EPILOGUE

56.4K 909 72
                                    

Dianne POV

Sabi nila walang permanente sa mundo sa kabilang banda naniniwala ako diyan dahil nga may mga taong iniiwan tayo kaya ito ang nagiging dahilan kung bakit nasasaktan tayo. Dalawang buwan na ang nakakaraan mula ng iwan niya kami ng aking mga anak. Wala akong ibang ginawa kundi alalahanin ang masaya naming mga ala-ala. Sabi niya babalik siya agad pag-katapos ng training niya para hawakan ang nag-lalakihan nilang business all over the world. Ito kasi ang kagustuhan ni Tito Randolf bago ipamana sa aking asawa ang lahat ng ari-arian ng pamilyang Sarmiento. Hinawakan ng aking asawa ang pinakamalaki nilang company sa Europe. Minsan narinig ko si Tito na kausap ang assistant nito na sinadya nilang alisan ng 700 billion na pera ang kompanya sa bawat department nito upang subukin kung paano reresolbahan ng aking asawa ang problema. Masaya naman ako ng malaman nito ang puno at dulo ng lahat kaya nakapasa siya sa unang pag-subok ni Daddy. Pangalawa naman na pag-subok na ginawa ni Daddy para sa kanya ay pinag-trabaho nito si Em sa company, para subukin daw sabi ni Daddy kung gaano ako kamahal ng anak niya pero nabigo ulit si Daddy kaya naman sobrang saya ko nang malaman ko ito dahil nakasisiguro na akong mahal ako ng aking asawa. Pangatlo naman na ginawa ni Daddy ay kinuhaan niya pala kami ni Eric habang nag-yayakapan at mag-kahawak kamay na kung saan pinilit kami ni Daddy para gawin iyon nabigo ulit si Daddy dahil tinanong muna ako at pinag-paliwanag ng aking asawa, pang-apat naman ay sinubok siya ni Daddy sa pamamagitan ng pag-papadala nito ng mga tao na may gustong makipag-business partner sa kanya pero magaling ang asawa ko dahil marunong itong kumilatis ng taong totoo o may balak lamang na masama at ang pinakahuli naman ay ang ipag-bawal ni Daddy na mag-karoon kami ng komunikasyon sa loob ng dalawang buwan. Hindi namin siya pwedeng sawayin dahil magaling si Tito Randolf binabantayan nila ako sa bawat pag-labas ko para hindi makabili ng Sim, pinutol din ni Dad ang connection ng telepono sa room kaya heto inaantay namin kung kelan siya babalik. Inaantay ko nalang din ang biggest surprise na pangako ni Daddy kapag nakapasa sa pag-subok ang aking asawa.

Isang araw ay maagang nag-punta sa Mansion ang aking kaibigan na si Eric at kasama ang ate ko .Humihingi sila ng tulong sa akin dahil bigla daw nag-kasakit ang leading lady ng gaganap sa bago nilang show ako daw ang perfect match na nakita nila at naipaalam na din daw ako sa anak ko, sa asawa ko at pati kila Mom at Dad. Dapat daw pumunta ako dahil gagawa na sila ng paraan para mag-kita kami ng aking asawa. Kaya naman sumama ako sa kanila at dinala nila ako sa favorite salon ni Mommy kung saan dito kami nag-papaayos ni Mom. Pero bigla akong nauhaw kaya naman nag-pakuha ako ng juice......

Nagising na lamang ako na nakasakay sa isang sasakyan na nakahinto na malapit sa isang sikat na beach resort na pag-aari pala ng aking asawa at ang kalahati naman ay Kay Red Rios saad ni ate na nakatanaw sa labas. Tinignan ko ang aking sarili nakasuot ako ng wedding gown, hindi naman ako ganoon ka-slow para hindi malaman na planado and lahat na totoong ikakasal ako .Tinignan ko ulit  si ate tahimik nitong pinupunasan ang luha kaya naman napaluha din ako pero maagap na pinunasan ni ate ng tisyu ang aking mga mata.

"Congratulations Sissy Bez, today is your Day, Happy Wedding" wika ni ate.

"Thanks ate " saad ko sabay yakap sa kanya.

Ang aming kasal ay ginanap sa isang pribadong isla na dinarayo dahil sa napakagandang kapaligiran at tanawin. Ang dagat ay napakalinis at asul na asul. Mula ng patayuan ito ng   beach resort ay madalas ng dayuhin ng mga taong kabilang sa high society , marami na rin ang sumubok na hilingin sa management na pag-dausan ito ng mahahalagang okasyon ngunit walang nag-tagumpay iyon ay dahil ito ang napakamemorableng pag-dadausan ng aming kasal. Dinaluhan ito ng napakaraming tao , mga tauhan namin mula sa iba't-ibang kompanya ay dumalo ganoon na rin ang mga kamag-anak namin. Hindi ko na alam kung ano na ang mga nang-yari dahil sobrang tulala ako sa buong seremonya ng aming kasal. Nagulat na lamang ako ng kalabitin ako ng aking asawa.

"Hon, tinatanong kana" bulong niya sa akin kaya naman sumagot ako.

"Yes I do" nakangiti kong saad.

"You may now kiss the bride" pag-kasabi ng pastor na nag-kasal sa amin ay saka pa lamang ako bumalik sa katinuan. Ikinasal na rin kami sa wakas  ng aking asawa dito sa Pilipinas. Nag-halikan kami ng aking asawa at kung hindi pa marahil sa palakpakan at sigaw ng aming mga kaibigan ay hindi pa kami titigil. Pulang-pula ang aking pisngi pag-katapos akong halikan at kindatan ng aking asawa.

Matapos ang kainan at kasayahan ay nauna na kaming umalis para sa aming honeymoon. Sumakay kami sa pinakamalaking yate na pag-mamay-ari nila. Ang aming mga anak ay naiwan muna kila mommy para daw masundan na sila. Dati pangarap ko lamang na makasakay ng yate pero heto ngayon unti-unti ng natutupad ang mga pangarap ko.

Nang medyo malayo na kami sa isla ay hinila ako ng aking asawa para pumunta sa Cabin namin. Apat lamang kami na nasa yate hindi ko na inalam pa mula sa aking asawa kung sino ang dalawa. Sa sobrang lawak at laki ng yate ay imposibleng mag-kita-kita pa kami dito.

"Hon" mahinang bulong ng aking asawa sa akin habang nasa deck kami ng yate. Kitang-kita ko ang napakaliwanag na langit, ang napakaraming nag-kikislapang bituin na para bang nakikiayon sa aming pag-mamahalan. Nagulat na lamang ako ng may nakita akong kutson at kumot na nakalatag dito. Meron ding table na punong-puno ng prutas, pag-kain at mga mamahaling alak na paborito ng aking asawa. Maya-maya pa ay isinara ng aking asawa ang pinto papunta sa deck ng yate.

"Look at the sky Hon" saad niya sa akin sabay pulupot ng kanyang kamay sa aking likuran. Nakatayo kasi ako sa railings at pinag-mamasdan ang tahimik na karagatan.

"Why hon?'' Tanong ko

" Napakaganda ng kalangitan, napakaraming talang nag-kikislapan, Simula ng dumating Ka noon sa buhay ko , nag-karoon ng kulay ang malungkot kong buhay, Mahal na mahal kita Hon, I'm the luckiest person in the whole universe because I have you, Mi Amore" madamdaming wika ng aking asawa.


"Mahal na mahal din kita Hon, maswerte din ako dahil ikaw ang aking makakasama habang buhay. Ang pag-ibig parang pag-sakay sa yate minsan may lugar kang patutunguhan at meron din namang pag-kakataon na ikaw ang mag-hahanap ng paligid na iyong pupuntahan. Hindi man maganda ang naging umpisa natin pero heto tayo ngayon maligaya at masaya " maemosyon kong saad.

"Tama Ka Hon, muli tayong pinag-ayos at pinag-tagpo ng Poong Maykapal, ito ang araw-araw kong ipinag-papasalamat sa kanya" saad sa akin ni Ken at saka kami masayang tumingin sa kalangitan at umaasang patuloy na magiging maganda at masaya any aming pag-sasama dahil wala namang perperktong relasyon lahat tayo at nag-kakamali at base sa mga pag-kakamaling nagawa natin tayo ay natututo. Sabay naming ipinikit ang aming mga mata habang nakahiga at sabay kaming nanalangin na patuloy niya kaming patnubayan sa bawat sandali ng aming buhay.


                        WAKAS



Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik at sumuporta sa aking kwento.

Nawa ay abangan niyo rin any buhay pag-ibig ni Red.







_akoclheanne_

Billionaire Seductive WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon