Kenjie POV
Kasama ko si Boss Knight nang pinuntahan namin ang bodega. Kitang-kita namin ang maraming armadong lalaki na nag-lalabas masok sa bodega. Huminto muna kasi malayo at pina-una ang mga kasama naming private army para pumasok sa loob. Pansin kong malalim ang iniisip ni Boss.
"Boss, may problema ka ba?"
"Oo pero kaya ko naman , malayo sa bituka , isipin nalang muna natin ngayon kung paano maililigtas ang anak mo"
"Salamat boss Knight" Maya-maya pa ay pumasok na ang mga private army namin at naririnig na namin ang mga putukan kaya nag-pasya na kaming pumasok. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob. Nauuna akong pumasok pag-lingon ko wala na si Boss .Nakarinig ako ng malakas na putok sa aking likuran. Kita ko na may lalaking nahulog sa puno na syang binaril ni Boss Knight. Kumindat lamang ito sa akin sabay senyas na mag-hiwalay kami ng daan na pupuntahan para madaling mahanap ang aking anak. Dire-diretso akong dumaan sa gilid ng bodega. Nag-tatago ako sa bawat sulok na madaanan. Lingon sa kaliwa, kanan, likuran at unahan ang aking ginawa. Kailangan Kong mag-ingat para sa aking pamilya.
"Tu-long tu-long " rinig kong sigaw ng isang matinis na boses. Kaboses ng aking anak. Mabilis ang kilos at galaw ko . Pumasok ako sa isang pinto at kitang-kita ko na naroon si Boss Knight na waring ibinababa nito ang baril para sa kaligtasan ng batang hawak ng mga kalaban.
"Boss Knight leader ng Blue Knight Warrior .Ang pinakamalakas na Mafia sa buong mundo, handang lumuhod para lamang sa buhay ng batang paslit na ito, ano mo ba sya? Kilala ka na walang inuurungan , pumapatay ng taong masasama pero may kahinaan din pala" halakhak ng kanang- kamay ng Monster Silver Mafia.
"Hindi ko kayang hahayaang mamatay ang isang tao sa aking kapabayaan" galit na saad ni Boss Knight. Nasa isang gilid lang ako nag-hahanda kapag binigyan ako ng pag-kakataon. Kitang-kita ang aking anak. Malaki na ito nasa limang-taong gulang na ito ngayon. Kitang-kita ko ang takot sa mukha nito. Ang pulang-pula nitong mata tanda ng pag-iyak at ang mahahaba nitong pilik mata. Marahil nag-tataka ang lahat Author kung paano ko sila nakikita eh nakatago ako .May ikinabit kasi si boss na device sa katawan nya na kung saan pwede kong makita ang nang-yayari sa kinaroonan nya at ganun din sya sa akin.
"Wala ka nang magagawa pa ,Hindi mo makukuha ang batang ito"
"Alam ba ng Master Silver nyo ang ginagawa mo?" Saad ni Boss
"Bakit ko sasabihin? Hahaha, pareho lamang kayo laging kabutihan ang nasa isip" sigaw nito . Habang nakatingala ito kinuha ko ang aking dagger at ibinato ito sa lalaki. Natamaan ito sa tuhod kaya nabitawan nya ang aking anak. Agad namang kinuha ni Boss Knight ang kanyang baril at binaril ito sa bandang puso pero nakailag ito kaya ang balikat nito ang natamaan. Agad naman pumasok ang mga private army sa loob at pinag-babaril ang ibang kasamahan ni Menor .Ito ang kanang kamay ng kabilang mafia.
"Hindi kayo makakalabas ng buhay dito, hahaha. Mamamatay akong masaya dahil nakapag-higanti na ako sa pamilyang Sarmiento" saad nito
"Ano ba ang kasalanan namin sa inyo ?" Tanong ko habang hawak ko ang aking anak na si Lacey Isabelle .Kalong-kalong ko ito.
"Ako lang naman ang pamangkin mg tatay mo na ipinakulong dahil sa isang malaking kasalanan noon nakiusap ako pero hindi nya ako pinakinggan" halakhak ulit nito .Tatanungin ko sana ulit ito pero biglang sumigaw ang private army namin.
"Maraming bomba ang nakapalibot sa paligid Sir" saad ng pinakalider ng private army namin.
"Ilang bomba ang nilagay nyo sa lugar na ito? Sumagot ka?" Galit kong tanong .
"Ha ha , lima, sabay-sabay tayong mamamatay " halakhak nito .
"Kenjie hanapin muna ang head ng private army , Sundan mo sya at ibigay ang anak mo .Kailangan nilang makatakas at bumalik ka dito maraming mga bata ang nakakulong sa dulong silid. Kailangan din natin silang itakas pag-katapos " utos nya sa akin. Gulat na gulat ako dahil nalaman nya ang pangalan ko ngunit wala na akong panahon para mag-tanong .Ang huling nakita ko ay pinaputukan ni Boss Knight ang lalaki sa noo.
Takbo ang ginawa ko para mahanap ang head of security. Kitang-kita ko na nasa isang bomba sila. Pinipilit na pahintuin ito .10 minutes na lamang ang natitira at puputok na ito.
"Israel " tawag ko dito na naging dahilan para lumingon ito.
"Boss ano po ang maitutulong ko?" Tanong nito sa akin.
"Itakas muna ang batang ito. Ang aking anak kung sakaling mag-tagumpay kayo sa pag-takas ibigay mo sya sa pamilyang Sarmiento .Kailangan kong tumulong dito para makatakas ang mga bata.
" Pero Sir , sarado na po ang gate na pinasukan natin kanina. Halatang pinag-planuhan ang lahat. Wala tayong access para makalabas doon Boss" paliwanag nito. Pinag-masdan ko ang tulog na tulog na aking anak. Lumakas ang loob ko. Naalala ko ang isang maling pinto na pinasukan ko kanina .Mukha itong fire exit.
"Sumunod ka sa akin may nakita akong fire exit kanina" sumunod naman sa akin si Israel. Hanggang sa masapit namin ang pinakalikod ng bodega. May isang pinto doon. Sinipa ko ito at Hindi ako nag-kamali ng akala. Agad kong ibinigay sa kanya ang aking anak.
"Kung sakaling Hindi kami makaligtas, ikaw na ang bahalang mag-paliwanang sa asawa kong si Janica Sarmiento , pakisabing mahal na mahal ko sya.
" Opo boss, makakaasa po kayo"
"Dali umalis na kayo" pag-tataboy ko dito.
"Pero Sir"
"Susunod kami" saad ko na lamang dito.
Nang Hindi ko na sila matanaw pa ay Dali-dali akong pumasok sa loob. Kitang-kita kong iniisa-isang kalagan ni Boss Knight ang mga bata. Tinulungan ko na din sya.
"7 mins. Nalang ang natitira Striker , kailangan nating mag-madali" sigaw nito .Agad-agad kong pinalabas ang mga ibang bata habang kinakalagan ang iba. Sinabi kong sumunod sila sa akin .Hanggang sa tatlo na lamang na bata ang natitira at two minutes na lang sasabog na ito. Takbo ang ginawa namin nila Boss at ang mga private army may isa pang bomba na nawawala kaya wala na kaming choice para tumakas. Isang minuto na lamang ang natitira at pinauna naming pinapasok sa exit ang mga private army. Ganoon kami mag-mahal ng tauhan .
Boom! Boom! Boom! Isang napakalakas na pag-sabog ang naganap sa Fairview na naibalita sa television.
Enjoy reading
Feel free to commentPls. Vote
Thank you
_akoclheanne_
BINABASA MO ANG
Billionaire Seductive Wife
RomanceMr. Kenjie Madrid Sarmiento is the CEO of Sarmiento Airlines and Advertising Company. Sya ang nag-mamay-ari ng naglalakihang eroplano at helipad sa buong Mundo, Hindi lamang yun he is the one of Hot Bachelor in California, His Father Mr. Randolf own...