Exam No. 18

57 5 0
                                    

Kamatayan. Ito ba ay dapat katakutan? Kamatayan rin naman ang ating patutunguhan. Sa bandang huli, sa hukay rin ang ating hantungan. Pero bakit nga ba natin ito kinakatakutan?

Ano nga ba ang nakakatakot? Ang mabuhay sa kasinungalingan o ang mamatay dahil sa iyong kasinungalinan?

"A-ayoko na!" Maluhaluhang saad ni Kerlene sa kanyang sarili.

Hanggang ngayon, binabagabag pa rin siya ng mga alaala ng kahapon. Hindi pa rin siya sugurado sa kaligtasan ng pamilya niya. Lalo na't hindi niya nagawa ang utos nito sa kanya. 

"Ate ayos ka lang ba?"

Tanong ng dalagang si Aila sa pinsang masyadong malalim ang iniisip.

Gustuhin mang kumalma ni Kerlene, hindi pa rin mawala sa kanyang sarili ang pagkabahala. Lalo na't sigurado siyang hindi ito natutuwa na nakaligtas siya.

"Baka gusto mong kumain ate?"

Ngiti lang ang tanging tugon ni Kerlene sa kanyang pinsan.

"Ang gusto ko lang Aila ay alagaan mo ng maayos si lola. Mahal na mahal ko kayo."

Yakap ang tanging sagot ni Aila sa habilin ng kanyang ate. Yakap na punong-puno ng pagmamahal at kasiguruhan na susundin niya ang utos nito.

"Oo naman. Aalagaan ko kayo ni lola. Tsaka ate, inihabilin ko muna sa probinsya si lola. Doon muna siya kina lolo Paeng, hangga't hindi ka pa nadidischarge."

Medyo nakampante si Kerlene ng malaman niyang nasa malayo ang kanyang lola. Sa tingin niya ay mas mabuti ngang lumayo muna ang lola niya. Lalo na't hindi pa sigurado ang kaligtasan nito.

Natigilan ang emosyonal na eksena ng mag-pinsan ng may kumatok sa pintuan. Agad naman itong pinagbuksan ni Aila.

"Hali ka ate, pasok ka."

Hindi na nagulat si Kerlene sa bisitang dumating.

Alam na niya sa sarili na darating ito. Nakatanggap kasi ang dalaga ng mensahe mula sa isang unknown number kaninang umaga. Kaya alam niyang darating ito.

"Aila, iwan mo muna kami. Lumabas ka muna saglit."

Agad namang sinunod ni Aila ang utos ng kanyang ate.

Ng makalabas na ang dalaga ay naging mas masinsinan ang titigan nilang dalawa. Mga titig na may pahiwatig. Mga matang tila nangungusap. Pareho nilang pinagsasaksak ang isa't-isa sa kanilang isipan. Kung nakakasugat ang mga titig, kanina pa sana duguan ang dalawang babae.

Wala pa ring nagsasalita. Pareho lamang silang nakatitig sa isa't-isa. Mas lalo pang tumindi ang titigan ng dalawa.

Binalot ng katahimikan ang buong silid.  Ang kaninang maaliwalas na paligid ay kinain ng kadiliman.

"You failed!"

Pagbasag ng babae sa katahimikan.

"Hindi mo naipasa ang final exam mo Kerlene. Pano ba 'yan?"

Alam ni Kerlene ang ibig sabihin nito. Klaro ang pinagusapan nila. Tandang-tanda niya ang mga katagang sinabi nito.

"Huwag sila! Ako na lang ang patayin mo. Parang awa mo na!"

Pagsusumamo ni Kerlene sa dalaga.

"***** ako na lang please!"

Napangisi ang babae dahil sa pagmamakaawa ng dalaga.

Bawat butil ng luha na tumutulo mula sa mga mata ni Kerlene ay nagbibigay ng kaluguran sa kanya.

Kitang-kita sa mga mata ni Kerlene ang takot para sa kanyang pamilya.

"Hindi kita gustong patayin. Ayokong madungisan ng dugo ang kamay ko."

Palakad-lakad siya sa silid ng dalaga. Sinusuri ang buong kapaligiran kung may nakamasid ba.

Bawat hakbang niya naman ay sinusundan ito ng mga mata ni Kerlene. Tinititigan niya ang buong pagkatao nito.

Isang magandang babae. Marikit ang mukha. Balingkinitan ito. Maganda ang kanyang postura. Maihahalintulad ang kanyang itsura sa isang mamahaling bagay na babasagin. Kaya hindi mo talaga masasabing malademonyo pala ang ugali nito.

"Ang usapan ay usapan Kerlene. Kamatayan ang hantungan, sa mga taong hindi marunong sumunod sa usapan."

Mas lalo pang nangamba si Kerlene ng maglabas ang babae ng larawan kuha sa probinsya, kung nasaan ang kanyang lola.

"Huwag ang lola ko please!"

Tuluyan ng napahagulhol ang dalaga. Nangangamba siya para sa kaligtasan ng kanyang lola. Hindi na siya mapalagay mula sa kanyang kinahihigaan na kama.

"Hmmm. Madali akong kausap Kerlene. Ayoko rin namang saktan ang walang muwang na matanda. Wala rin naman siyang kinalaman rito. Kaya pagbibigyan kita."

Medyo gumaan ang pakiramdam ni Kerlene sa mga katagang sinabi nito.

"May iba akong ipapagawa sa iyo. This time it will be much easier."

Nakinig ng mabuti ang dalaga sa bawat salitang binibigkas nito. Handa siyang gawin anumang utos nito, maliban na lamang kung may kinalaman sa kanyang pamilya.

May iniabot na kahong maliit ang babae na agad namang tinanggap ni Kerlene.

"May lamang sulat sa loob niyan. Sundin mo lang ang nakasaad diyan, makakatiyak kang ligtas ang pamilya mo."

Tumango naman si Kerlene bilang pagsunod sa bilin nito.

"Class retreat na natin mamaya. Paniguradong masaya ang mangyayari. Sayang lang hindi ka na makakasama. Madugo pa naman sana ito."

Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ni Kerlene dahil sa tinuran ng babae.

Hindi niya inakala na sobrang sama na nito. Punong-puno na ng galit ang puso nito.

Gustuhin niya mang bigyan ng babala ang kanyang mga kaklase ay hindi niya 'to maaaring gawin. Malalagay lamang sa kapahamakan ang kanyang pamilya. Pero gagawin niya ang lahat, mailayo lamang sa panganib ang buhay ng mga ito. Kahit na buhay rin ang magiging kapalit. Makasarili na kung makasarili. Mahal niya lang talaga ng sobra ang kanyang pamilya.

"Don't forget your exam dear."

Kumindat pa ito bago nagtungo palabas.

Pipihitin niya sana ang pinto pero natigilan siya ng bumukas ito at bumungad sa kanya ang mga mukhang napaka-pamilyar. Si Peterson at si Briella.

"Uy andito ka pala!" Bati sa kanya ni Peterson.

"Oo kanina pa ako dito. Paalis na nga ako eh."

Kung titingnan mo ang babae ay tila walang nangyari. Ang kaninang malademonyong aura nito ay bumalik sa normal. Isang babaeng normal na hindi nila pagdududahan na gumawa ng masama.

"Ow! You early here hah? You wait for me and Peterson, we just ay ewan. Basta magpapaalam lang kami kay Kerlene, tsaka sabay na tayo papuntang school."

Napakamot pa ng ulo ang dalagang si Briella.

"Ewan ko sa'yo Briella at sa English mo. Sa baba ko na lang  kayo hihintayin."

Iba na talaga ang takbo ng mundo. Kung sino pa ang hindi mo pinagduduhan, ay siya pa palang may kasalanan.

Tuwang-tuwa siyang naglakad palabas ng hospital.

Alam niya sa sariling nagtagumpay siya sa gusto niyang mangyari. Sigurado siyang susundin ni Kerlene ang utos niya.

"Dadanak na naman ang dugo."

Final Exam "Cheating Death"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon