17

1.7K 56 0
                                    


NARINIG NI Eralc Noelle ang pagsinghap sa paligid at saglit pa ay naramdaman niyang binitawan na ng lalaki ang hawak nitong braso niya. Mabilis naman siyang nagbukas ng mga mata at nanlaki ang mga 'yon nang makita niyang nakatumba na sa semento ang tatlong mga tauhan ng lalaking goons.

"Ayos ka lang ba, Eralc?" mula sa kanyang likuran ay lumitaw ang lalaking sinusundan niya kanina—si Jace. Mukhang ito ang dahilan nang pagkakagulpi ng tatlong mga lalaking nakahandusay sa daan. Nagsimula nang dumagsa ang mga tao sa paligid.

"A-Ayos lang ako, ikaw?" aniya.

Tumango ito. "Ayos lang." Anito. "Paano ka ba nasangkot sa mga taong 'yan?" tanong nito saka mabilis na ipinahawak ang bitbit nitong plastic na naglalaman ng mga libro nito. "Doon ka muna sa ligtas na lugar." Anito. Hindi na siya nagsalita at mabilis na siyang tumango at sumunod ngunit akmang aalis na siya ay mabilis siyang hinarang ng lalaking leader ng grupo, ngunit mabilis ding sinuntok ni Jace sa mukha kaya napasigaw siya. "Sorry, nagulat kita." Anito.

"Jace, mag-ingat ka, please..." aniya saka siya saglit na dumistansya sa mga ito. Mabilis niyang inilabas ang phone para tumawag ng mga pulis at pagkatapos makapag-sumbong sa mga pulis ay naghanap siya ng bagay na maipanlalaban sa mga kalaban. Dehado si Jace sa labanan.

Pero napahanga siya sa martial art skills ni Jace at napapatutok ang kanyang mga mata sa mga mucles nitong nag-iigtingan dahil sa pakikipagbakbakan sa limang mga kalalakihan, mas lalo tuloy lumalantad sa mga mata niya kung gaano kalakas ang appeal at kahit ang mga babae at binabae na viewers sa paligid ay napapatili at napapasigaw dahil sa action moves ni Jace.

Ang weird pero hindi naman siya engot para hindi malaman na kinikilig siya pero kinakabahan pa rin siya sa puwedeng mangyari sa lalaki. Napapataob ni Jace sa mga suntok at kicks nito ang mga kalaban at sa tuwing nakakasipa ito sa kalaban ay nagpapa-cute pa ito sa kanya kaya hindi niya mapigilang mas kiligin pero mas natatakot siya dahil baka mabawian ito.

At 'yon na nga ang nangyari, nang pagbaling nito sa kalaban ay mabilis itong nasuntok sa mukha pero hindi natumba. Mabilis itong napahawak sa gilid ng labi nito na pumutok dahil sa malakas na suntok pero mabilis din itong nakabawi.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mula sa likuran ng pinaka-boss ng mga goons ay naglabas ito ng maliit na patalim, nakatalikod no'n si Jace dahil nakaharap ito sa tatlo pang kalaban nito habang ang isang kalaban ay napatulog na yata nito sa isang suntok. Kinabahan siyang pinulot ang kahoy na nakita niya sa isang tabi at iniabot na muna sa isang babae ang hawak na mga plastic na naglalaman ng mga libro at nagmamadaling lumapit sa pinaka-boss.

At mula sa likuran ng lalaki ay kinalabit niya ito saka binira ang kamay nitong may hawak na patalim hanggang sa mabitawan nito ang patalim ngunit nasampal siya nito ng malakas gamit ang kaliwang kamay nito, na ikinatumba niya. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Jace pagkatapos nitong patumbahin ang mga kalaban nito.

"Ayos ka lang ba?" anito. Tumango-tango naman siya pero mukhang sumakit ang pang-upo niya dahil sa pagkakabagsak niya. "That bastard!" galit na sabi nito, saka sinugod ang lalaking nanampal sa kanya na kasalukuyang binabato ng mga tao sa paligid ng mga bulok na ponkan na nasa basurahan, kasama na ang apat pang mga masasamang lalaki.

Kinuwelyuhan ni Jace ang pinaka-boss saka malakas na sinuntok sa mukha at sa pagkakataon 'yon ay dumating na rin ang mga pulis para tumulong sa kanila. Akmang tatakas pa sana ang lima pero pinalibutan ito ng mga tao para i-korner hanggang sa tuluyan na ngang nahuli ang mga ito. Tinulungan siyang tumayo ni Jace at doon din ay may isang pulis ang lumapit sa kanila at sinabihan sila ni Jace na sumama sila sa presinto para tumistigo sa buong pangyayari.

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon