang mama niya sa papa niya dahil bukod sa maabilidad ang papa niya ay sweet din ito at funny.
"'Uy, natahimik ka na diyan." Ani Jace, na pumitik sa harapan niya. "Iniisip mo ba ako?" natatawang sabi nito na ikinailing niya.
"Bumalik ka na kina Gretel at kaya ko nang mapag-isa." Aniya.
Tumawa ito at umiling-iling. "Halata naman sa 'yo na ayaw mo pa akong umalis, e." tukso nito sa kanya.
Napanganga tuloy siya. "Kapal! Hindi, 'no!"
Muli itong tumawa. "Joke lang, 'to naman masyadong seryoso sa buhay," naiiling na sabi nito. "Madalas ko lang kasing napapansin na mag-isa ka kahit may mga kaibigan ka, naisip ko din na baka gusto mo lang mapag-isa o hinihintay mo 'yong mukhang nerd at payatot mong kaibigan," anito, na tukoy si Psymon. May suot kasing salamin sa mata ang kaibigan niya at dahil nga matangkad ito ay halata ang kapayatan nito—parang kasing payat nito ang Filipino actor na si Vhong Navarro no'ng binata ito samantalang si Jace ay mala-Zac Efron ang body figure nito.
"Psymon ang pangalan niya hindi 'nerd at payatot'." Imporma niya dito.
Natawa ito. "Okay, okay, Psymon it is!" anito. "Pero alam mo kapag nagkaroon ng awayan, hindi ka maipagtatanggol n'on dahil baka mas mauna pa 'yong tumakbo sa 'yo or worst baka himatayin pa." natatawang sabi nito.
Tinignan niya ito ng masama. "Hindi gano'ng klase ng kaibigan si Psymon."
"Really?" nangingiting sabi nito.
"And who are you to judge? Kilala mo ba siya?"
"Hindi pero tingin ko lang naman, e, don't get me wrong." Anito.
Napailing-iling na lang siya. Never pa naman kasing nagkaroon ng awayan na nadawit sila ni Psymon at kapag nangyari 'yon ay hindi makikipag-away ang kaibigan niya instead ay kakausapin nito nang masinsinan ang nag-cause ng gulo. May pagka-peace maker kasi ang kaibigan niya tulad din ng mga magulang nito.
"Aalis na ako." aniya, saka na siya tuluyang tumayo sa kinauupuan niya tangay ang sandwich at juice niya saka nagsimulang maglakad pabalik sa classroom nila, doon na lang siya kakain ngunit nakakainis lang dahil mabilis na nakasunod si Jace sa kanya.
"Are you mad?" tanong nito na nakaagapay sa kanya sa paglalakad. Hindi siya sumagot kaya mabilis itong nakaharang sa daraanan niya. "You are mad!" konklusyon nito.
"Hindi mo kilala ang kaibigan ko kaya hindi mo dapat sinasabi ang mga gusto mong sabihin." Aniya.
"Nainis ka dahil sa sinabi ko sa kaibigan mo?"
"At sino ba naman ang hindi maiinis sa sinabi mo?"
Inubos nito ang sandwich na hawak nito saka muling nagsalita. "Don't tell me you like your friend?" anito.
"Of course I like him, he's my friend." Aniya, saka siya nagpatuloy sa paglalakad at nakaagapay naman ang lalaki.
Sa peripheral view niya ay nakita niya itong uminom ng soft drinks bago muling nagsalita. "Ang ibig kong sabihin ay gusto mo siya more than friends." Anito, na ikinahinto niya sa paglalakad at mabilis na bumaling sa lalaki. "Tama ako?" nangingiting tanong nito.
BINABASA MO ANG
In Love with Mr. Arrogant! (Completed)
Novela JuvenilSi Jace Wagner na siguro ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Eralc sa buong buhay niya, transferee student ito; matalino, campus heartthrob at galing sa isang mayamang pamilya ngunit isa lang ang kinaiinis niya dito-masyado itong mayabang at aroga...