Exam No. 7

89 12 0
                                    

Pete's POV

Maliwanag naman ang sikat ng araw. Hindi rin masyadong mahangin. Pero tila ang paligid ay binalot ng dilim.

Nakakapanibago ang kanilang mga kilos. Ramdam kong unti-unting lumalabas ang malademonyong pagkatao nila, na nakatago lang sa likod ng bawat isa.

"May mali talaga." Bulong ko sa aking sarili.

Merong bumabagabag sa aking isipan. Isang masamang kutob. Malakas ang pakiramdam kong may masamang mangyayari. Hindi ko nga lang matiyak kung ano ito. Pero kung ano man ito, panigurado akong malala.

Isa lang ang taong nasa isip ko. Si Atasha. Masama ang kutob ko na may mangyayari kay Atasha. Baka mas malala pa ang gagawin nila kay Atasha. Malala pa sa ginawa nina Sienna.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumagi sa aking isipan ang nangyari noon. Bakit ko nga ba naaalala ang nagyari kay Mr. J? Meron kaya itong pahiwatig?

Napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman kong may tao sa likuran ko. Akma sana siyang tatapik sa aking braso, pero natigilan siya dahil bigla na lang akong lumingon.

"Ang bilis talaga ng reflection mo Pete."

Gusto kong matawa sa sinabi ng kaklase ko. Pero alam kong nakaka-insulto kung tatawanan ko siya. Sa halip na tawa ay nginitian ko na lamang ang babae.

"Reflexes yun Briella."

Nagkibit-balikat lang si Briella sa pangaral ko sa kanya.

Pinipigilan ko talagang matawa dahil sobrang seryoso niya. Alam ko namang matalino si Briella, sadyang komedyante lang.

"Pete, ang lalim naman ata ng iniisip mo ah. You're too much thinking deeper. Ay tama ba? Ay basta!! Bat ka ba kasi nag-iisip ng malalim? May problema ba?"

Napakamot pa ito dahil nahihirapan itong mag-ingles. Briella nga naman.

Hindi ko na tuloy napigilan ang tawa na kanina ko pa kino-contain, dahil sa sinabi niya. She never fail to make us laugh whenever we feel bad or down.

"HAHAHA! Thank you Brie."

Kumunot ang noo ni Briella dahil sa pagpapasalamat ko. May dahilan naman talaga kung bakit sinabihan ko siya ng thank you.

"Para saan ang thank you mo?"

Naka-pout pa ito na parang bata. Clueless masyado sa kung ano ang pinagsasabi ko.

Mas lalo tuloy lumapad yung ngiti na namumuo sa labi ko.

"Because you never fail to make me laugh."

Hindi ko alam kung anong mali ang nasabi ko pero kumunot lalo ang noo niya. Nag-abot na rin ang kanyang mga kilay.

"Alam mo PETERSON GARCIANO! Ang labo mo rin no? Minsan ang sungit mo. Minsa naman ang bait mo. High tide at low tide lang ang peg?"

Hindi ako nakapagsalita dahil merong kabuteng sumulpot sa kung saan at sumingit pa talaga sa eksena. Walang iba kundi ang bwisit na si Dayle.

"Sa'yo lang naman 'yan mabait. Masyado 'yang seryoso kapag kami ang kausap."

Kanina ang mga labi kong nakangiti ay ngayo'y nakasimangot na.

Nakabusangot akong nakatitig kay Dayle, dahil sa inis. Panira naman kasi ng MOMENT.

"Patay tayo diyan. May katapat na ang Ace at Belle love team. Progressing na rin pala ang tambalang Peterson at Briella."

Ngayon kay Juno naman ako nakatingin ng sobrang sama. Kakarating lang, nangiinis na kaagad.

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon