"Samantha eto pa daw" sabi ni Gem na katrabaho ko sabay patongng makapal na papel sa lamesa ko
Kaloka! Isang linggo palang akong nagtatrabaho sa kumpanyang to pero pakiramdam ko, ang laki na agad ng tinanda ko. Maya'tmaya nalang may nilalapag silang iba't ibangmakakapal na papeles sa table ko. Namamanhid narin ang kamay at daliri ko katatype sa computer nato pero keri lang para sa pera.
Kailanga daw kaseng matapos lahat ng trabaho ngayong week dahil may party raw bukas. Ewan ko kung anong klaseng party, hindi naman kase ako mahilig sa ganon.
"Samantha lunch ka muna" sigawni Gem mula sa corner nya
"Ge lang" sagot ko habang nagpipipindot parinsa keyboard.
Kung ako lang ang masusunod, gusto ko naring magpahinga kaso pagtitingin ko sa mga papel na nasa lamesa ko, napapangiwi ako dahil ang kapal kapal pa non.
Alas siete ng gabi nang matapos kami sa trabaho. Magkakasabay kaming lumabas pero magkakaiba kami ng sasakyan.
Si Gem lang ang kasabay ko dahil sya lang ang may katulad kong direksyon ng bahay, mas malayo nga lang talaga yung akin.
"May isusuot kana bukas?" Tanong ni Gem habang nangangain ng fishball.
"Kailangan ba talagang pumunta lahat?" Kunot noong tanong ko.
"Required daw ang pumunta e. Simpleng party lang naman yun kaya kahit simpleng dress nalang rin ang isuot natin" sabi nya.
"Para san ba yung party?" Tanong ko na ikinats ng kilay nya.
"Hindi mo alam?" Balik na tanong nya kaya napairap ako
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Nakairap na sagot ko
"Babalik daw kase yung may ari nitong kumpanya kaya may pa welcome party" sabi nya sabay tapon nung pinagkainannya sa gilid ng kalsada. Baliw talaga.
Ibang jeep ang sinakyan ni Gem kaya ako lang rin mag isa ang umuwi. Akala ko pa namanmay kasabay na ako.
BINABASA MO ANG
My First Love's Second Chance
RomanceBakit kailangan pa gumawa ng mali kung alam naman ang tama?