11

1.7K 48 0
                                    


APAT NA ARAW ding sinusubukang magpaka-cold and deadma ni Eralc Noelle kay Jace para iligtas ang puso niya mula sa nangangambang pagkahulog sa lalaki, though madalas pa rin itong mangulit, saka lang niya ito kinakausap kapag importante ang pag-uusap nila o tungkol sa group activities.

Every Saturday ang regular check up niya sa cardio niya na si Dr. Alaric at ayon dito ay mabuti naman daw ang lagay ng puso niya basta magpatuloy lang daw siya sa pag-take ng maintenance niya at sa healthy living na ginagawa niya.

Normal nga ang ayos at pintig ng puso niya pero nagiging abnormal 'yon kapag nandyan si Jace! Gusto na niyang maibalik ang sarili niya na kahit sino'ng guwapong lalaki ay hindi siya natatalaban, ni kay Pysmon ay hindi gano'n ka-weird mag-react ang puso niya, e.

Naglalakad siya no'n papunta sa classroom nila para sa unang klase nila nang biglang may nagsalita mula sa school radio, marahil ay isa sa mga student Dj.

"Good morning everyone, bago magsimula ang klase natin ay may isang taong gustong maghandog ng isang magandang awitin para sa babaeng gusto nitong pag-alayan nang awitin." Anunsyo ng student Dj.

At saglit pa bago pumailanlang ang tunog na mula sa isang gitara. "I don't remember what day it was, I didn't notice what time it was, all I know is that I fell in love with you and if all my dreams come true, I'll be spending time with you..."

Biglang kumabog ang puso ni Noelle nang marinig niya ang boses nang kumakanta lalo pa nang mapagtanto niya kung sino 'yon. Jace? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Wow! I didn't know that he can sing well, huh! Hindi niya napigilang sabi. At marunong na siyang maggitara? Hindi ba ang sabi nito ay hindi ito marunong tumugtog ng instrument dahil tinatamad itong pag-aralan 'yon? O baka ginu-good time lang siya nito noon?

"I loved you more today than yesterday but not as much as tomorrow. Oh, I loved you more today than yesterday but darlin' not as much as tomorrow..."

Para kanino nito kinakanta ang kantang 'yon? Naririnig niya ang kantang ito na kinakanta dati ng papa niya sa mama niya pero ang version ni Bruno Mars ng 'More today than yesterday' ang naalala niya. Kinakanta ni Jace ang awitin nang malumanay at napaka-sweet.

"Ang aga namang mang-harana nang kung sinumang lalaking 'yon para sa babaeng nagugustuhan niya, nakakakilig to start the day." Narinig niyang kinikilig na sabi ng isang babaeng dumaan sa tabi niya.

"Not as good as my Shawn Mendez pero nakakakilig pa rin." Narinig naman niyang sunod na sabi ng babaeng nasa likuran niya.

Hindi niya napigilang mapangiti. Kapag ba nalaman ng mga ito na si Jace ang lalaking nasa likuran nang boses na 'yon ay dudumugin ito? May chance! May itinatago din pala itong galing sa pagkanta, hindi na rin masama at ngayon ay nakatugtog na rin ito ng gitara though hindi malinis pakinggan, marunong din kasi siya ng string instruments.

Hindi niya namalayan na tumigil na pala siya sa paglalakad habang nakikinig sa lalaking nanghaharana sa school radio nila. Natawa pa siya nang marinig niya si Jace na nagtatanong kay Hansel nang susunod na chords dahil mukhang nakalimutan nito ang ibang chords. Ang suwerte din ng babaeng 'yon, e! Tukoy niya sa hinaharana ni Jace.

"Si Jace 'yon! Ramdam kong si Jace 'yon!" ani Liezel.

"Oo, si Jace 'yon! Narinig ko pa ngang binanggit niya 'yong name ni Hansel, e." ani Kath.

"Pero guys, sino ang babaeng hinaharana ni Jace? May nililigawan ba siya dito sa campus?" ani Jopay. Sabay-sabay namang nagkibit-balikat ang ibang mga kaibigan saka tumili sa kilig. "Hindi siya puwedeng manligaw sa iba dahil kami ang itinadhana!" dagdag pa ni Jopay.

Napangiti at napailing na lang siya sa mga kaklase niya. Nang makaupo siya sa puwesto niya ay bumaling ang lahat sa kanya.

"Narinig mo ba ang kanta ni Jace, Noelle?" tanong ni Kath sa kanya na tinanguan naman niya agad. "So, kilala mo ang mysterious girl na gusto ni Jace?" anito.

Nagkibit-balikat siya. "No clue." Aniya.

"Pero kayo ang magka-grupo ni Jace at katabi mo pa siya sa upuan, hindi ba siya nagkukuwento sa 'yo?" anito.

"Hindi ko naman siya gaanong nakakausap, e." aniya.

"Ah, okay." Malungkot na sabi nito, bago muling bumaling sa iba. Nagkibit-balikat na lang siya saka binuksan ang chemistry book para mag-scan nang magdatingan sina Jace, Hansel, Gretel and Lucian.

Nagtatawanan ang mga ito at nagha-high five. Mabilis namang tumayo sina Kath at grupo nito para batiin si Jace at itanong na rin kung sino ang babaeng hinarana nito ngunit nakangiting itinikom nito ang bibig bago ito naupo sa tabi niya.

"Hi, Eralc!" nakangiting bati nito sa kanya na tinanguan lang niya. "Hindi mo na naman ba ako papansin?" biglang nalungkot ang mga mata nito. "Napapaisip tuloy ako kung ano ang nagawa ko sa 'yo para magalit ka sa akin."

"Hindi ako galit sa 'yo." Aniya. Galit siya sa puso niya dahil masyado itong reactive kapag kausap niya ang lalaking ito, tulad na lang nang mga sandaling ito.

Ngumiti ito sa kanya at tila nakahinga nang maluwag. "That's a relief!" masayang sabi nito. "By the way, nagustuhan mo ba 'yong kanta ko kanina? Pinag-aralan ko 'yon ng tatlong araw, ha, hirap na hirap ako dahil naninigas ang mga daliri ko. Mabuti na lang magaling din pala sa instrument si Hansel kaya nagpaturo na rin ako." Natatawang sabi nito.

Bakit ba siya tinatanong nito kung nagustuhan niya 'yong kanta nito? Ano bang kinalaman niya doon at magustuhan man niya o hindi, ano naman ngayon? "Bakit mo ako tinatanong?"

"Siyempre para malaman ko kung maganda ba 'yong naging pagkanta ko." Nakangiting sabi nito.

Akmang sasagot siya nang dumating na ang professor nila kaya kaya nabitin na lang sa ere ang kasagutan niya. Pero bago pa nagsimula ang klase ay may mabilis na ibinulong si Jace sa kanya.

"Para sa 'yo ang kantang 'yon, sana nagustuhan mo kahit papaano." Anito. Nang bumaling siya dito ay nakatingin na ito sa professor nila pero ngiting-ngiti ito na parang nagwagi sa isang laban.

P-Para sa akin 'yong kanta niya? Hindi pa rin makapaniwalang sabi niya sa sarili. Napahawak siya sa puso niya para kalmahin ang mabilis na pagtibok n'yon. Kainis na Jace ito, alam na nga nitong may karamdaman siya sa puso pero patuloy pa rin ito sa mga pinaggagagawa nito! Aba! Malay naman ba ni Jace sa nangyayari sa puso mo. Sabi niya sa sarili. Pero bakit ba kasi nito ginagawa ang mga bagay na 'yon sa kanya? Gusto ba siya nito? Imposible! Hindi naman siya ang mga tipo ng babaeng magugustuhan ng katulad ni Jace Wagner!

Lumukso ang puso niya nang mahuli siyang nakatitig pa rin sa lalaki kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Dios mio, Marimar! Naiiling na sabi niya sa sarili. Bago pa siya nag-iwas ng tingin ay nakita din niya itong ngumiti sa kanya.

Don't smile like you like me! In short, huwag kang paasa! Piping sabi niya kay Jace. Saka siya napabuga ng hangin. Pagkatapos ng kanilang pangalawang klase ay nagmamadali na siyang umalis sa classroom para magtungo sa canteen at mag-lunch, magkikita sila ni Psymon dahil may group project daw si Belle at hindi ito makakasabay sa lunch.

Ngunit bago pa siya makalayo ay narinig na niya ang malakas na sigaw ni Jace na papalapit sa kanya kaya mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. Natatakot siyang baka muli siyang tanungin nito tungkol sa kanta nito at baka sabihin nito na hinaharana siya nito dahil gusto siya nito!

Nakaka-overwhelm namagustuhan ng isang Jace Wagner, pero hindi pa prepared ang puso niya saganitong bagay. Mas gusto na lang yata niyang magmahal nang siya lang angnakakaalam para mas iwas sa pagka-broken heart.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon