Exam No. 8

86 10 2
                                    


Takot? Kaba? Ano nga ba talaga ang kanilang nadarama?
Paniguradong ang iba ay natutuwa sa kanyang pagkawala. Hindi sila tunay na nagluluksa.

Wala ng buhay si Atasha. Nakapako ito sa dingding. Hindi na ito humihinga. Balot ito sa sariling dugo. Halos hindi na ito makilala dahil sa sinapit. Masyadong kalunos-lunos amg nangyari sa dalaga.

Kapansinpansin rin ang suot nitong korona na gawa sa puting lirya. May simbolo ring nakaukit sa dibdib ng bangkay. Simbolo ng pinaniniwalaang unang asawa ni Adan. Ang dark deity na si Lilith.

Palihim naman siyang napangisi dahil dito. Nagtagumpay ang plano nila. Mga ngiting kumurba sa kanilang labi ay dulot ng kasiyahan. Tuwang-tuwa sila sa nakitang reaksyon ng kanilang mga kaklase. Nagtagumpay sila sa kanilang nais. Ang nais na masindak sila.

Hindi nabigo si Deus at Lilith, dahil nagulat ang lahat sa nangyari. Nag-uumapaw ang takot ngayon sa buong silid na kinaroroonan nila.

"Who the fvck did this? Putang ina! S-sino?!!"

Histerikal na sigaw ni Juno. Halos maluha ito dahil sa nakita. May galit man siya sa kaklase, pero hindi niya naman ginusto ang sinapit nito.

"Ikaw Sienna! Ikaw 'yung pinaka-brutal dito. Siguro ikaw ang may gawa nito ano?!"

Isang malutong na sampal ang sagot ni Sienna sa mga panghuhusga ni Dayle.

"Oo! Galit ako kay Atasha. Pero putang ina, hindi ako mamamatay tao."

Naitulak pa ni Sienna si Dayle dahil sa galit nito. Mabuti nalang ay nasa likuran ni Dayle ang dalagang si Felicity na umalalay sa natumbang dalaga.

Kitang-kita sa mga mata ni Sienna ang galit, dahil sa pamimintang ni Dayle. Siguro nabigla lang din ang dalagang si Dayle, kaya napagbintangan nito si Sienna.

Pero kahit sino naman siguro ang mapagbintangan na nakapatay, ay tiyak na magagalit.

"STOP IT BITCHES! Hindi ito ang tamang oras upang magsisihan."

Natigil naman ang kaguluhan ng pumagitna si Julie.

"WE HAVE TO ASK FOR HELP. NOT FUCKING BLAME EACH OTHER!!!"

Dahil sa lakas ng boses ni Julie, natigilan ang lahat at natauhan sila sa pangyayari. Ang kaninang maingay na auditorium ay biglang binalot ng katahimikan.

"Murder itong kinakaharap natin. Someone fucking DIED. Kaya parang awa niyo na. Please lang! Tumawag kayo ng otoridad."

Makikita mo ang kamao nitong nakakuyom. Mata'y may kaunting luha. Napapakagat ito sa kanyang mga labi. Sinisigurong hindi panghihinaan sa sitwasyon na kinakaharap.

"Hindi ko mabuksan ang pinto. Pucha!"

Halos gibain na ni Peterson ang pinto. Sinipa niya ito ng sobrang lakas, pero hindi niya pa rin ito mabuksan. Tumulong na rin ang ibang lalake, pero bigo sila na mabuksan ang malaking pintuan.

Mas lalong nagkagulo ang lahat ng magsalita ang isa sa mga sit-ins.

"Kasalanan niyo 'to eh. Nadamay lang kami sa kahayupan ninyo!"

Paninisi ni Hiroshi sa Advance Section.

Susugurin sana ni Rook ang binata pero mabuti na lang ay napigilan siya ng kanyang mga kaibigan.

"Gago ka pala eh!"

Itinaas pa ni Rook ang gitnang daliri. Nginisihan lang ni Hiroshi ang lalake. Binalik pa nito kay rook ang midle finger sign.

"Mayabang ka talagang putang ina ka!"

Mabilis na tumakbo si Rook sa direksyon ni Hiroshi. Sinuntok nito ang binata sa mukha. Gumanti rin si Hiroshi sa suntok ni Rook. Mabuti na lamang at napigilan ang dalawa ng mga kasama.

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon