Exam No. 15

66 6 0
                                    

Ramdam niya'y may nakasunod sa kanyang likuran. Hindi man niya maamin, pero siya'y kinakabahan. Nilakasan niya ang kanyang loob at buong tapang siyang lumingon. Isang pamilyar na mukha, sa kanyang sumalubong.

"Shemay naman Kerlene! Nakaitim ka pa. Ginulat mo'ko ng bongga!"

Muntikan ng mahimatay si Felicity sa sobrang takot. Akala niya kasi kung sino ang naka-sunod sa kanya. Ang kaklase niya lang pala na si Kerlene.

"Kamusta na pala ang sugat mo?"

Natamaan kasi si Kerlene sa balikat ng baril. Mabuti na lamang at nadaplisan lang siya, kaya mabilis ang paghilom ng sugat niya.

"Ayos na so far. Hindi ko nga alam kung ba't pa ako nabuhay. Sana namatay na lang ako."

Nabatukan tuloy ni Felicity ang dalaga ng wala sa oras, dahil sa kung anu-ano ang pinagsasabi nito.

"Are you crazy? Pasalamat ka nga na buhay ka pa. Masyado kang drama! Gothic Princess ka nga ng Advance Section."

Nginitian lang siya ng hilaw ni Kerlene.

Masyado kasing malungkutin itong si Kerlene. Laging itim ang suot nito. Naka-lipstick rin ito ng itim. She identify herself as a goth. Pero kahit gothic ang pormahan ng dalaga, mas kapansin-pansin ang maputi nitong balat. Matangos rin ang ilong nito. Sa likod rin ng maitim na lipstick ay mamula-mulang labi.

"Alam mo speaking of gothic. Mahilig ka rin ba sa goth rock?"

Pag-iiba ng usapan ni Felicity. Mahilig kasi ang dalaga sa music. Kaya siya binansagan ng mga kaklase na MusiQueen.

Kung maganda si Kerlene, mas kapansin-pansin si Felicity. Kakaiba ang dating ng dalaga. Nakakabighani ang kanyang mga ngiti. Pano pa kaya kapag inawitan ka niya?

"Hindi ba obvious sa itsura ko?"

Napa-irap nalang si Felicity dahil tila ayaw siyang kausapin ng dalaga.

Mabuti na lamang at narating na nila ang office ng School Head. Kung malayo-layo pa sana ang pupuntahan nila, paniguradong mabuburyo si Felicity sa kausap.

Nasa Office sila ni Mr. Art dahil pinatawag kasi ang buong advance section, dahil may mahalaga raw na iaanunsyo si Mr. Art sa kanila.

Nadatnan ni Felicity at Kerlene ang kanilang mga kaklase pati na rin ang tatlong sit-ins na sina Keya, Churchill at Hiroshi na nakatayo sa labas ng office ni Mr. Art.

Dumiretso ang dalaga sa kanyang circle of friends na sina Cain, Akisha, Mint, Axel at Porsche. Sila kasi ang pinaka-malapit sa isa't-isa, dahil parehas lang sila ng subdivision na tinitirhan.

"May idea ba kayo kung bakit tayo pinatawag?"

Bungad na tanong ng dalaga sa kanyang mga kaibigan.

"No idea at all Fel."

Sagot naman ni Porsche sa tanong ng dalaga.

Ang kaninang maingay na mga mag-aarala ay biglang tumahimik, ng lumabas ang punong guro na si Mr. Art mula kanyang office.

"Kumpleto na ba kayo?"

Tanong ni Mr. Art sa mag-aaral.

Nilingon ni Thyme ang buong paligid upang bilangin ang head count at upang matiyak kung nandito na nga ba ang lahat.

"Opo nandito na."

Turan ng binata ng masiguradong kumpleto na nga sila.

"Okay good!"

Sinenyasan ng punong guro ang lahat na sumunod sa kanya. Dumiretso sila sa kaliwang room kung saan nag-pupulong parati ang mga school staff. Matapos makapasok ang lahat sa board room ay agad silang pinaupo ng punong-guro.

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon