"WOW! BUKOD pala sa guwapo si Jace, matalino din at siyempre pa nadagdagan na naman ang kaguwapuhan niya!" tili ng isa sa mga babaeng kaklase niya. Break time no'n at nagpasya siyang sa loob na lang ng classroom mag-meryenda ng biko na iniabot kanina ni Psymon sa kanya, kasama na naman kasi ng kaibigan niya si Belle kaya mababaliwala na naman siya sa lalaki.
At 'eto nga pinagchi-chismisan na naman ng mga kaklase niya si Jace the "Mr. Perfect" dahil bukod sa guwapo ito ay matalino din daw. Wala si Jace sa classroom kaya malaya itong pag-chismisan ng mga kaklase nila. Pero infairness, sa ilang oras lang ay marami na agad itong naging kaibigan lalo na ng mga babae.
Napahanga kasi ni Jace ang mga kaklase niya kanina dahil sa difficult problem solving na pinagawa ni Dr. Alec sa blackboard, walang gustong mag-recite no'n hanggang sa tawagin ng guro nila si Jace para sagutan 'yon. Akala pa naman niya ay mapapahiya ito dahil hindi nito alam ang tamang sagot pero siya ang napahiya dahil matalino pala ito at hindi lang 'yon, well-explained pa ang pagkakasagot nito sa computation at kahit si Dr. Alec ay napatulala.
"Ano kayang sportsclub ang sasalihan ni Jace para makasali din ako?"
"Sana sa volleyball siya!"
"Mas bagay siya sa basketball o hindi kaya sa soccer team."
"Teka, tingnan n'yo 'to," bumaling siya sa mga kaklase niyang no'n ay may tinitignan sa phone ni Jopay at sabay-sabay na lamang nagtilian ang mga ito. "Member pala siya ng football team sa States at black belter sa judo!" anito. Mukhang nang-i-stalk ang mga ito sa social media accounts ng lalaki.
"Kaso mukhang hindi siya mahilig sa social media kasi three years ago pa 'yong last post niya."
"Sayang naman, balak ko pa naman siyang i-add mamayang gabi."
"Pero i-try pa rin nating i-add, baka dumadalaw din siya sa FB niya."
"Oo nga!" at nagkatilian na naman ang mga ito, kaya napapailing na lang siya.
Hindi naman niya masisisi ang mga kaklase niya dahil malakas talaga ang dating ni Jace mula ulo hanggang paa, huwag na lang sana talaga itong magsasalita dahil agad ding naglalaho ang lahat ng taglay nito.
"Noelle, hindi ka ba lalabas?" tanong ni Kath sa kanya, mukhang lalabas kasi ang mga ito para kumain.
Ngumiti siya at umiling sa mga ito. "Okay lang ako." aniya.
"Sige." Tuluyan nang nagpaalam ang mga ito sa kanya at siya na lang ang naiwang mag-isa sa classroom nila.
Inabala na lamang niya ang sarili sa pagkain niya ng biko at habang kumakain siya ay muling bumalik sa isipan niya ang nakakatindig-balahibong ngiti ni Jace at ang pagiging arogante nito, kung bakit mas nakadagdag pa yata 'yon sa dating nito para sa iba.
Hindi naman ito ang unang beses niyang makakilala ng kasing arogante nito pero hindi niya maiwasang mainis dahil masyado nitong feel na feel ang kaguwapuhan nito!
"Mag-isa ka yata."
Muntik na niyang malunok nang hindi nangunguya ang kinakain niya sa biglang pagsasalita ng kung sinuman na mabilis niyang binalingan at nakita niyang si Jace 'yon, na noon ay nakangiti sa kanya. Napaubo siya dahil muntik nang sumara ang kinakain niya sa lalamunan niya, mabilis namang inabot ng lalaki ang bottled water na dala nito, na agad din niyang inabot para inumin, tinulungan din siya nitong tapikin ang likuran niya.
"Ayos ka lang ba?" anito.
Inubos niya ang tubig nito saka bumaling sa lalaki para tignan ito ng masama. "Sinabi ko na sa 'yo bawal sa akin ang nagugulat!" aniya.
"Why? May sakit ka ba sa puso?" natatawang sabi nito.
"Oo!"
Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "Seryoso?" hindi siya umimik. "I'm sorry." Nakakamot sa ulo na sabi nito.
Nag-iwas siya ng tingin. "Marunong ka palang mag-sorry." Aniya.
"Grabe ka! Siyempre naman! Tinuruan naman ako nang magagandang asal ng grandpa at grandma ko." Anito. "Lumaki akong walang mga magulang dahil pinatay sa ambush ang parents ko, ten years ago kaya napilitan din akong dalhin nina grandpa at grandma sa States para doon tumira, my parents were both soldiers, gano'n din ang lolo ko sa both father and mother side," kuwento nito sa kanya kaya natigilan siya. "I've wanted to be a soldier too, pero ayaw ni grandma dahil ayaw na daw niyang mawalan ng kapamilya, kaya mag-do-doktor na lang ako tulad ni grandma," nang tumingin siya dito ay nakita niya ang malungkot nitong mga mata, biglang nabura ang kayabangan na image nito na una niyang nakita kanina. Nang mahuli siya nitong nakatitig dito ay tumawa ito. "Just kidding! At hindi ko akalain na may HD ka pala sa akin." Anito.
Saglit siyang napanganga sa sinabi nito. Just kidding? Ang mga sinabi nitong drama ay biro lang lahat? Gusto tuloy niyang sapakin ito dahil muntik na siyang madala. Puwede ba namang ibiro ang gano'ng bagay? Napailing-iling na lang siya. "Ano'ng HD ang pinagsasasabi mo?" aniya.
"Ininuman mo kasi 'yong bote ng tubig na nainuman ko na kanina. Ibig sabihin no'n ay we had an indirect kiss!" anito.
Nagulat siya nang marinig niya ang pagsinghap mula sa mga kaklase niyang no'n ay nasa harapan na pala ng pintuan at nakatitig ang mga ito sa kanila ni Jace na magkatabi ng upuan. Nakatitig ang mga kaklase nila na para bang gulat na gulat ang mga ito sa narinig na sinabi ni Jace.
Mabilis siyang umiling-iling sa mga ito. "Hindi totoo 'yon!" aniya. "Nabilaukan lang ako at in-offer niya ang tubig niya kaya no choice ako at hindi ko rin naman alam na nainuman na pala niya 'yon." Defensive na sabi niya, saka niya tinignan ng masama ang lalaking noon ay tumatawa-tawa lang sa tabi niya. "Magsalita ka!" aniya dito.
"Ano'ng sasabihin ko?" anito.
"Ang totoo! Ayokong pag-isipan nila ako ng masama!"
"Hayaan mo sila, ang importante naman ay alam mo sa sarili mo ang katotohanan." Natatawang sabi nito.
"Sabihin mo ang totoo!"
Lumapit ito sa kanya para bulungan siya. "Don't mind them!" anito, saka nito mabilis na napasakamay ang baunan na may laman pang biko. Dumukot ito doon ng isang slice at mabilis na isinubo. "Hmm... masarap!" nakangiting sabi nito, bago nito ibinalik sa kanya ang lalagyan. "Thanks."
BINABASA MO ANG
In Love with Mr. Arrogant! (Completed)
Teen FictionSi Jace Wagner na siguro ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Eralc sa buong buhay niya, transferee student ito; matalino, campus heartthrob at galing sa isang mayamang pamilya ngunit isa lang ang kinaiinis niya dito-masyado itong mayabang at aroga...