"LADIES AND GENTLEMAN, THE CEO OF OUR COMPANY! MR. JETT PEREZ!!"
Sandali akong natameme bago ako humarap sa stage at doon nakita ko ang taong gusto ko nang kalimutan.
Jett Perez...
Nasa gitna sya ng stage at nag sasalita pero kahit isa wala akong maintindihan.
Unti unting nag sisink in sa utak ko na ang taong nanakit, nagpaiyak at nanloko sakin noon, nasa harapan ko na ngayon at nakakangiti ng malaki.
Ganyan ka ba talaga?
Bakit parang wala lang sayo?
Naka white plain tshirt at dark blue pants. Parang empleyado lang rin sya gaya namin pero sya pala ang CEO. Small World.
Aalisna sana ako sa pwesto ko nang mapatingin sya sa direksyon ko mismo. Biglanhg nawala ang kaninang malaking ngiti nya at napalitan ng seryosong mukha samantalang naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko ang pamilyar na tibok sa dibdib ko.
Dati, saya ang dulot ng kabog sa dibdib ko pero ngayon sa bawat tibok may kasabay nang kirot.
Mabilis akong tumakbo papuntang elevator at pinindot ang button pa parking lot. Pinalis ko dinang namumuong luha sa mata ko
Akala ko okay nako. Akala ko wala na. Meron parin pala. Na kahit anong gawin ko hindi ko maloloko ang sarili ko.
Sariwa parin talaga kahit isang taon na ang lumipas..
Pagkabukas palang ng elevator tumakbo na ako palabas pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbukas ng isa pang elevator. Napapikit ako ng madiin at mas binilisan pa ang takbo.
Akmang huhubarin ko sana ang pumps ko nang maabutan nya ako at hinarangan ang dadaanan ko.
Natigilan ako at napa ayos ng tayo nang magtama ang tingin naming dalawa.
"Sam"
BINABASA MO ANG
My First Love's Second Chance
RomanceBakit kailangan pa gumawa ng mali kung alam naman ang tama?