NINETEEN

31.4K 544 6
                                    

Kenjie POV

Matapos dakipin ng mga pulis si Mr. Gregorio ay na-tungo naman ako sa head quarter namin upang kausapin din si Mrs. Melchora. Nasa pangangalaga namin sya ngayon. Muntik ko na ring kalimutan na ngayon pala ang dating ng asawa ko.

''Hon , where are you? Wala ka naman dito sa penthouse mo? " pambungad nya sa akin.

"Sorry hon, sobrang busy ko lang ngayon" wika ko habang humihinga ng malalim.

"Basta dito ka mag-didinner hon" lambing nito sa akin.

"OK hon, mag-luto ka ng masarap at paniguradong mapapadami ang kain ko"

"Ok hon pero pwede ba akong lumabas? Sabi kasi ni bogard bawal" sumbong nya sa akin.

"Sige hon, I love you, pakibigay Kay bogard ang IPhone mo at kakausapin ko"

"I love you more Hon, Sige wait lang"
Maya-maya pa ay narinig kong kinakausap nito si Bogard at binigay ang Cp.

"Hello Sir" bungad nito

"Bogard, lalabas ang asawa ko at mag-grogrocery .Make sure na mababantayan nyo sya ng husto dahil kung Hindi alam muna ang mang-yayari"

"Yes boss " simpleng sagot nito.

"Contact my private army at sabihin mong lihim kayong bantayan ,Mas mabuti na ang nag-iingat. My wife is my precious gem".

" Copy Sir" matapos kong bilinan pa ito ay pinatay ko na ang tawag.

Pag-pasok ko ng quarter nakasalubong ko si Agent Mar's.

"Agent Dave, nag-hihintay na sayo ang lahat.Ikaw lang naman ang kinakatakutan ng mga kriminal. Tiyak mapapaamin mo agad" nakangiting saad nito sa akin.Sa lahat ng babaeng agent dito sya ang pinakaclose ko para na ring kapatid ang turingan namin.Siya lang naman ang kaisa-isang kapatid ni Eric. Ang lalaking kinaiinisan ko noon pero ngayon napakalaki na ng pag-hanga ko sa kanya.Dahil sya ang laging nag-liligtas sa mga prinsesa namin para din syang si Superior. Sa totoo lang Hindi namin kilala ang pinakalider ng aming Agency .Madalas kasi itong nakamaskara at may takip ang mukha kung kinakausap kami sa Video Call parang lagi itong galing sa pakikipag-laban.Si Superior ang unang taong hinangaan ko sa pakikipag-laban .Pina-train nya kami upang maging magagaling na Agent. Naputol ang aking pag-mumuni-muni ng makapasok ako sa Secret Room nag-aantay na sakin si Agent Ram at Agent Arkin.

"Good morning Agent Ken" sabay nilang saad sa akin.

"Good morning " simpleng saad ko sabay tingin sa babaeng nakatali ang kamay at paa sa silya.

"Pakawalan nyo ako dito mga walang hiya kayo" nag-pupumiglas nitong saad.

"Not until you answer all my questions" saad ko nag-transform na naman ako sa nakatatakot kong aura.

"What do you want badass?" Sabay pukol sa akin ng nakatatakot na tingin.

"I want to know everything about Family Castellejo"

"Castellejo na naman , sila ang dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit ako naging masama" sigaw nito.

"Ikaw ang gumawa ng lahat ng kasamaan kaya wag mong isisi sa ibang tao kung ano ka ngayon"

"Bakit Hindi? Nawalan ako ng anak " sigaw nito.

"Nawalan din sila ng magulang" tufon ko naman .

"Dapat lang sa kanila iyon, dapat sana isinuplong ko rin sila kay Gregorio noon .Sana matagal na silang patay at Hindi na aabot pa sa ganito ang lahat" umiiyak na nitong saad.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ako ang nag-manipula ng lahat.Sa imbestigasyon .Ako rin ang nag-utos para wag malaman ng iba ang tunay na nangyari. Ako din ang dahilan kung bakit ang pamilya din namin ang nakaampon Kay Janica. Labis akong nakonsensya noon .Kaya ni minsan Hindi ako nag-pakita Kay janica" humahagulhol pa nitong saad.

"Kayo din ba ang pumatay sa Tito at tita nya?" Tanong ko dahil masyado na itong naging emosyonal.Tiyak aamin at aamin na ito.

"Hindi naaksidente sila, eksaktong napadaan kami dun noon kaya kinuha namin ng driver ko ang duguan na bata. Matagal na kasi naming sinusubaybayan ang nang-yari sa dalawang bata".

" Ano ang nang-yari pagkatapos Mrs. Marcela?"

"Ipinaampon namin si Janica sa mga magulang na nakilala nya" iyak nito at maya-maya pa ay humalakhak na naman ito.

"What's happening here?" Saad ni agent Mar's na may kinakain pang Cornetto

"Biglang tumawa si Mrs. Marcela, nabubuwang na ata" sumbong ng pinakaisip bata na Agent namin.

"Haha! Mahirap ba ang nawalan ng anak Mr.Sarmiento" tawa nito kaya nilapitan ko ito at akmang sasakalin ko ng alisin nila ang kamay ko sa leeg ng ginang.

"Wag mong idamay dito ang anak ko. Matagal na syang nananahimik" saad ko at kitang-kita nya at ang lahat ng agent ang maitim na aura na bumabalot sa akin.

"Isa ka ring hangal at madaling maniwala. Buhay ang anak mo, ha ha ha , pero Hindi ko sa sabihin kung nasaan" tawa ito ng tawa ba parang nababaliw na .

"I don't believe you" wika ko sabay walk out ng Secret room.Sinundan naman ako ni Agent Arkin.

"Kung ako Sayo, aalamin ko kung may katotohanan ang sinasabi nya" makahulugan nitong wika sabay tapik sa balikat ko .

Ngunit babalewalain ko muna sa ngayon masyado ng overload ang laman ng utak ko ngayon. Kailangan kong kumalma .Tutal mag-gagabi na rin ay napag-pasyahan kong pumunta na ng penthouse paniguradong nag-aantay na ang asawa ko. Bantay sarado ang gate pag-dating ko.
Naabutan ko sa dining room ang asawa ko kasama ang ilang mga katulong na inihahanda ang dinner namin.

"Hon" saad ko sabay yakap sa likuran nya habang busy ito sa pag-aayos ng mesa. Hindi nito namalayan ang pag-dating ko.

"Are you hungry hon? Maupo kana" wika nito sa akin at ngumiti .Ninakawan ko tuloy sya ng halik na ikinangiti naman ng asawa ko.

"Let's eat" saad nya matapos kaming manalangin.

"Kumusta ang mag-hapon mo hon?"

"Ok naman, nag-grocery kami kanina .Bantay sarado naman ako pinag-titinginan tuloy kami ng mga staff at mga customer sa mall" pag-susumbong nito na ikinangiti ko naman .

"Ayaw mo ba ng ganun? Natatakot lang kasi ako na Baka mawala ka sa akin".

" Mag-iingat naman ako" sagot ng aking asawa.

"Alam ko yun hon, pero mas OK na ang nag-iingat " wika ko .Nag-patuloy kami sa pag-kain at pag-kukwentuhan hanggang sa mabusog kami at nag-pasyang pumasok na ng kwarto. Pag-kalabas ko ng C.R. matapos mag-shower ,naabutan ko syang hawak-hawak ang picture nilang mag-kapatid. Umiiyak na naman ang aking asawa. Hindi ko pa pala nababanggit sa kanya na buhay ang ate nya .Kailangan ko ng sabihin Sa kanya ang katotohanan dahil ayaw na ayaw ko syang nakikitaang nahihirapan at umiiyak.

Billionaire Seductive WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon