Exam No. 10

61 11 0
                                    

Kanyang tinatakasan, isang kasalanan. Hindi man siya ang may gawa, pero kilala niya ang may sala. Bakit hindi niya kayang sabihin sa kanila kung sino? Takot ba siya sa mga ito?

Malalim na hininga. Pusong nangangamba. Pawis niya'y tumatagaktak sa kanyang mukha. Pilit na pinipigilan na maluha. Mga senyales na kumukumpirmang siya nga'y kabado't takot.

Tumatakbo siya palayo sa kanyang mga kaklase. Gusto niyang makaalis, dahil sa takot. Takot siya sa mga banta nila.

Dahil agaw pansin sa marami ang nangyayari, nagsisimulang dumugin ang hallway na kinaroroonan nila. Nahihirapan siyang tumakbong palayo sapagkat dumarami ang mga estudyanteng nakikiususyo.

"Layuan niyo ako!"

"Hindi ako ang pumatay kay Atasha."

Mas lalong dumarami ang estudyanteng nanunuod sa kanila. Nagsilabasan ang ibang magaaral sa kanilang mga silid. Nagkukumpulan na ngayon ang halos lahat ng estudyante sa hallway. Maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila.

Humahakbang si SPO1 Santiago palapit sa pwesto nito para patahanin ang ngayo'y histerikal na binata.

"Lumayo ka sa akin!"

Banta nito sa pulis na isang dipa na lang ang layo sa kanya. Pero kahit binantaan na siya ng binata ay dahan-dahan pa ring lumapit si SPO1 Hugo Santiago sa pwesto ni Tyson.

"Ibaba mo ang kutsilyo mo Tyson. Pag-usapan natin 'to ng maayos."

Unti-unti namang kumalma ang binata. Ibababa na sana niya ang kutsilyong hawak, pero naging histerikal itong muli ng makita niyang nakatitig sa kanya ang taong pumatay kay Atasha.

"P-papatayin nila ako kapag nagsalita a-ako. Wala silang puso kong pumatay. Ayokong matulad kay Atasha."

Kitang-kita niya kung paano nila pinatay si Atasha. Alam niya kung paano ito nagdusa sa mga kamay nila. Kalunos-lunos ang sinapit ng dalaga.

Dahil sa pagka-alala ng nakita, mas lalong hindi mapakali ang binata. Wala na ito sa tamang pag-iisip. Binabalot na ang kanyang isipan ng takot. Kaya mas lalo itong naging agresibo.

"Mas mabuti na sigurong ako nalang ang tatapos sa sarili ko."

Sasaksakin na sana niya ang sarili gamit ang kutsilyong hawak, mabuti na lamang at gumawa kaagad ng aksyon si Santiago. Sinipa niya ang binti ni Tyson. Dahil sa pagkakasipa ng pulis, muntikang malaglag ni Tyson ang kutsilyo. Sinamantala ng pulis ang pagkakataon. Agad niyang inagaw ang kutsilyo mula sa binata.

Nag-aagawan ang dalawa sa isang patalim. Walang tumulong sa kanila. Pinanuod lamang sila ng mga mag-aaral na magbuno.

Makalipas ang ilang minuto nilang pag-aagawan sa isang kutsilyo, nagwagi ang binata na mabawi ito mula sa pulis.

"Tumigil ka na bro please. Pag-usapan natin ito ng mahinahon Ty." Pag-susumamo ng kaklase nitong si Vixx.

Si Vixx ang isa sa mga pinaka-malapit na kaibigan ni Tyson. Kaya nagbakasakali ang binatang si Vixx na mapapatahan nito ang kaibigan.

"Hindi na natin 'to maayos sa usapan."

Sinubukan na naman nitong saksakin ang sarili. Kaya agad na tumakbo si Santiago para itulak ang binata. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak ng pulis, nabitawan ng binata ang patalim at natumba siya sa sahig.

"Tulungan niyo akong hawakan siya."

Mabilis na lumapit sa kanila ang kanyang mga kaklase upang tulungan ang pulis na mahawakan ang magkabilang braso ni Tyson. Pero nagpumiglas pa rin ang binata.

Sinikmuraan niya ang pulis at kinuha ang baril na nakasilid sa bewang nito. Kaya mas lalong uminit ang eksena, at natataranta na ang mga nakapalibot sa kanila.

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon