Mag aalas sais palang ng umaga pero nandito naagad ako para makapag ayos para mamaya sa party.
Dito yun gaganapin sa rooftop ng building kaya pagdating ko doon ay halos nandon lahat ng katrabaho ko.
Yung iba nagbubuhat ng lamesa at upuan, nag aayos naman ng kurtina yung iba. Lumapit agad ako sa kanila at tumulong.
Ako ang nag ayos ng mga rose sa flower vase na ilalagay sa gitna ng bawat table. Tingin ko nasa 30 mahigit ang lamesa kaya marami akong gagawin.
Mag aalas singko na nung matapos kami. Dumating narin ang mga pagkain kaya kanya kanya kaming uwi para makapag ayos ng sarili.
Nag dadalwang isip ako kung uuwi ba ako dahil masyadong malayo tsaka sayang sa pamasahe, buti nalang hinila ako ni Gem at sinabing sa kanila nalang ako mag ayos.
Buti nalang rin at dala ko ang pamalit kong dress tsaka sandals.
Simpleng bluegreen na dress at black na pumps lang ang isusuot ko dahil yun lang rin naman ang meron ako.
Kung ano ano pa ang ginawa ni Gem sakin, kesyo bagay daw sakin ang straight na buhok kaya pinlantsa nya ang buhok tapos nilagyan pako ng make up buti nalang hindi makati.
Humiwalay agad sakin si Gem dahil kasama nya pala ang boyfriend nya. Hindi man lang ako na inform namay boyfriend pala sya.
Dun ako umupo sa gitnang gilid para hindi naman halata na loner ako. Pinapalibutan kase ako ng mga katrabaho kong dala ang mga aso--este jowa nila.
Kung ako lang ang masusunod, hindi na ako pupunta dito e, kaso pag naiisip ko yun mga pagkaing naka handa nanghihinayang ako.
Kasalukuyan akong nadampot ng pagkain nang mag palakpakan ang mga tao, wala sana akong pakealam kaso napatigil ako nang marinig ko ang pangalang hindi ko alam kung papansinin ko ba o ipagsasawalang kibo nalang.
Pangalang minahal ko noon na kinasusuklaman ko na ngayon.
BINABASA MO ANG
My First Love's Second Chance
DragosteBakit kailangan pa gumawa ng mali kung alam naman ang tama?