Chapter 1

206 6 0
                                    

"Pwede ka nang mag simula bukas" sabi nung manager nanakapag pangiti sakin.

Sa wakas! Matapos ang tatlong araw ng paglilibot ko dito sa Maynila, nakahanap din ako ng trabaho.

"Thank you po Ma'am Nick" nakangiting sagot ko at bahagyang yumuko

"You're welcome Ms.Agua" sagot nya bago umalis

Mabilis akong sumakay ng jeep pauwi sa apartment na nirerentahan ko medyo malayo sa pinag tatrabahuhan ko pero ayos na rin basta meron. Pagkababa ko ay pumunta ako sa paradahan ng tricycle para magpahatid mismo sa apartment.

Pagkabukas ko ng pintuan dumiretso agad ako sa kwarto ko. Maliit lang naman to kumpara sa ibang paupahan dahil mag-isa lang naman ako sa buhay.

Wala akong kapatid at ang mama ko naman ay namatay dahil sa cancer noong 16 palang ako at ang Papa ko?

Andun sa pamilya nya. Nang mamatay si Mama nalaman ko na kabit lang pala sya ni Papa at may tunay syang pamilya. Kaya pala bihira lang namin sya makasama.

Simula nung araw na yun tinatak ko sa utak ko na kailangan kong makapag tapos para buhayin ko ang sarili ko.

Ayoko magkaroon ng utang na loob!

Kumuha ako ng simpleng pants at tshirt na itim sa damitan ko para plantsahin, ito nalang ang isusuot ko bukas. Dumiretso ako sa sala pagkatapos, sa tatlong araw kong pagtira dito hindi ko parin to nawawalsan kaya mukhang sinalanta ng bagyo.

Naglinis ako ng bahay buong maghapon dahil wala narin naman akong ibang gagawin. Hindi ko na namalayan ang oras dahil madilim na nang matapos ako, nakakapagod kaya naman pagkatapos kong linisin ang sarili ko ay nakatulog agad ako.

My First Love's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon