22

3.6K 106 7
                                    

"Do you love me, Eralc?" tanong nito na nakapagpatigil sa kanya saglit bago siya matapang na tumango.

"Yes, I do."

Nanlaki ang mga mata nito at saglit na nagbukas ang bibig pero wala namang masabi. Mas mukha itong nakakita ng sikat na artista at sa pagka-starstruck ay hindi na nakagalaw at nakapagsalita sa kinatatayuan nito. Kapagdaka'y tuluyan na rin itong napangiti at mabilis siyang niyakap nang mahigpit at naramdaman pa niyang humalik ito sa ulo niya nang matagal.

Gusto niyang kumalas mula sa pagkakayap ni Jace pero ayaw siyang pakawalan nito, hindi kasi niya alam kung ano ang nangyayari dito o sobrang saya ba nito dahil nagtapat siya dito?

"Sandali!" aniya, saka siya kumawala sa pagkakayakp nito. "Ano'ng problema mo? Yayakapin mo ako nang ganito, tapos ano? Hindi mo na naman ako papansinin? Tulad nang yayain kitang makipagkita sa malapit na park dito sa school."

"Dahil natatakot akong marinig ang sasabihin mo," sagot nito.

"Natatakot kang marinig na mahal kita?" aniya.

Muling nangislap ang mga mata nito. "'Yon ang sasabihin mo sa akin?" gulat na tanong nito na mabilis niyang tinguan. Kaya naihilamos nito ang isang kamay sa mukha nito saka ito tawa nang tawa.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" naguguluhang tanong niya sa lalaki.

"Ang buong akala ko ay sasabihin mong kayo na ni Psymon dahil nang gabing pauwi na ako mula sa bahay n'yo ay bumalik ako para sabihing mahal kita at seryoso ako sa 'yo pero narinig ko kayong nagsabihinan ng mahal kita at nagyakapan pa kayo..."

"Bumalik ka talaga para sabihin sana 'yon sa akin?" amazed na sabi niya na tinanguan nito kaya napangiti na din siya. "Narinig mo naman ba ang buong kuwento?" umiling ito. Kaya buong dinitalye niya ang pinag-usapan nila ni Pysmon nang gabing 'yon at sobrang nasiyahan ito sa narinig nito.

Kaya din daw ito hindi pumasok kinabukasan ay dahil masamang-masama ang pakiramdam nito na parang nawasak ang puso nito dahil sa misunderstanding na 'yon, ganito din siguro ang nangyari sa naging ex-girlfriend nito noon.

"Hindi ko alam, ang laki ko palang engot!" natatawang sabi nito sa sarili nito saka ito napailing-iling saka siya muling niyakap. "I love you so much, Eralc, I swear!" anito. "I always dreamed of you before and I cannot imagine that you are here beside me now, my God! And I miss you so much, there isn't a word that can describe it, it doesn't exist. I promise to love you till I find it." Anitong humalik muli nang matagal sa ulo niya.

"Loving you is the best thing that happened to me, Jace."

"I may not be superman but I am you greatest man, now, babe." Masayang sabi nito, kaya magaan niyang tinampal ang likuran nito saka siya kumawala dito nang may maalala siyang gustong sabihin.

"Ano 'yong pinagkaabalahan mong sinabi ni Dr. Alec sa amin? At sino ni Micelle Ramirez? Siya rin ba si Mi?" namaywang na tanong niya.

Hindi uli nito napigilang matawa at pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "Naging abala ako sa paghahanap nang bahay na maaaring matuluyan nina grandma at grandpa since naisipan nilang magbakasyon dito, ibinenta na kasi namin ang dati naming tinitirhan dito sa Pilipinas at kanina lang ay may nahanap akong bahay kaya sakto sa pag-uwi nina grandma at grandma sa makalawa." Masayang sabi nito.

"Talaga?"

Tumango at ngumiti naman ito. "At si Micelle Ramirez ay ang sixteen year old cousin ko from Miami, she is one of my closest cousins at naka-tag siya sa video na 'yon dahil i-t-in-ag niya ang sarili niya para ipagyabang sa friends niya that she has a gorgeous singing cousin." Natatawang pagmamalaki nito kaya nangingiting napapailing na lang siya. Well, in love siya dito e, kaya tatanggapin niya ang lahat dito at ito rin naman sa kanya. "And Mi is the shortcut for Mamita—na tawag ko din kay Grandma, masyado daw matandang pakinggan ang grandma kaya Mamita ang gusto niyang itawag ko sa kanya. At hindi ko alam na selosa ka pala." Natatawang sabi nito.

"In love lang po kasi talaga ako sa 'yo, Mr. Arrogant!" natatawang sabi niya.

"And I am also so in love with you, my beloved Eralc. At excited na akong ipakilala ka sa grandparents ko, soon, at sana makilala ko na din ang mama mo."

"Soon." Nakangiting sabi din niya. Saka siya muling niyakap nito, doon na din nila narinig ang malakas na palakpakan at hiyawan mula sa mga taong hindi na nila napansin na nakapaligid na din pala sa kanilang dalawa.

Nakangiting kumaway sila ni Jace sa mga ito kasama na din sa audience sina Psymon, Hansel, Gretel, Lucian at ang nakilala niyang si Athena. Ngumiti siya sa mga ito at kumindat at gumanti rin ang mga ito ng ngiti sa kanya.

It's just so crazy that he walked into the room that day, just like every other day except this time her heart skipped a beat. Shocks! She's in love with Mr. Arrogant, nevertheless, she is the happiest girl in this planet right now and she's so proud of it!

MAKALIPAS ang ilang taon ay magkasabay na nagtapos ng pag-aaral sina Jace, Eralc Noelle at ng mga kaibigan nila at silang dalawa ng binata ay parehong nakatanggap ng with flying colors. And months later ay pare-pareho din nilang naipasa ang medical board examination na hiniling nila pareho sa Diyos.

Ngayon nga ay certified cardiologist na silang dalawa ni Jace sa isang government hospital sa bansa at masaya pa ring nagsasama bilang magkasintahan, for years now. Kaya umuwi na rin ang mama niya para dito na lang din mamalagi sa bansa at magtayo ng business with her tita Wilma.

But who knows, one of these days ay bigla na lang mag-propose si Jace sa kanya since nagpaparamdam na rin ito sa kanya kaya inihahanda na niya ang puso niya para sa malaking kasagutang ibibigay niya para sa lalaking minamahal with 100% love power.

The best love is the one that makes you a better person without changing you into someone other than yourself.

WAKAS

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon