Exam No. 20

76 6 0
                                    

Malamig na hangin, sa kanya'y yumayakap. Tila pinapadama nito sa kanya ang sakit at pinagdaanan niyang hirap.

Ubos na ang kanyang luha. Kanina pa siya nag-mamakaawa. Pero tanging tawa lamang ang sagot niya sa panlilimos nito ng kapatawaran.

"Patawad? Kaya bang ibalik ng salitang patawad ang buhay na tinapos mo? Hindi na diba?" Sarkastiko nitong saad.

Pero kahit maotoridad ang boses niya, madirinig mo pa rin ang pasan nito na kalungkutan. Kalungkutan na nagdulot sa kanya ng kasamaan.

"Hindi kita pinapunta diyan Kerlene para mag-drama. Isang salita pa na galing sa 'yong bibig, kamatayan ng iyong pinsan ang magiging kapalit."

Nangamba ang dalaga dahil sa banta ni Regina Mortem. Kaya nanahimik na lamang siya.

"Pakawalan mo na si Aila. At gagawin ko na ang ipapagawa mo." Natuwa naman siya dahil sa sinabi ni Kerlene.

Nakapagpasya na ang dalaga. Handa na siya, sa kung anumang parusang haharapin niya. Handa na siyang harapin ang kamatayan niya.

"Sige papakawalan ko na siya. Any goodbyes to your beloved cousin?"

Sinamantala ni Kerlene ang oras na binigay sa kanya ni Regina Mortem. Agad niyang pinuntahan ang pinsan at niyakap.

"Ingatan mo ang sarili mo Ai. Ito na ang araw ng katapusan ko. Tanggap ko na ang kamatayan ko." 

Walang masabi ang dalagang si Aila sa kanyang pinsan. Puros hagulhol lamang ang lumalabas sa kanyang bibig. Iyak lang ito ng iyak.

"Ihatid mo na sa baba si Aila!" Utos nito sa isa sa mga lalakeng nakahawak kay Aila. 

Agad namang sinunod ng lalake ang utos nito. Nahirapan nga lamang ang lalake na pasunurin ang dalaga, dahil nagpupumiglas ito.

"A-ate 'wag m-mong g-aw-win to." Pagsusumamo ng dalaga sa kanyang kinilalang ate.

Kahit na pagod na sa kakaiyak si Kerlene ay hindi niya mapigilan ang sarili na maluhang muli. Naaawa siya sa lagay ng kanyang pinsan.

Alam niyang hindi kakayanin ni Aila ang maiwang mag-isa kasama ang lola niya. Siya na lang katuwang nito sa buhay. Halos magkasabay silang lumaki at kabisado nila ang isa't-isa. Kaya napakasakit ang pangyayaring ito sa kanila.

Pero wala ng magagawa si Kerlene.

Nakapagpasya na siya.

"Paalam Ai!" At tuluyan ng bumitaw si Kerlene mula sa yakap ng pinsan niya. 

Dahan-dahang hinatak ng lalake si Aila pababa ng gusali pero
Nagpupumilit ang dalaga na makawala. Napilitan ang lalake na buhatin ang dalaga upang hindi na ito makagalaw.

"Alagaan mo si lola Ai. Mahal na mahal ko kayo."

Huling pamamaalam ng dalaga sa kanyang pinsan.

"A-ateeee!!"

Pumikit na lamang siya at yumuko, upang hindi makita ang paglisan ng kanyang pinsan.

Pamilya, ito ang kahinaan ng dalagang si Kerlene. Handa niyang tanggapin ang lahat ng sakit, huwag lang madamay ang pamilya niya. Ganito niya kamahal ang mga ito.

"Hays! Boring niyong magpinsan. Dapat nagpatayan kayo. Wala tuloy excitement ang final exam mo."

Saad ng babae na nagsasalita mula sa speakers, si Regina Mortem.

"Demonyo ka na talaga!"

Tila isang papuri ang narinig ng babae, dahil tuwang-tuwa siya sa sinabi ni Kerlene.

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon