Exam No. 1

259 13 0
                                    

Sa pagbugso ng hangin at paghuni ng mga ibon, ang mga tuyong dahon ay sumasayaw sa himpapawid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa pagbugso ng hangin at paghuni ng mga ibon, ang mga tuyong dahon ay sumasayaw sa himpapawid. O kay gandang pagmasdan ng paligid. May mag-aaral na nagtatawanan at naghahabulan, habang ang iba naman ay nasa loob ng kanilang mga silid-aralan, seryosong nag-aaral dahil ngayong araw ang kanilang huling pasulit.

Ngayon ang pinakamahalagang araw para sa mga mag-aaral ng Academia Santuario de la Excelencia. Ilang araw na lang at magbabakasyon na sila. Kaya excited na ang lahat na makapag-take ng exam. Lalo na ang mga mag-aaral sa Advance section ng ASdlE. Hindi lang kasi ito pangkaraniwang pagsusulit para sa kanila, ito rin ay magiging Advance Placement Exams.

Ang mga eksaminasyong ito ang magtatakda kung sila ay kwalipikado para magtuloy sa kolehiyo na hindina kailangan mag Senior High. Ngunit upang mag-tagumpay ay kailangan nilang makamit ang average na 98% sa darating na pagsusulit.

"Himala at ang aga mo ngayon Juno. Kung kailan pa patapos na ang pasukan, saka kapa naging maaga." Prankang saad ng dalagang si Dayle sa kaklaseng si Juno.

Diretsahan itong si Dayle kung magsalita. Pranka na kung pranka. She is just being straightforward. She is just stating the obvious truth. She is Georgia Dayle Shin, ang TBH Queen ng Advance Section.

"Galing pa nga ako sa trabaho eh. 'Di na ako umuwi sa amin. Dumiretso na ako dito para makapag-aral." Sabay lapag ng kanyang mga gamit sa upuan.

"Wala pa nga akong tulog. Inaantok na nga ako." Dagdag pa nito.

Napahikab tuloy ang binata ng banggitin ang salitang tulog.

For Juno Cruda, the word sleep is sacred. Todo kayod kasi ito para sa kanyang pamilya. Siya na kasi ang tumayong haligi ng kanilang tahanan simula noong pumanaw ang kanyang ama.

Mahirap lamang kasi sila. That's why he sleep less and work more. Kaya nga siya binansagan ng kanyang mga kaklase na the Sleepless Prince.

"That's why, like na like kita Baby Juno. Because you're so masipag. Like it's so nakakadagdag pogi points kaya."

Singit naman sa usapan ni Belle na nakayakap sa braso ni Juno. At talagang sumiksik pa ang dalaga sa upuan ng binata kahit na bakante naman ang kabilang silya.

"Ang landi talaga. What a total bitch." Diretsahang komento ni Dayle.

Napabusangot tuloy si Allyleah Belle Stratford.

"I'm not a total bitch, just so you know. Uhmm... Oo na bitch ako. Pero slight lang kaya."

Yup! She's not a total bitch. She is just Slightly Bitch.

Napatawa na lang tuloy sina Juno at Dayle dahil sa tinuran ng dalaga.

"Tawa kayo ng tawa na parang hindi Final Exam." Napagawi ang atensyon ng tatlo sa nagsalitang binata.

Ang nagsalita ay ang binatang si Ace Zander Fuentabella.

"Eh ikaw, nag-aral ka ba Ace? I don't think so!" At tinaasan pa ng kilay ni Dayle ang binata.

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon