TWENTY TWO

28.9K 554 1
                                    

Janica POV

I woke up early in the morning , hindi pa rin dumarating ang aking asawa. Mas lalo tuloy nadagdagan ang inis ko sa kanya .I took a bath and after that I decided to go in the dining room. Takam na takam ako sa iba't-ibang putahe na nasa mesa. Kumain ako ng kumain hanggang sa mabusog ako .Maya-maya ay biglang may inihain pa si manang .Ito ay ang paborito ng aking asawa na kaldereta. Biglang nahilo ako sa amoy na ito at agad-agad tumakbo sa comfort room upang sumuka. Hilong-hilo ako at pawis na pawis kaya naman napaupo ako habang hawak-hawak ko ang aking ulo. Gulo-gulo na rin ang buhok ko at parang mahihilo na ako. Hindi ko na alam ang nang-yari basta nagising na lamang ako na nakahiga na ulit sa kwarto at binabantayan ako ni manang.

"Kumusta ang pakiramdam mo iha?"

"OK naman manang, nahilo lang po ako kasi kanina pa masama ang pakiramdam ko pero lumabas pa din ako"

"Sigurado ka ba iha? Gusto mo tawagan ko si Sir Ken?.Buti na lamang at sinundan kita"

" Salamat po sa pagtulong  manang, pero wag na lamang po, aalis din po ako, mag-papadrive na lamang ako kay manong"

"Ok sige iha, bababa muna ako "

"Sige po" magalang kong wika. Hindi ko na talaga maintindihan ang nang-yayari sa akin. Natatakot na akong baka may sakit na ako .Lakad ako nang lakad sa kwarto ng biglang bumukas ito at pumasok ang aking asawa na gulong-gulo pa ang buhok pero napakagwapo pa rin ng itsura nito .Pero bigla na naman akong nakaramdam ng inis sa kanya dahil mas matangos ang ilong nito kesa sa akin. Linapitan ko sya at saka pinang-gigilang pisilin ang ilong nito.

"Stop, masakit?" Reklamo nya sa akin kaya naman mas lalo ko pa itong pinisil hanggang sa sya na ang mag-tanggal sa mga kamay ko .Kitang-kita ko ang pag-kairita nito .

"Pagod ako kaya pwede ba hon, wag kang ganyan" parang pagod na pagod nitong saad. Bigla na lamang akong naging emosyonal at humagulhol kaya agad naman nya akong linapitan at niyakap.

"I'm sorry" saad nya pero hindi ako sumagot patuloy pa ring umaagos ang luha ko .Maya-maya pa ay biglang kumatok sa pinto .

"Come in " saad ng asawa ko habang yakap yakap ako .

"Mam, ito na po ang gatas nyo para makatulog at makapag-pahinga kayo ulit. Kulang lang siguro kayo sa tulog kaya naman nahilo kayo kanina sa C.R."  sinisenyasan ko si Manang na huwag na sanang ipaalam sa asawa ko pero hindi nya naintindihan ang ibig kong ipahiwatig .Nang makaalis na si Manang ay kinompronta ako ng aking asawa.

"Bakit ka nahilo kanina?" Paunang tanong nya sa akin.

"Puyat lang ako pag-dadahilan ko" hindi ako tumitingin sa kanyang mga mata .

"Halika sasamahan kitang mag-pacheck-up" aya nya sa akin.

"No! May lakad ako " saad ko sa takot ko na baka may iba akong sakit.

"If I said we will go, we will. Icancel mo muna ang lakad mo." he said in very strict voice. Kaya wala na akong nagawa kundi mag-bihis at sumunod sa kanya.

When we reach the hospital, many girls are looking at us most specially with my husband kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.Kaya agad silang nag-sibalikan sa kanya-kanya nilang ginagawa.

"Let's go" saad ko kay ken saka ko hinawakan ang kamay niya. Tinitigan nya lang ako saka ngumiti.

"Your jealous" bulong nya sa akin kaya pumula ang mukha ko .

"Bakit masama ba ang mag-selos? Asawa mo naman ako?" Kunot-noo kong tanong habang nag-lalakad kami sa hallway ng hospital.

"Hindi naman, mas lalo ka kasing gumaganda ngayon"

"Nambola ka pa" saad ko . Maya-maya pa ay narating na namin ang opisina ni Dr. Hidalgo sa hospital ,kaya kumatok si Ken at pinapasok kami ng assistant Secretary ng Doktora.

"Welcome back Ken, ngayon na naman ulit tayo nag-kita " nakangiti na saad ng Doktora.

"Thanks Tita Marisa"ngiti ng asawa ko sa Doktora. Dumako naman ang tingin sakin ng Doktora at ngumiti .

" Sya ba ang asawa mo?"

"Yes po Rita. Sya si Dianne, Dianne sya ang tita Marisa ko" pakilala nya sa amin .Inabot ko naman ang kamay nito at ngumiti .Maya-maya pa ay may tumawag sa asawa ko kaya lumabas sya ng silid.

"Ano ba ang nararamdaman mo iha?

" Nitong mga nakaraang buwan po kasi lagi akong nahihilo, nanlalambot at nasusuka.Natatakot akong baka may sakit na ako " matapat kong saad.

"Hindi kaya buntis ka? Kelan ka huling nag-karoon?" Tanong nya sa akin kaya agad naman akong napaisip .

"Isang buwan na po akong hindi dinadatnan " wika ko

"Sige ito ang pregnancy test. Pumunta ka ng C.R. para malaman natin kung totoo ang hinala ko na buntis ka " sinunod ko ang sinabi ng tita ng asawa ko .Excited akong nag-tungo sa C.R. Ipinikit ko ang aking mga mata pag-katapos at nang handa na akong makita ang resulta ay saka ko iminulat ang aking mga mata . Lumaki ang aking mga mata sa resulta. May dalawang guhit. Lumabas ako at ipinakita kay Doktora. Masaya ako dahil buntis ako .Nakiusap ako kay Doktora na huwag munang sabihin sa asawa ko kasi balak ko itong surpresahin sa nalalapit nitong kaarawan. Mag-kakaroon na ulit kami ng anak at sana ito na ang maging simula ng lahat. Ang alam ng asawa ko ay dala lang ng pagod at pag-pupuyat kaya ako nahilo. Binigyan ako ni Doktora ng mga vitamins na kailangan kong inumin .

Dalawang araw na lamang at kaarawan na ng asawa ko .Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya na buntis ako pero pinipigilan ko lamang ang aking sarili. Nakakutsaba ko na rin ang lahat para sa kanya ng kaarawan. Kaaalis lamang ni Ken kani-kanina papunta sa opisina. Sasama sana ako pero sabi nya maaga na lamang sya uuwi para makabawi sa kasalanan nya sa akin. Ibinilin ko din na bilhan nya ako ng matamis na pakwan. Maya Maya pa may isang mamahaling sports car ang huminto .Bumaba roon ang mommy at daddy ni Ken .Agad kong sinalubong si tita at niyakap ito.

"I miss you Darling" sabay yakap nya sa akin .Kaya niyakap ko rin si mommy ng buong higpit.

"Ssssh why are you crying?" mommy looked at me .

"Tears of joy lang po , kasi nandito na po ulit ako. Ok na po kami ni Ken"

"Salamat naman kung ganoon. Nasaan ba ang unico iho ko?" Tanong nito.

"Kaaalis lang po"

"Iha nag-tatampo na ako sa inyong dalawa at parang wala ako dito" kunwa'y tampo ni Daddy kaya agad kaming tumawa ni Tita .Niyakap ko na lang din si Daddy saka ko sila inaya sa Dining upang kumain.

Enjoy reading

Pls. Vote po

Akoclheanne

Billionaire Seductive WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon