Epilogue

151 6 0
                                    

Noong una sabi ko sa sarili ko, isang malaking kalokohan kung bibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang taong niloko at sinaktan kana.

Pero dahil sa pinagdaanan ko, nalaman ko na depende pala yun sa tao kung dapat ba silang bigyan ng second chance.

Kapag ang tao ay nagkamali at nag sorry pero may karugtong na "kasi" ibig sabihin hindi talaga sila nag sisisi.

Ang word na "kasi" ginagamit yan pang depensa. ibig sabihin pag ginamit mo ang word na yan, hindi mo inaako ang pagkakamali mo at dahil don, hindi nagiging sincere ang sorry mo.

Pero kapag ang tao ay nagkamali, nagsisi, inako ang kasalanan at nagpaliwanag, doon mo masasabing deserve nya ng Second Chance.

Love and Pain. Silang dalawa lang talaga ang may forever.

Pag nag mahal ka dapat ready kang masaktan, kung ayaw mong masaktan, wag ka nalang mag mahal. Love without pain is not true love.

We will always get hurt. Wether we like it or not.

Hindi tayo mabubuhay ng puro saya lang. Lahat tayo mararanasan masaktan, malungkot at maiwan.

Hindi natin maiiwasan ang problema pero tandaan natin na sa bawat problema may kaakibat na dahilan.

Sa bawat pagkakamali, may resultang aral.

Masasabi kong isa kami sa sinubok ng tadhana.

Sinubok nya kung gaano kami katatag.

Sinubok nya kung gaano namin kamahal ang isat isa at ngayon, masasabi kong matatag na talaga kami.

Sinadya man o pinili ni Jett na lokohin ako, ang mahalaga ay pinagsisisihan na nya iyon at hindi na uulitin pa.

THE END.

My First Love's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon