Exam No. 16

59 6 0
                                    

Ang lihim ng nakaraan, ay siya ang dahilan. Pagdurusa'y kanilang mararanasan, gaya ng kanilang pinagdaanan.

"Ikaw ang isusunod ko!"

Puso niya ay puno ng galit.

Dahan-dahan niyang pinunit ang larawan ng babaeng isa sa mga nagkasala sa kanya. Halos hindi na makilala ang babaeng nasa litrato. Punit na punit ang imahe nito. 

"Papatayin kita Kerlene."

Bawat salitang binibitawan niya ay sinasabayan ito ng malakas na tunog ng kulog. Kanyang mga hinanakit ay sumasabay sa bugso ng hangin at ulan. At bawat patak ng ulan ay tila may binubulong sa kanyang tenga. Siya'y tila pinilit ng mga ulap na bumuhos na rin. Pilit siyang pinapasabay nito sa pagbuhos ng damdamin.

Hanggang sa kanyang mga luha'y 'di na rin nagpapigil. Sumabay na rin ang kanyang mga luha sa pagpatak ng ulan.

Isinuko niya ang marupok niyang katawan. Isinigaw niya ang lahat ng galit sa mundo. Inilabas niya ang lahat ng hinaing ng kanyang puso.

"Kayo naman ang magdudusa. Kami naman ang tatawa."

Hindi niya pa rin malimot ang masasakit na alaala. Alaalang nagtulak sa kanya na gumawa ng masama.

(Flashback)

Saya. Wala kang ibang makikita sa kanilang mukha kundi kaluguran at kagalakan. Kahit madaling-araw na, nangingibabaw ang maningning nilang mga ngiti.

"Ate salamat talaga at pinasyal mo ako dito."

Bihira lamang kasi ang kapatid niya na makalabas sa kanilang bahay. Parati itong nakakulong sa kanyang kwarto at madalas mapag-isa.

Loner ito masyado. Wala siyang ibang kinakausap kundi ang pamilya niya. Marami na kasi itong masakit na pinag-daanan. At tanging ang kanyang pamilya lamang ang naroon sa kanyang tabi.

Minsan na itong sumubok na kitilin ang sariling buhay. Kaya simula ng mangyari iyon, mas lalong naging espesyal ang pag-aaruga ng pamilya niya sa kanya.

"Walang anuman bunso."

At dahil sa sobrang naparami sila ng nainom, nakaramdam ng pagkahilo ang dalaga.

Oo, kahit na wala pa sila sa wastong gulang, nakakainom na sila ng alak. Tito kasi nila ang may-ari ng club na siyang pinuntahan nila.

"Cr lang ako saglit bunsoy."

Paalam nito sa kapatid, na tango lang din ang sagot. Nahihilo na rin kasi ito, dahil bahagya rin siyang nalasing.

Kaya naiwan ang binata na mag-isa sa parking lot. Nakasandal lang siya sa kanilang kotse. Nakatingala siya sa taas ng building. Hanggang sa maaninag niya ang isang babae na tila tatalon mula sa rooftop ng apat na palapag na gusali.

Kinilabutan siya sa nakita. Kinusot niya ang kanyang mga mata upang matiyak na hindi siya nag-iilusyon. Ng masiguro niyang 'di siya namamalikmata, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang gumawa ng aksyon.

Kahit na nakaramdam na siya ng pagkahilo, diretso pa rin ang takbo niya paakyat sa 4th floor. Habang siya'y tumatakbo papasok ng gusali ay nakasalubong niya ang kanyang ate.

"Saan ka pupunta bunso?"

Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ng kapatid. Takbo lang siya ng takbo. At dahil sa pag-aalala naman ng babae, naisipan niyang sundan ang nakababatang kapatid.

Kahit hilong-hilo na siya, nagawa niya pa ring sundan ang kapatid. Masama ang kanyang kutob, kaya binilisan niya rin ang pagtakbo. Lalo siyang nakaramdam ng pagkahilo.

Ilang minuto pa ay narating niya na rin ang 4th floor, kung saan naabutan niya ang kapatid na nakikipag-usap sa isang babae.

Isang babae na pamilyar sa kanya.

Hilong-hilo na ang dalaga kaya hindi siya makalapit sa dalawa. Nasa may pinutuan lang siya, nakasandal sa pader.

"Kung ano man ang binabalak mo Kerlene, huwag mong ituloy. Maraming masasaktan kapag gagawin  mo 'yan."

Tama nga ang hinala ng babae. Ang kaklase niyang si Kerlene ang kausap ng kapatid niya. At balak nitong tumalon sa gusali. Gusto niya mang lumapit sa kanila at makisali sa usapan, ay 'di niya magawa dahil sa sobrang kalasingan.

"W-wala ng ibang paraan Drake."

Kitang-kita ng mga mata niya ang pagkahulog nito sa gusali. Masyadong mabilis ang pangyayari. Walang nagawa ang dalaga. Nanlumo siya dahil sa nasaksihan.

Kahit malabo ang kanyang paningin ay kitang-kita niya kung paano nahulog ang kapatid.

"D-drake!" Daing nito.

Biglang napuno ng galit ang kanyang puso. Nais niyang patayin ang kaklase. Gusto niya itong sugurin pero wala na siyang lakas. Sinubukan nitong tumayo pero nabigo siya. Napahawak siya sa pader ng makaramdam ulit siya ng sakit sa ulo.

Hanggang sa nawalan ng malay ang dalaga. Bumagsak siya ng tuluyan sa sahig. At nilamon na nga siya ng kadiliman.

Natilihan naman ang dalagang si Kerlene.

"B-bakit?" Tanong ni Kerlene sa sarili.

Hindi niya inasahang may pipigil pa pala sa kanya sa pagtapos sa walang kwenta niyang buhay. Gulat na gulat siya at hindi inasahan na isinugal ni Drake ang buhay nito para sa kanya.

Dumungaw si Kerlene sa baba ng gusali. Napaluha na lamang ang dalaga ng makita niya ang binatang nakaratay sa lupa. Bali-bali ang katawan nito. Naliligo ito sa sariling dugo. Kahit nasa malayo man siya ay tiyak siyang hindi na humihinga ang binata.

Nagsimula ng dinumog ng mga tao ang katawan ng binata. Natauhan ang dalaga sa nangyari. Unti-unting rumerehistro sa kanyang isipan ang nangyari. Wala na ang binatang si Drake. Namatay ito dahil sa kanya.

Mabilis siyang tumakbo upang matakasan ang pangyayaring hindi niya ginusto. At simula ng araw na 'yon, inilihim niya sa lahat ang nangyari. Wala ni isa ang nakaalam na naroon siya noong gabing iyon. Maliban sa kanya.

Siya. Siya na sinisisi ngayon ng pamilya niya dahil sa pagkamatay ng kapatid. Inisip ng lahat na kinitil ng binata ang sarili dala ng kalasingan.

"Parang ikaw na rin ang pumatay sa sariling kapatid mo ****!"

Lahat ng masasakit na salita ay siya ang tumanggap. Lahat ng paninisi ay sa kanya ipinukol. Buong puso niya rin itong tinanggap. Tinipon niya ang lahat ng galit. Hanggang sa puso niya'y napuno ng poot.

"Tatapusin ko lahat ng nanakit sa'yo bunsoy. Papatayin ko sila."

End of Flashback

Nagising siya mula sa mahabang tulog. Agad siyang bumangon at nag-unat ng kamay't paa.

"Umaga na. Bagong araw, may bagong buhay na matatapos. Humanda ka na Kerlene. I'll teach you a lesson."

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon