Exam No. 17

89 5 0
                                    

Mga alaalang ayaw manahimik. Tila parang isang tinik. Tinik na nakabaon sa kanilang puso't isipan. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin nila ito makalimutan.

Ramdam niya ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang katawan. Kaya nagising ang dalagang si Kerlene mula sa mahimbing na tulog.

Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga matang nakapaikit. Medyo malabo ang paningin ng dalaga, kinusot niya ang kanyang mga mata. Napansin niyang may nakakabit na tubo sa kanyang kaliwang kamay.

Inilibot niya ang kanyang paningin upang masiguro sa sarili kung nasaan siya. Ng mapagawi siya sa kanang bahagi ng silid, nahagilap niya ang maamong mukha ng kanyang kaklaseng si Peterson.

Agad namang nilapitan ni Peterson ang dalaga ng mapansing nagising na ito.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong nito sa binata.

"Isinugod ka namin dahil bigla ka na lang nahimatay noong isang araw. Nasobrahan ka raw sa pag-inom ng gamot. Mabuti na lamang at naagapan ka ng mga doktor."

Biglang rumehistro sa isipan ng dalaga ang ginawa niya. Uminom siya ng napakaraming pampatulog. Hindi niya akalain na magigising pa siya.  Ito ang naging kasunduan nila ng taong nakausap niya. Tiyak na hindi ito natutuwa na buhay ang dalaga.

"Hindi. Hindi ako pwedeng mabuhay. Bakit niyo 'ko tinulungan? Hindi niyo ako dapat isinugod sa ospital."

Bigla nalang nagwala ang dalaga na ikinabahala naman ni Peterson. Pilit nitong tinatanggal ang mga tubong nakakabit sa katawan niya.

Naging histerikal ang babae dahil naalala niya ang kanilang pinag-usapan.

"Nurse!!!" Sigaw ng binatang si Peterson.

Mabilis na tumakbo ang binata palabas upang humingi ng saklolo. Mabuti na lamang at may mga nars na naglalakad sa labas ng kanilang silid. Agad namang pinuntahan ng mga nurse ang nagwawalang dalaga.

May gamot silang itinurok sa dalaga na nagpakalma dito. Bigla nalang itong nawalan ng lakas at unti-unting napapapikit. Hanggang sa tuluyan na ngang nakatulog ang dalaga.

Sakto namang dumating ang pinsan nitong si Aila na alalang-alala sa lagay ng pinsan.

"Kuya anong nangyari sa kanya?" Maririnig sa boses nito ang lungkot.

"Nagising siya kanina at inatake ng anxiety. Pero ayos na siya Ai. Wala kang dapat ipag-alala." Paniniguro naman ni Pete sa nababahalang dalaga.

"Salamat sa pag-babantay kay ate, kuya Pete." Pagpapasalamat ng dalaga sa binata.

Ngiti lang ang sinukli ng binata sa pasasalamat nito.

Inabutan ng dalaga ang binata ng makakain at maiinom na malugod naman nitong tinanggap.

"Salamat!" At nginitiang muli ng binata ang dalaga.

Kitang-kita sa mukha ng dalaga na kinikilig ito. Pulang-pula kasi ang mga pisngi nito.

May angking kagwapuhan nga naman talaga ang binata na hindi maitatanggi ng nino man. May kamukha itong mang-aawit mula sa bansang Korea.

"Bat ka namumula? May lagnat ka ba?"

Nag-alala tuloy ang lalake sa dalaga.
Kaya kinapo nito ang leeg at tinantsa kung may lagnat ba ito.

"Wala naman ah."

Natawa tuloy ang dalaga dahil sa inasal ng binata.

"Ang pogi mo na nga kuya, maaalahanin pa. Hindi ko man gustong aminin 'to kasi nakakahiya, pero kinikilig ako."

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon