Exam No. 9

66 11 0
                                    


Walang nagsasalita, walang gustong magsalita. Binabalot ng katahimikan. Lahat sila ay nakatingin sa kawalan. Nag-iisip ng malalim. Pero walang masabi.

Simula noong nasaksihan nila ang nangyari kahapon, mas lalong naging kakaiba ang kanilang mga kinikilos. Kaduda-duda ang bawat isa. Tila walang inosente sa kanila.

Bawat isa'y may tinatago na ayaw nilang maisiwalat. Kaya maingat sila, dahil ayaw nilang masangkot sa krimen. Pero kahit ano pa man ang gawin nilang pag-iiwas ay parte na talaga sila sa pangyayaring ito. Lahat sila ay suspek sa pagkamatay ni Atasha.

Mga ilang minutong binalot ng katahimikan ang malawak na opisina ng punong guro. Hanggang sa may isang hindi makapagpigil ng kanyang nangangating dila.

"I-ikaw Sienna! Diba kayo yung huling nag-usap ni Atasha? I even saw you hurt her."

Si Skitty ang nagsalita. Siya yung tinaguriang spotlight queen ng kanilang seksyon. Soptlight queen, dahil gusto niya nakatuon ang lahat ng atensyon sa kanya. Kaya siguro napagdesisyunan ng dalaga na magsalita, para matuon ang atensyon ng lahat sa kanya.

Kaya ang kaninang kalmado na si Sienna ay halos magwala sa galit, dahil sa sinabi ng dalaga.

"Fvck you bitch! I did not kill her."

Ngisi lang ang ginanti ni Skitty sa pagmumura ni Sienna.

Nagsisimula ng umingay ang kaninang tahimik na kwarto.

"Calm down Ms. Odequa. Wala namang sinasabi si Ms. Flores na ikaw ang pumatay. Sa kinikilos at binibigkas mo ay parang ikaw nga ang salarin. Masyado kang apektado."

Ang kanina'y nakakuyom na palad ni Sienna ay dumapo sa pisngi ng pulis na si SPO1 Santiago. Napangiwi ang pulis sa ginawa ng dalaga.

"Behave yourself Sienna!"

Suway ng kanilang punong guro na si Mr. Art.

"Sa tingin niyo nakakatuwa ang bintang niyo? Pulis kayo Mr. Hugo Santiago. Wala kang sapat na ebidensya para husgahan ako."

Parang sinampal ulit ang pulis sa sinabi ng dalaga. Tama nga naman ito. Walang sapat na ebidensyang makakapagsabi na siya ang pumatay.

"Hindi ko nga kayo hinuhusgahan kahit na kabit niyo ang isa sa kaklase ko." Pabulong pang dagdag ng dalaga.

Napalunok na lamang ng laway ang pulis na si Santiago dahil sa mga sinabi ng dalaga.

"Kaya nga natin ginagawa itong imbestigasyon na ito para malaman natin kung sino ang may sala."

Mas lalong lumalaki ang tensyon sa silid. Nagsisimula na silang magturuan. Naghuhugas kamay na ang iba. Kaya tuwang-tuwa sila na miserable ang mga ito. Nagtagumpay sila sa kanilang unang hakbang.

"At sa tingin mo nakakatulong ang mga duda ninyo. Eh bakit hindi niyo tanungin si Rook? Siya ang huling pumasok kahapon, noong mawala si Atasha."

Nanlaki ang mata ni Rook ng sa kanya nakaturo ang kanilang mga kamay.

"Oo napansin ko rin si Rook na siya ang huling pumasok sa classroom. Tapos nung hinanap ni Peterson si Atasha kahapon, pinigilan siya ni Rook. Idagdag pa natin ang katotohanang may kumpetisyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Kaya malaki ang posibilidad na si Rook nga ang pangunahing suspek dito."

Napaisip naman ang lahat sa sinabi ni Yosai. May punto nga rin naman ang binata sa kanyang teorya.

Pero teorya lang ito at hindi ito sapat na batayan na magpapatunay na siya ang killer.

"Bakit ako? Palibhasa alam niyong galit ako kay Atasha, ako na agad? Ang galing mo rin Yosai, isa ka ngang dakilang writer."

Nagkakagulo na sila. Sino nga ba ang may sala? Sino sa kanila ang tunay na salarin?

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon