"I'm sorry" napangiti ako ng mapakla nang maalala ko ang katagan yon na sinabi nya.
Kung kagaya lang sana ako ng dati na mahina pag dating sayo, tinanggap kona sana ang sorry mo..
Napapikit ako ng mariin nang pumasok sa isip ko lahat nang nangyari noon.
Alalang alala kopa kung paano kami nagkalapit. Kung paano ako nagkagusto ng palihim sa kanya.
Kilala kase sya noon dahil Team Captain sya ng baseball noong college, maraming babae ang nagkakagusto sa kanya pero yung magaganda lang ang pinapatos nya. Hindi ko alam kung playboy ba sya o sadyang sinusulit lang nya yung mga babae pero kahit ganon gusto ko parin sya.
Nag aaral ako sa library nang biglang may padabog na umupo sa harapan ko kaya napatingin ako at nanlaki ang mata nang makitang si Jett Perez pala yun. Para akong timang na gulat na nakatitig lang sa kanya.
Bumalik ako sa pag babasa kahit na sa totoo lang wala akong maintindihan kahit tatlong beses ko nang binabasa ng paulit ulit yung paragraph sa libro.
Napansin ko namang naka kunot ang noo nya habang nakatingin sa notebook nya na pasimple kong sinilip at nakita kong numbers ang nakasulat doon. Mukhang frustrated na sya dahil hindi nya magets.
Muntik na akong mapatalon nang bigla syang tumingin sakin at ngumiti, napakamot pa sya ng ulo at nahihiyang nagtanong sakin kung alam ko daw ba yun. Buti nalang napag aralan na namin yun kaya naturuan ko sya.
To make the long story short. Nagkapalagayan kami ng loob hanggang sa yun nga, niligawan nya ako at dahil nga baliw na baliw akp sa kanya pumayag ako at naging kami. Ni hindi ko alam kung seryoso ba sya.
Sobrang saya ko non kasi hindi ko inakalang magiging kami pero syempre hindi rinnaging madali.
Tuwing may dadaan na magagandang babae sa harap ko pinag bubulungan nila ako. Hindi sila makapaniwala na girlfriend ako ng hearthrob ng school. Hindi kase ako kikay gaya nila. Hindi ako nag memake-up gaya nila. Simple lang ako manamit kaya ganon sila magkapag react.
First Anniversary. Magkikita dapat kami sa Gardenng school, 5 ng hapon kaso mag aalas sais na wala pa sya kaya pumunta ako sa likod ng building na tambayan nila ng tropa nya. May kubo kase doon at dun sila lagi nakatambay.
Nakangiti ako noon habang bitbit yung cake na pinag ipunan ko. Paliko na ako nang may pamilyar na boses akong narinig.
"Anong balak mo?" Tanong ni Van na nasa harapan ngayon ni Jett
"Sa Graduation ako makikipag hiwalay" walang ganang sagot ni ni Jett na ikinatahimik ko. Gusto ko umalis pero ayaw makisamang katawan ko. Ayoko makinig pero gusto ko malaman ang totoo kaya kahit alam ko na ang pinag uusapan nila, pinili ko paring makinig kahit nasasaktan na ako.
"Pero seryoso pre, hindi ka inlove kay Samantha?" Nahigit ko ang hininga ko ng marinig ko ang tanong ni Van. Sa oras na yon hiniling ko na sana wag sumagot si Jett pero alam kong imposible dahil ang sagot nyang yon ang dumurog sakin.
"Hindi ko type si Sam, hindi ko naman dapat liligawan yon kaso nalaman kong may gusto sakin. Tsaka kailangan ko sya para pumasa ako" sagot ni Jett na mas lalong nagpahikbi sakin. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka sya nitext.
mabilis akong tumakbo pabalik ng Garden. Pinalis ko ang luha ko at maya maya pa narinig ko na ang mga yabag nya palapit sakin.
BINABASA MO ANG
My First Love's Second Chance
RomanceBakit kailangan pa gumawa ng mali kung alam naman ang tama?