BALITA NI Noelle kina Hansel at Lucian ay hindi daw papasok si Jace ngayong araw dahil may importante itong gagawin na hindi naman sinabi sa kanya. Hindi niya naiwasang malungkot dahil ang sabi lang nito kagabi ay excited na itong makita siya kinabukasan at siya din naman, kaso hindi pala sila magkikita.
Naging maayos naman ang itinakbo ng usapan nila ni Psymon kagabi at napagpasiyahan nila na kalimutan na lang ang pagtatapat nito at maging mabuti uli silang magkaibigan. Nang hindi siya makatiis dahil wala siyang balita kay Jace ay kinuha na niya ang cell phone number nito kay Hansel para i-text at kumustahin ito, isinantabi na muna niya ang hiya-hiya sa katawan, pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa ring reply si Jace sa kanya kaya nagpasya na lamang siyang tawagan ito ngunit busy din pala ang line nito.
"Relax ka lang girl, okay lang siya." Ani Gretel sa kanya.
"Oo nga naman at baka busy lang 'yon sa ibang bagay," segunda ni Hansel.
Tumango na lang siya pero nangangamba siyang baka abala ito sa isang particular na tao, si 'Mi'. Bigla siyang tinubuan ng takot na baka matulad siya kay Psymon na nahuli na ang lahat nang magtapat. Baka biglang magkaayos ang mga ito at muling mapagtanto ni Jace na hindi talaga siya ang gusto nito dahil mahal pa rin nito nang seryoso ang 'Mi' na sinasabi nito.
Handa na siyang mag-take ng risk na magmahal para kay Jace dahil 'yon ang kagustuhan ng puso niya. Alam niyang masakit ang masaktan ngunit kapag nagmamahal naman ay laging nasasaktan, magkasama ang dalawang 'yon at hindi mapaghihiwalay. Pero sa kaso niya ay handa na siyang magmahal!
Mabilis siyang nag-compose ng text message at ipinadala para sa binata. "Jace, may sasabihin ako sa 'yo, mag-meet tayo sa park na malapit sa school after ng class, see you."
Ipinagdasal niyang sana ay mabasa 'yon ni Jace at sana ay mag-reply ito. Hanggang sa matapos ang huling klase niya ay wala man lang siyang na-receive na reply mula kay Jace kaya hindi niya napigilang malungkot. Siguro nga ay talagang abala ito, pero sana ay hindi dahil kay 'Mi'.
Nang sumunod na araw ay hindi muling pumasok si Jace at nagpaalam daw ito sa professors nila na may pupuntahan. Hindi rin daw ito nagre-reply kina Hansel, ni hindi nga ito sumipot sa sinabi niyang magkikita sila.
Pangatlong araw na ay hindi pa rin daw makakapasok si Jace ayon sa professor nila pero alam naman niyang agad ding makakabawi ang binata dahil matalino ito at fast learner, ang ikinangangamba niya ay baka hindi na siya magkaroon nang pagkakataon na masabi ang totoong damdamin niya para dito.
Dahil sa pinagkakaabalahan nito ay tuluyan na siya nitong kinalimutan o tinaob na ba ni 'Mi'—ang damdaming ni Jace para sa kanya? Gusto niyang maiyak sa sakit na nararamdaman niya.
"Oh, God! Ang ganda pala ng boses ni Jace, 'no?" narinig niyang sabi ni Kath.
"Oo, naka-follow ako sa FB niya at nakita ko ang new video post niya na kumakanta siya ng Miss you like crazy ng Moffats. Kaso may babaeng naka-tag, 'yong Micelle Ramirez at in-stalk ko, ang gandang babae!" naiinis na sabi naman ni Jopay.
"Ibig bang sabihin 'yong babaeng 'yon 'yong kinakantahan ni Jace? Akala ko ba sila ni," sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa kanya ay nahuli niya ang mga itong nakatitig sa kanya ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin.
Akala ba ng mga ito ay sila ni Jace dahil lagi silang nakikitang magkasama at masaya sa isa't isa? Lihim siyang napailing. So, ang 'Mi' pala ay shortcut ng Micelle. Ngayon mas lalo lang niyang napatunayan na nawalan na ng time si Jace sa kanya ay dahil dumating na uli sa buhay nito ang babaeng 'yon. Ang daya lang dahil kailan lang nang magsabi itong siya ang happiness nito, na siya ang totong babaeng gusto nito, tapos dumating lang sa eksena ang babae sa nakaraan nito ay mabilis na siyang nabura agad sa memorya nito.
BINABASA MO ANG
In Love with Mr. Arrogant! (Completed)
Novela JuvenilSi Jace Wagner na siguro ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Eralc sa buong buhay niya, transferee student ito; matalino, campus heartthrob at galing sa isang mayamang pamilya ngunit isa lang ang kinaiinis niya dito-masyado itong mayabang at aroga...