Teaser

6.4K 91 2
                                    

Si Jace Wagner na siguro ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Eralc sa buong buhay niya, transferee student ito; matalino, campus heartthrob at galing sa isang mayamang pamilya ngunit isa lang ang kinaiinis niya dito—masyado itong mayabang at arogante, ang sarap tuloy sipain at sapakin sa mukha.

Feeling kasi nito lahat ng mga babae ay nagkakagusto dito pero ibahin siya dahil sigurado siya 99.9% na hindi niya ito magugustuhan dahil bukod sa ayaw niya sa mayayabang na lalaki, isa lang ang itinatangi ng puso niya at 'yon ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Psymon na lihim niyang minamahal.

Ngunit isang pangyayari ang naging dahilan para magkalapit sila ni Jace at makilala ito nang mas mabuti; oo at mayabang pa rin ito at dagdag na ang pagiging narcissitic nito pero hindi niya namamalayan na nag-iiba na ang pakikitungo ng puso niya dito hanggang sa tuluyan na nga 'yong nahulog kay Jace. At ang 0.1% chance na magkagusto siya sa lalaki ay nadagdagan nang nadagdagan hanggang sa naging 100%.

Hindi niya ito maaaring mahalin dahil kay Psymon naman talaga siya in love, 'di ba? Pero bakit ramdam niyang napalitan na ni Jace sa puwesto si Psymon sa puso niya?

In Love with Mr. Arrogant! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon