Gimbal na gimbal ang lahat sa malakas na pag-sabog. Balitang-balita rin ito sa lahat ng channel sa television.
Janica POV
Nagising ako sa lakas ng mga kalabog at sabay-sabay na lumabas ng mansion ang mga body guard. Narinig ko rin ang malakas na iyak ni Mommy .Kaya napilitan akong lumabas kahit masama ang aking pakiramdam. Madalas na rin kasi akong mahilo tuwing umaga.
"Mom what's the problem? I asked her.
" Nothing Dianne, may konting problema lang sa business " saad nito sa akin na pilit pinakakalma ang boses.
"Sigurado ka Mom?"
"Yes, go back to your sleep, remember bawal mapuyat ang buntis" pangungumbinsi nito sa akin. Sumunod ako sa utos ni Mom at muling natulog.
________
"Hon, lagi ka sanang mag-iingat" saad sa akin ng aking asawa habang ako ay nakaupo sa Hardin.
"Oo naman hon, lalo na at mag-kakaroon na ulit tayo ng baby" ngiti ko sa kanya.
"Mangako ka hon, na aalagaan at iingatan mo ang dalawa nating anak"
"I promise, teka hon para kang nag-papaalam, saan ka ba pupunta?"
"Sa magandang lugar hon, bisitahin mo sana ako lagi"
"Hon, ayaw ko ng ganitong usapan" pag-puputol ko sa sasabihin nito. Hinawakan ko ang mga kamay ng aking asawa at sinamahan nya akong mag-lakad-lakad sa Hardin. Masaya kaming nag-uusap at nag-kukwentuhan nang bigla ulit syang mag-salita.
"Mahal na mahal kita Hon, ikaw lang ang babaeng aking mamahalin, mangako ka sana na pag dumating ang araw na iwanan kita sana muling titibok ang puso mo sa taong kagaya ko"
"Hon! Hon! " saad ko ngunit Hindi ko na makita ang aking asawa. Saan-saan ko sya hinanap pero wala .Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak kaya tuloy pag-gising ko punong-puno ng luha ang aking pisngi.
Agad akong bumangon at tinignan ang bedside table. Alas sais na pala ng umaga pero Hindi pa umuuwi ang aking asawa. Maya-maya pa ay biglang nag-flash sa akin ang pang-yayari nang magising ako kaninang umaga. Umiiyak si Mom at pagkatapos wala pa ang asawa ko .Hindi pa dumarating .Naalala ko rin ang aking panaginip kaya bigla akong tinambol ng kaba. Pero sinikap kong ipag-sawalang bahala ito kaya ang ginawa ko para malibang ay binuksan ko ang television. Tinatamad pa kasi akong bumaba. Alam naman na iyon ng mga kasambahay kaya dinadalhan na lamang nila ako ng breakfast.
BREAKING NEWS
"Hinihinalang isang sindikato ang nag-pasabog sa isang napakalaking bodega sa Fairview. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang mga biktima, This is Norie Sanchez Reporting" saad ng newscaster. Hindi ko maintindihan ang aking sarili .Agad akong bumaba upang makalanghap ng malamig na simoy ng hangin sa Hardin.
"Kawawa naman si Mam Dianne" rinig kong saad ng isang kasambahay pag-kababa ko sa kitchen.
"Bakit naman?" Saad din ng isa sa bagong hire na kasambahay.
"Baka isa si Sir sa mga namatay sa nasunog na bodega .Kasi kagabi nag-kagulo dito sa bahay. Sumugod halos lahat ng mga guard sa Fairview. Isa kasi sa private army ang tumawag " sika ng kasambahay kaya agad na syang lumabas at nag-pakita sa mga ito.
"Is that true?" I ask them
"Mam andyan po pala kayo?"
"Yes I'm here , so now tell me totoo ba ang mga narinig ko?" Kinakabahan kong tanong pero tinatatagan ko ang aking sarili.
"Opo mam" sagot nila sa akin kaya agad akong sumakay ng elevator upang makarating agad sa 4rth floor dahil naroon ang kwarto nila mommy.
"Sweety" saad nito sa akin .Mugto ang mga mata nito at hindi makatingin sa akin kaya kahit hindi ko pa naririnig ang kasagutan sa aking tanong parang alam ko na ang sagot.
"Mom" tugon ko habang tahimik na humihikbi.
"Totoo po ba Mommy? Totoo po ba ang narinig ko? Nadamay ba ang aking asawa?" Matatag kong tanong habay haplos sa baby ko na nasa sinapupunan pa lang .
"Yes sweety, I'm sorry sa pag-lilihim sayo nag-alala lang kami ng daddy mo dahil alam naming maselan ang pag-bubuntis mo. Kagabi ay tumawag sa amin ang isa sa private army na sinalihan ng iyong asawa. Ang private army na iyon ay isa sa anak ng kasambahay na matagal nanilbihan sa amin. Its con-fir-med" mom said while sobbing .
"A-no po ang na-kum-pir-ma nyo mom? mom?" Paulit-ulit kong tanong dahil hindi nya ako sinasagot .Nananatili lamang itong umiiyak tulad ko .
"He's dead" saad ni mom
"No it can't be mom"
"Tell that you are joking? Mom please tell me its a joke" yugyog ko Kay mom.
"Its real sweety, wala na ang anak ko , wala na ang dahilan kung bakit nag-sisikap kaming mapalago ang lahat ng business namin"
"No, no mom" saad ko habang Panay ang tulo ng luha sa aking mga mata. Nahihirapan na din akong huminga bunga ng aking pag-iyak. Hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang nangyari.
Nagising ako na nasa ibang solid ako .Kung hindi ako nag-kakamali nasa clinic ako dito sa Mansion. Nakita ko ang private Doctor ng pamilya .
"How are you feeling?" Saad nito sa akin.
"Masakit Doc, hin-di ko pa rin matanggap .Tumulo na naman ang mga lintik kong luha .Hindi ko kasi kayang pigilan .
" Kaya-nin mo para sa batang dinadala mo " nakangiting pag-papayo ni Doktora sa akin ngunit hindi ko kayang ngumiti dahil sa sobrang sakit. Ayaw kong maging plastic sa nararamdaman ko .
"Masakit Doc dahil nawala na din ang pag-asa kong mahanap pa ang isa naming anak dahil wala na ang aking asawa" pahayag ko sabay punas ng luha sa aking mga mata. Sasagot pa sana si Doktora ng may kumatok sa pinto. Bantulot na tumayo si Doktora at halatang wala pa itong tulog dahil siguro sa pag-babantay sa akin pero nakasisiguro naman ako na hindi sya magiging lugi dahil sobra sobrang mag-bigay ng pasweldo ang pamilyanv kinabilangan ko .Halata sa mukha ni Doktora ang gulat .Maya-maya pa ay binuksan na nito ang pinto kaya napatingin na din ako . Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita hindi ko mapigilang mapaluha ulit.
Enjoy reading!
Feel free to commentPlease vote for my story
Thank you
_akoclheanne_
BINABASA MO ANG
Billionaire Seductive Wife
RomansaMr. Kenjie Madrid Sarmiento is the CEO of Sarmiento Airlines and Advertising Company. Sya ang nag-mamay-ari ng naglalakihang eroplano at helipad sa buong Mundo, Hindi lamang yun he is the one of Hot Bachelor in California, His Father Mr. Randolf own...