"Di nga beks? seryoso? Gulat na tanong ni Gem at nung tumango ako nagsimula na syang tumalon habang umiirit at nakahawak pa sa pisngi nya. Buti nalang walang tao dito dahil lunch time namin. Kinuwento ko kase sa kanya lahat kaya ganyan kung maka react mukha naman syang mapagkakatiwalaan kaya keri na.
"Ang swerte mo Samantha Agua! Ex mo yung CEO nating pinaglihi na araw sa sobrang hot." Malagkit na sabi nya at napangiwi ako nang magsimula na naman syang tumalon at magtitili.
"Oh e anong plano mo?" Tanong nya ng mahimasmasan na.
"Kailangan ba non?" Tanong ko at ngumuso.
"Oo naman! Wala ka bang balak na pag paliwanagin sya? Sige ka baka magsisi ka kapag nakahanap yun ng iba!" Panakot pa nya at napayuko naman ako habang nakangiwi. Ang lakas kasi ng boses nya.
"Mas nagsisisi pa ako na nagingboyfriend ko sya" seryosong sabi ko na ikinalaki ng mata ni Gem.
"Wow te! Ganda ka? O sige maganda kana pero jusko naman! Si Mr.Jett Perez na yun! CEO ng kompanya. Choosy kapa?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
"Alam mo? Hindi masama makinig sa paliwanag. Hindi mo ikamamatay yon" dagdag pa nya
"Alam ko na ang dahilan nya" sagot ko at nag type na ulit sa computer.
"Ano?" Agad na tanong nya sakin
"Kase kailangan nyang makapasa" matabang na sagot ko sa kanya at napailing naman sya.
"Wag mo pangunahan ang lahat ng bahay te! sigurado ako na may iba pa syang dahilan" seryosong sabi nya bago bumalik sa cubicle nya at iniwan akong natitigilan.
"Wag kang advance mag isip!" sigaw pa nya kaya ako naman ang napailing. Baliw talaga.
BINABASA MO ANG
My First Love's Second Chance
RomanceBakit kailangan pa gumawa ng mali kung alam naman ang tama?